Chapter 21

5.5K 152 14
                                    

Lumayo ako sa kanya at tinignan siya nang masama. Subukan niya lang talaga at makakatikim siya. Hindi dapat nadi-disappoint ang buntis.

"Uh, yeah. I'll give you the number... my wife's number just in case you need to contact me--- or if you have something to ask about cooking. Nothing more." napapalunok pa siya habang nakatingin sa akin. Nag-iingat sa mga sasabihin.

"Bawal ba yung number mo?" yung Ally naman ang nagtanong ngayon. Medyo makapal din siya, huh. Kita na nandito ako pero lantaran yung pagpapacute nilang tatlo.

"I don't have a number." dahilan niya at nakita kong bumagsak ang balikat nilang tatlo. Ayan, madali ka naman pala kausap. Gusto mo pa yung tinatakot ka.

Sa huli ay number ko rin ang binigay niya. Sa oras na magtext ang mga 'yan sa akin ay auto block number sila. I don't like virus and fungus on my inbox. 

Naguluhan ako nang maraming nagtinginan sa entrance kaya pati kaming dalawa ni Anthony ay napatingin na rin. Kung sila ay nagulat, mas lalo naman kaming dalawa ng boyfriend.

Taas noo at nakangiting pumasok si Austein sa event at kasama niya si Tricia.

Teka, paano nangyari? Magkakilala ba sila?

"Diba siya yung lalaki mo?" nakakunot noong tanong sa akin ni mokong. Anak ng.

"FYI, for your information, para sa iyong kaalaman, kaibigan ko 'yan at hindi lalaki. Baka ikaw ang may babae dun sa kasama niya. Si Tricia yun, diba?"

Bumalik nanaman sa akin ang nangyari nung huli kaming nagkita-kita sa mall. Yung away at yung pangmamaliit sa akin. Bigla akong natakot. Baka mangyaring ipahiya niya rin ako sa mga tao rito. Hindi ko kakayanin lalo na kung madadamay at mapapasama ang anak ko.

"Hey, are you okay? Bakit natahimik ka bigla? Something's bothering you?" sunod-sunod na tanong niya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Tagos sa pagkatao ko ang mga titig niya. 

"Wala naman. May naalala lang ako." ngumiti ako sa kanya at napagtanto ko na hindi ako dapat matakot. Alam ko na kahit anong mangyari, hindi niya ako pababayaan at lagi niya akong poprotektahan.

"What a small world, huh." nasa harap ko na ngayon si Tricia samantalang si Austein ay nakita kong kausap si Trixie.

"Ayoko namin ng gulo, please."

"You think I will stoop that low? I'm not here for that. Actually, I want to apologise for my behavior last time." hindi naman sa nanghuhusga ako pero hindi ko maramdaman yung sinseridad niya sa sinabi. Pero iwinaksi ko nalang ang isipin na 'yun. Ang mahalaga ay maging maayos na lahat.

"Pinapatawad na kita. Kalimutan nalang natin yun." ngumiti siya sa akin at saka bumaling kay Anthony ang tingin. Tahimik lang siya habang nag-uusap kami ni Tricia. Tumalikod na rin si Tricia sa amin at dinaluhan si Austein.

Tumunog ang cellphone ni Anthony at nakita kong tumatawag ang isa sa mga barkada niya. Pinatay niya ang tawag at saka siya nagtipa ng mensahe.

"Bakit mo pinatay?" kyuryosong tanong ko.

"Hayaan mo na. Mangungulit lang yun."

Ngayon naman ay mensahe ang natanggap niya.

"Oo nga pala!" bigla niyang sabi na parang may naalala. "Nakalimutan ko!" halata ang frustration sa mukha niya.

"Ano ba 'yun?"

"May inuman nga pala kami sa bahay nina Jew. Tomorrow is that fucker's birthday pero mangingibang bansa sila kaya maaga ang celebration."

BS1: The Fallen Bachelor || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon