"Happy Birthday, baby!" kahit tulog pa ay hinalikan-halikan ko siya. Naririnig ko ang ungot niya na para bang naudlot ang kanyang antok at ayaw pa bumangon. "Wake up na! It's your special day!"
Dumilat siya at agad na napangiti nang makita akong nakasuot ng party hat. "Good morning, Mama..."
"Gising na ba ang birthday girl?" pumasok si Anthony na dala ang isang maliit na chocolate cake at nakaturok ang isang kandila na kulay pink.
Ibang-iba pa ito sa selebrasyon namin mamaya. Gusto namin na kaming dalawa muna ni Anthony ang unang babati sa kanya. Kaya bumili siya ng isa pang maliit na cake.
"Hi, Papa!"
"Good morning, baby namin. Happy Birthday!" lumapit siya at umupo sa kama ni Jamie.
"Make a wish!" sabi ko at pumikit naman siya at pinagsiklop ang dalawang palad niya.
"Sana po lagi po kaming happy and... sana po magkaroon na ako ng baby sister or baby brother para po may playmate na ako."
Nagkatinginan kaming pareho at agad akong nag-iwas ng tingin nang makita ko ang mapaglarong ngiti niya.
"Don't worry, baby. After ng birthday mo gagawa na kami kaagad---"
"Anthony!" singhal ko. Nakakahiya at baka kung ano pa ang mapagsasabi ni Anthony sa anak namin.
"What?" natatawang tanong niya. "Syempre naman gusto ko lang naman matupad ang wish ng anak natin."
"Ewan ko sa'yo!"
Bumaba na kami at abot-abot ang ngiti ng anak namin nang makita ang simpleng inihanda namin para sa birthday niya. Nag design lang kami ng kaunti at nagluto na rin.
Hindi sa mansyon gaganapin ang birthday party ni Jamie kundi sa isang event hall na ipinahiram ng libre ni Ruhan sa amin. Siya na rin ang may sagot sa iba pang karagdagang kailangan dahil para naman daw yun sa inaanak niya.
"Happy Birthday to you..." sumabay sa kanya at palakpak ang anak namin at isa-isang niyakap ang mga tao. Si nanay, si Lezzie, si Tita Felicia at ang mga kasama namin dito sa mansyon ay may kanya-kanyang regalo para sa kanya.
Sayang lang at hindi sila makakasama mamaya sa mismong birthday celebration dahil ayaw naman nilang iwan na walang bantay ang mansyon.
"Thank you po!"
Inilagay muna sa kwarto niya lahat ng mga regalo dahil gusto niya raw buksan mamaya bago siya matulog. As if naman hindi siya mapapagod ngayong araw.
Naupo na kaming lahat sa hapag at sa espesyal na araw na ito ay hiniling ng anak namin na makasabay sa hapag ang mga kasambahay pati na si Mang Lando. Hindi naman namin sila pinagbabawalan na sumabay sa amin pero pinipilit nila na pagkatapos nalang namin tsaka sila kakain hanggang sa nakasanayan na lang.
"Please po, sumabay na kayo sa akin kumain. Please!" hindi naman nila natiis ang puppy face ni Jamie kaya nakasabay na rin namin sila.
Naramdaman ko ang hawak ni Anthony sa kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. Lumapit siya sa akin at bumulong. "Thank you for raising her well. I love you both." sabi niya at hinalikan ako sa sentido.
Napuno ng kwentuhan at asaran ang hapag. Na miss ko nanaman tuloy si Trixie dahil madalas ay siya ang mahilig mang-inis at nagsisimula ng ingay. Nangako naman siya na pupunta siya dahil kung hindi ay FO na talaga kami.
"Nandun na sina Jew. Pati na rin si Clint and Trixie. Tutulong daw sila sa preparations. While Ruhan will be late. Susunduin niya pa si Architect at sabay silang pupunta." bigay impormasyon ni Anthony.
BINABASA MO ANG
BS1: The Fallen Bachelor || ✓
RomanceBillionaire Series #1 Aiming to be successful and reach her dreams, Hydra Katelyn Mercado is doing everything she can to save money to go to college. Naka plano na lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magtatapos siya ng pag-aaral at ipagpapatuloy ang...