Chapter 7

6.1K 164 15
                                    

Buong akala ko talaga ay hindi siya sasama. Sabi niya kasi kahapon ay busy siya kaya hindi na ako nagpumilit na sumama pa siya. 

Gusto kong sabihin na marupok siya kaso baka sa sobrang seryoso niya, magalit pa siya sa 'kin. Feeling ko lahat ng sabihin ko, may side comments siya. 

"Akala ko may lakad ka?"

"Meron nga. Sasamahan kita magpa check-up. Bakit, ayaw mo ba?"

Napaka sungit talaga. "Uh, hindi naman."

Nagpaalam na kami pareho kay nanay bago umalis. Ang mommy naman ni Anthony ay mas maaga pa sa akin umalis dahil may lakad daw kasama ang kanyang mga amiga.

"After magpa check-up, may pupuntahan ka pa bang iba?" tanong niya sa akin bago buksan ang pinto at papasukin ako sa loob ng sasakyan.

"Wala naman na."

Nakita kong nakatingin lang siya sa'kin at hindi pa kami umaandar.

"Uh, bakit?"

"Seatbelt mo."

Hindi ako marunong magkabit ng seatbelt. Siguro hindi niya lang napansin nung huling byahe namin ng magkasama. Hindi ko sinuot ang seatbelt ko nun.

Napabuntong hininga siya at nagulat ako nang lumapit siya sa akin at ikinawit ang seatbelt ko. Napaka lapit niya. Amoy na amoy ko ang napakabango niyang pabango.

Nanigas lang ako sa kinauupuan ko habang hinihintay ko siyang matapos. Nakalimutan ko na rin yatang huminga kaya ng nasa pwesto na siya ay hinihingal ako bigla.

"Are you okay?" tanong niya sa akin.

Nang tumango ako ay pinaandar na niya kaagad ang sasakyan. Samantalang ako ay naghuhurumintado pa rin ang dibdib.

Ano bang nangyayari sa'yo?

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa labas gaya noong una naming labas. Tahimik lang ako na nakatingin hanggang sa may nakita akong billboard ng paborito kong artista.

Agad akong napangiti at binuksan pa ang bintana para mas lalong tignan si Clinton Razi. Paborito kong artista slash model.

"Why are you smiling? Sabihin mo kung may saltik ka at maagapan natin. Mahawa pa sa kabaliwan mo si baby." narinig kong sabi ng katabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin na kalaunan ay nauwi sa pag nguso. Napaka judgmental naman nung lalaki na 'to. Kung pwede lang ilalalaglag kita sa gitna ng kalsada. Only if I know how to drive.

"May saltik agad? Hindi ba pwede na nakita ko lang yung crush ko?" napahagikhik pa ako habang iniimagine yung itsura niya.

"Sinong crush yan?" nakakunot na noong tanong niya.

"Ayun oh! Si Clint!" turo ko sa isa pang billboard na nadaanan namin. "Grabe napakagwapo!"

"May girlfriend na 'yan, tumigil ka,"

Napatingin ako sa kanya. May girlfriend? Pero sabi niya sa isang interview ay single siya at walang kinakatagpo.

"Tama 'yan, malungkot ka dahil hindi mo yun makukuha." dagdag niya. Gusto ko na siyang batukan sa totoo lang. Sinisira niya ang imagination ko.

"Wala pa siyang girlfriend. Sabi niya sa interview." ibinalik ko ang tingin ko sa labas.

"Mas magaling ka pa sa 'kin eh barkada ko 'yan. I know him better than anyone else."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ayoko pa sana maniwala pero kinuha niya ang cellphone niya at may ipinakita sa akin. Picture nilang magbabarkada. Nandun din sila sir Ruhan at ang ilan na nakita ko noon sa harap ng condominium. And true to his words, nandun nga si Clinton.

BS1: The Fallen Bachelor || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon