Chapter 36

5.1K 102 2
                                    

Agad siyang napangiti sa sinabi ko at pinatakan ako ng halik sa labi.

"Thank you! Tara na sa baba. Nagluto na ako ng pagkain at babaunin mo. Sinobrahan ko na dahil marami kang gagawin mamaya." tumango ako at bumangon na.

Itinaas ko ang dalawang braso ko at naglambing. "Tayo mo ako."

"Ay ang babe ko, naglalambing." lumapit siya sa akin at binuhat ako paalis ng kama. Ineexpect ko ay ibababa niya ako at patatayuin na pero natawa ako nang deretso lang kaming lumabas ng kwarto.

"Wag na baka ano isipin nila Manang." natatawa kong sabi.

"Tama naman mga iniisip nila ha." nakangising sabi niya.

Ibinaba niya ako sa kitchen counter at hinayaan akong panoorin siya na ilagay sa tupperware ang baon ko. Kami pa lang yata ang gising dahil anong oras pa lang. Gusto ko kasing maaga pumasok dahil pwede pa ako mag review kahit papaano kapag nasa classroom na 'ko.

"Dagdagan ko pa, babe?" tanong niya at ipinakita sa akin ang kanin at ulam na nasa loob.

"Okay na 'yan. Marami na baka hindi ko maubos."

Nagtanong pa pero hindi naman niya 'ko susundin. Mas pinuno niya pa lalo ang tupperware ng ulam at kanin. Naglagay din siya ng sandwich na may palamang chicken spread na siya rin ang may gawa.

Madali namang ubusin lahat ng pagkain na inihahain niya dahil napaka sarap niya talaga magluto. Chef na chef talaga.

"Since maaga ka papasok, I'll take you first to your school and then I'll go back here and fetch Jamie. Wala siyang klase ngayon kaya isasama ko siya sa trabaho." paliwanag niya at tumango nalang ako.

Buti at hindi nababagot anak ko dun kahit wala siyang makalaro. Sabagay gustong-gusto niya mga niluluto ng Papa niya para sa kanya.

Lumapit siya sa akin at ipinatong ang braso niya sa magkabilang gilid ko. Kumabog nanaman ang dibdib ko nang ilapit niya ang mukha niya sa'kin. "Ang ganda mo."

Namula ang mukha ko. Nakakagulat at nakakahiya talaga kapag bigla siyang hihirit nang ganun. Iniwas ko ang tingin ko at hindi sinasadyang nagdaplis ang labi naming dalawa. Mas lalo akong namula.

"T-tumigil ka nga!" mahina kong singhal. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Hinapit niya ako at niyakap. "Thank you for accepting me. But can I ask you officially? Binibigyan mo na ba talaga ako ng chance para patunayan na nagbago na 'ko? Na simula ngayon, ikaw, kayo ni Jamie, at ang magiging pamilya natin ang gagawin kong sentro ng buhay ko. Ikaw lang papakinggan ko at hindi sila. Hindi na ako babalik sa pagiging gago na naging dahilan kung bakit nawala kayo sa akin. Pwede na ba ulit, Hydra ko?"

Tumitig ako sa kanya. Kita sa mata niyang ang sinseridad ng bawat salita na sinasabi niya. Hindi ko mapigilang maluha. Sobrang tagal kong hinintay ang bagay na 'to.

"W-why are you crying? Ayaw mo ba? Hi-hindi naman kita pipilitin eh. Handa naman akong maghintay kung kailan mo ako mapapatawad ng tuluyan. Please, wag ka umiyak. Nanghihina ako." pumiyok pa siya tanda na may nagbabadyang luha na rin sa kanya.

Umiling ako nang umiling habang sunod-sunod pa rin ang luha ko. Ikinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya at pinagdikit ang noo naming dalawa.

"I'm sorry..." tangi kong nasabi.

Nakita ko ang pagbalatay ng takot, kalungkutan at gulat sa kanya.

"Ibig kong sabihin, sorry kung umiiyak ako ngayon. Masaya lang ako na yung pangarap ko na mabigyan ng buong pamilya si Jamie, at makasama ka ulit ay nagkakatotoo na. Masaya 'ko." mukha na siguro akong tanga na nakangiti habang iyak nang iyak.

BS1: The Fallen Bachelor || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon