Chapter 28

6.2K 143 9
                                    

FINALLY NA PUBLISH DIN! I'VE BEEN TRYING TO POST THIS UPDATE FOR ALMOST AN HOUR NOW. GRABE ANG GLITCH HNNG CAPSLOCK PARA RAMDAM YUNG INIS.





"I thought you wouldn't come with us." sabi ni Anthony at tumulong sa pagbubuhat ng gamit namin ni Jamie.

"Alam ko ang batas, Anthony. Alam ko na sa akin mapupunta ang custody ni Jamie kung sakali. Pero natakot ako na baka sa sobrang sama mo ay gamitin mo lahat ng koneksyon mo para mapunta siya sa'yo." malamig kong sabi.

"Ganyan na ba kasama ang tingin mo sa akin?" bakas ko ang lungkot sa boses niya. Pakitang tao.

"Bakit, hindi ba? Kung mabuti ka at may pake ka kahit kaunti sa akin ay hindi mo ako magagawang takutin na kukunin sa akin si Jamie. Dun ang punta ng usapan. Pipilitin mong mapunta sa'yo si Jamie kahit anong mangyari... kahit may tao kang masasaktan at matatapakan." dumeretso na ako sa sasakyan at tinabihan si Jamie.

"Mama, sabi sa akin Lolo Lando ay malaki raw po ang bahay nina Papa! Tulad po ba yun nung ice kingdom ni Elsa?" tinignan ko si Manong Lando at nginitian. Ngayon ko lang siya ulit nakita sa lumipas na limang taon.

Tumango ako at pinisil ang pisngi niya. "Malaki yun pero hindi gawa sa yelo. Lalamigin tayo kapag ganun." natatawa kong saad. Napaka cute talaga nitong anak ko.

"Okiee!" nag thumbs up pa siya.

Tumabi na rin si Anthony sa amin. Doon siya pumwesto sa mapapagitaan naming dalawa si Jamie.

Hindi na ako umimik nang umandar na kami paalis. Tanging silang dalawa lang ang nag-uusap at sumasagot lang ako kapag may tinatanong at sinasabi si Jamie sa akin.

Binigyan ako ni Anthony ng ilang araw para mag-isip at sa tatlong araw na yun ay pumayag na rin ako na sumama sa Manila. Nagpunta muna ako kina nanay para magpaalam. Si Lezzie ay hindi na sumama dahil gusto na muna niya tapusin ang first year sa probinsya.

Inasikaso ko rin ang mga papel ko sa school at kinausap ang kailangang kausapin para sa paglipat ko. Ang babaitang Allison iyak pa nang iyak. Sabi niya kapag napunta siya ng Manila ay ako agad ang pupuntahan niya.

"We're here!" sigaw ni Anthony na nakatingin kay Jamie. Ang anak ko naman ay napapalakpak pa sa tuwa at agad na nagpakarga para lumabas ng van.

Tutulong sana ako kina Manong na magbuhat ng bag pero kaagad na kinuha ni Anthony ang bitbit ko. Nakita kong yakap-yakap na ni Tita Felicia si Jamie. Nakita ko rin na nag-aabang na si Manang sa akin. Kita na ang mga puting buhok niya ngayon.

"Hydra..." lumapit ako sa kanya at yumakap. Miss na miss ko na talaga si Manang. 

"Sige na at pumasok na tayo sa loob. Naghanda ako ng mga pagkain." deja vu. Ganito rin ang eksena dati nung una kaming nagpunta rito. May nag-aabang, naghihintay at may handa pa. Hindi ko mapakiwari kung ano ang kaibahan. 

Pumasok na kaming lahat. Si Jamie ay tuwang-tuwa dahil inuna niyang pinuntahan ang kanyang kwarto kanina. Sabi ni Tita Felicia ay nagpuyat si Anthony para maayos ang kwarto at malagyan ng mga abubot.

"Yung kwarto niyo naman ni Anthony ay inayos niya rin---" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi po kami matutulog sa isang kwarto, Tita." ayoko magtunog bastos pero hindi mangyayaring tatabi ako matulog sa kanya. Makita pa nga lang siya ng kahit minuto ay naiinis na ako paano pa kaya na nasa iisang kwarto kami?

"Ah ganun ba?" tumango siya.

Kung ano-ano pa ang napagkwentuhan namin bago bumaba si Jamie at ang Papa niya. Nagsimula na rin kaming kumain.

"Mama, ang ganda po ng room ko. Puro picture at dolls na Frozen. Meron din po akong mga baby pictures dun!" natahimik ako sa sinabi ni Jamie.

Tumingin ako kay Tita Felicia. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon pa ang mga litrato na ipinadala ko sa kanya ilang taon na ang nakalilipas. 

BS1: The Fallen Bachelor || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon