Prologue

3.6K 70 7
                                    

Prologue:

"Phyra, I will promise that I'll marry you someday." He said sincerely.

"Miles, I will promise that I won't marry you someday! You're just 10 years old but you are now thinking about married thing!" I shouted.

"Mahal kasi kita." Pambabanat pa niya, tsaka ngumiti sa akin.

Natawa naman ako dahil nakita ko na naman ang kaniyang bunging ngipin.

"Alam mo? Kahit matanggal lahat 'yang ngipin mo, hinding hindi kita mamahalin." Inis kong singhal sa kaniya.

"Nahiya naman ako sa bulok mong ngipin hahaha." Pang-aasar naman niya sa akin.

"Can you please get out of my sight. Shoo! Shoo!" Pagtataboy ko naman sa kaniya habang pilit siyang tinutulak.

"Do you hate me that much?"

I stop pushing him, "Yeah! Super Super Super Hate!"

"Do you believe in sayings?"

"Why?" Pabalik kong tanong sa kaniya.

" 'Cause I believe in sayings." Sagot naman niya.

Tumaas naman agad ang isa kong kilay, "So?" I asked while rolling my eyes.

"I believe in sayings that THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE. So the more you hate me, the more you love me." Nag pogi sign naman siya, "Sabihin mo nalang kasi na mahal mo ako, nahihiya kapa." Ngising dagdag pa niya. Bigla tuloy tumaas ang mga balahibo ko sa aking katawan.

Hinawakan ko naman ang leeg ko tsaka ako nag kunwaring nasusuka.

"Blahh! Blahh! Yucks! Asa ka!" Singhal ko.

"Bakit ka nagsusuka? Nagsusuka rin si Mommy kanina and I asked my Daddy why, and he said that because my Mommy is pregnant. So are you pregnant too?" Lumaki naman kaagad ang kaniyang mga mata, "Am I the father?" Gulat niyang tanong, tsaka niya tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang dalawa niyang kamay.

Bigla namang kumulo ang dugo ko sa tanong niyang 'yon.

"I'm just 9 years old and you're just 10! Then you're thinking that you impregnate me?! You're so masakit sa ulo!"

"Gano'n ba?" Inosente niyang tanong habang kumakamot sa ulo.

"Oo gano'n 'yon! Umalis ka na nga sa harapan ko!"

"Hindi mo talaga ako gusto?" Pangungulit naman niya sa akin.

"Hindi!"

"Hindi mo talaga ako mahal?"

"Pinakamalaking HINDI!"

"Pake ko? Basta ako gusto at mahal kita."

"Umalis ka na nga! Shoopiii!" pagtataboy ko sa kaniya.

"Shoopii? Ano 'yan? Salamat Shoopiii? Hahahhaa!"

"Gago alis na!"

Nagulat naman ako nang bigla niyang linabas ang isang toothbrush sa kaniyang bulsa, tsaka niya ito inabot sa akin.

"Para saan ang toothbrush na 'to?" Pagtatakang tanong ko.

"For you. Masyadong marumi ang bunganga mo dahil sa malulutong mong pagmumura, kaya kailangan mo 'yang toothbrush na 'yan para naman malinisan yang ngipin, bibig at buong bunganga mo!"

"Argh! I hate you!"

"I love you!"

"Bwiset ka! Alis ka na dito! Alis!"

"Sabihin mo muna Salamat Shoppee."

Kinuha ko naman ang isang vase na nakalagay sa gilid ko. Ibabato ko sana sa kaniya ngunit agad na siyang nakatakbo.

"Hinding hindi ako susuko sa'yo Phyra. Mahal kita at sinisigurado ko sa'yo na mamahalin mo rin ako!" Sigaw pa niya, bago mawala sa paningin ko.

No! Hinding hindi ko siya mamahalin! Hinding hindi ko mamahalin ang isang Zachary Miles Guzman! Kahit siya pa ang lalakeng natitira rito sa buong mundo.

Hindi titibok ang puso ko dahil sa lalakeng 'yon. I swear!

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon