-Phyra POV-
Nandito ako sa gilid ng aming paaralan ngayon. Nagmumuni-muni dahil wala akong oras tumulong sa pag-aayos para sa gaganaping prom.
Fuck it! Alam kong nasaktan ko na naman si Miles kanina. Argh!
Masama ba akong tao? Napakasama ko na ba?! Masama bang hindi pa ako handang magmahal? 'Cause Love really damn hurts!
Naramdaman ko naman ang pagtulo ng aking luha sa aking mga mata, kaya agad ko itong pinahid.
Why am I crying? Fuck it! Naiiyak ako para kay Miles, naiiyak ako kasi hindi pa ako handang mahalin siya.
"Ehemmmmmm."
Napalingon naman ako sa taong umupo at tumikhim sa aking gilid.
It's Gabriel!
"Oh panyo." Singhal niya at linahad niya sa akin ang panyong kulay itim.
Tinitigan ko muna ang panyong linalahad niya sa akin, tsaka ako tumingin sa kaniyang mga mata.
"Ayos lang ako." Sabi ko, ngunit ang aking boses ay hindi sumangayon sa aking sagot. Bigla kasi itong gumaralgal ng sabihin ko ang mga salitang aking binitawan sa kaniya.
"Magsinungaling ka na sa taong patay, h'wag lang sa taong buhay."
Tumaas naman ang aking kilay, "Kaninong kasabihan mo naman nakuha 'yan?"
Ngumiti naman siya sa akin, "Sarili kong kasabihan 'yan. Kasabihan ng isang Great Gabriel." Sagot niya sabay kindat pa sa akin.
"Tsk!" Singhal ko na parang naiinis. "Bakit ka ba nandito?" Tanong ko pa.
"Bakit masama bang nandito ako? Nandito ka nga rin eh."
"Ang sarap mong kausap." Sarkastikong sambit ko.
"Masarap talaga akong kausap." linapit naman niya ang kaniyang mukha sa akin. "Masarap din ako, try mo pa." Dagdag pa niya.
Agad ko naman siyang tinulak upang malayo siya sa akin.
"Umalis ka sa harapan ko!" Inis na utos ko sa kaniya.
I don't need him!
"Pinapaalis mo na ako, Samantalang narito ako upang tulungan ka sa problema mo ngayon." Sambit pa niya, tsaka siya nag pout sa aking harapan.
"First of all, hindi mo ako natutulungan, actually iniinis mo pa ako. Second, Wala akong problema at kung meron man, kaya ko namang solusyonan 'yon mag-isa. Lastly, h'wag kang mag pout, hindi mo bagay."
"Ang harsh mo naman. Pasalamat ka gusto kita."
Inirapan ko naman siya, "Hindi ako magpapasalamat dahil lang sa gusto mo ako. Mas mag papasalamat pa ako pag hindi mo ako gusto. Kaya kung ako sa'yo umalis ka na sa harapan ko."
Ngumiti naman siya at inayos ang kaniyang pagkaka-upo, tsaka siya tumingin sa malayo. "Nabalitaan kong.." seryoso naman siyang sumulyap sa akin. "matagal ka ng nililigawan ni Zachary." Dagdag niya.
"Hindi niya ako nililigawan!" Inis na sagot ko.
"Matagal ka na niyang gusto Phyra."
Kumunot naman ang aking noo, "Alam ko." Tipid kong sagot.
"Pero hindi mo alam na nililigawan ka niya. Hahaha"
"Tsk! Hindi naman talaga niya ako nililigawan eh! Noon pa lang, hindi na ako pumayag na ligawan niya ako."
Tinaas naman niya ang kaniyang dalawang kamay na para itong sumusuko sa akin. "Okay Phyra, talo na ako. Pero..." dahan-dahan naman niyang binaba ang kaniyang mga kamay. "Alam kong matagal ka na niyang gusto este mahal pala. Matagal ka na niyang mahal, Hahaha!"