Chapter One

1.6K 44 1
                                    

~FIVE YEARS LATER~

Phyra POV

"Ano ba! Get off my hands nga!" Inis na singhal ko kay Miles, habang kinakaladkad niya ako rito sa corridor.

Buti nalang at kami lang ang narito, dahil yung mga ibang mag-aaral ay nasa cafeteria upang bumili ng kaniya-kaniya nilang pagkain.

Binitawan naman niya ang aking kamay nang makarating kami rito sa locker.

"Argh! Why you kaladkaladkad me? Look oh." Tinapat ko naman ang kamay ko sa kaniyang mukha, "My hand is so hurt na!"

Agad namang kumunot ang noo niya, "Binalaan na kita Phyra! Binalaan na kita na hindi ka pwedeng sumama kay Bryan." Naglakad naman siya palapit sa akin, "Pero sumama ka pa rin. Alam mo namang playboy 'yon." Dagdag pa niya, habang patuloy na naglalakad papunta sa akin.

Dahan-dahan naman akong umatras hanggang sa maramdaman ko nalang ang locker sa aking likuran.

"So pake mo? Are you jealous?!" Mataray ko namang tanong sa kaniya.

Nagulat naman ako nang makalapit na siya sa aking harapan at bigla niya akong na corner dito sa aking kinatatayuan.

"Yeah! I'm jealous!"

"Pwede ba? H'wag kang magselos, kasi first of all, walang tayo!" Inirapan ko naman siya, "Wala tayong label kaya h'wag kang magselos d'yan." dagdag ko pa.

"May label tayo. Mag kaibigan tayo."

"Hindi kita kaibigan!"

"Ka-i-bigan lang?" Ngisi naman niyang tanong sa akin.

"Eww! Yuck! Kadiri! Duh! Never! At kung iniisip mo na Classmate ang label natin h'wag mo ng isipin. Dahil kahit classmate kita, hinding hindi ko inisip na nag e-exist ka bilang kaklase ko!"

Linapit naman niya ang kaniyang mukha sa aking mukha."Don't worry, if you'll gonna fall for me. I won't hesitate to put a label on us."

I'm trembling when I feel his breath in my face.

Agad ko naman siyang tinulak palayo sa akin, "Don't worry! I will not fall for you! Never!"

Nawala naman ang panginginig ko nang makalayo na ang mukha niya sa mukha ko. Argh!

"Really? Let's see!" Panghahamon naman niya sa akin.

"You know what? Ever since 10 years old ka, habol ka na ng habol sa akin. Kahit anong pambabusted ko sa'yo ay hindi ka tumitigil! I hate it! 8 years mo na akong hinahabol Miles!"

"8 years na ba? Parang hindi ko ramdam yung pagod. 'Cause I will never be tired of loving you."

"Pwede ba Miles! Maghanap ka nalang ng iba, h'wag na ako. 8 years ka ng naghahabol sa akin!"

"Gusto kong maghanap, pero paano ako maka-hahanap kung nag-iisa ka lang dito sa mundo? Ikaw lang ang nag-iisang babaeng gusto ko." Kinagat naman niya ang pang-ibaba niyang labi. "8 years na akong naghahabol sa'yo? So, ano ang gusto mo? Maglakad nalang ako?" Biro naman niyang saad.

"You know na hindi kita magugustuhan! At mas lalong hindi kita magugustuhan kung mas malala ka pa sa mga bodyguards! Lahat nalang ng bagay na ginagawa ko pinapakealaman mo!" I clench my fist, "Bakit kasi hindi ka nalang bumalik sa America! Bakit nag stay pa kayo rito!"

"Babalik lang ako sa America kung kasama na kita."

"Tama na Miles! Hindi ka ba napapagod?"

"Alam mo ba kung bakit Zachary Miles Dela Cruz Guzman ang buo kong pangalan?" Balik na tanong naman niya sa akin.

Nanatili naman akong tahimik at kinunot ko lang ang aking noo, imbes na sagutin ang kaniyang katanungan.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon