Chapter Seven

504 27 0
                                    

-Phyra POV-

"Hoy hampaslupang demonyo gumising ka na!" Inis na sambit ko, habang niyuyugyog ang katawan ng aking kapatid.

Hindi naman dapat ako ang gigising sa lalakeng 'to, kung hindi lang busy si Mom and Dad sa pagliligpit ng mga gamit nila.

Argh! Ghad! Tulog mantika pa naman 'tong kapatid kong 'to.

"Hoy gumising ka na kung gusto mo pang makita ang future wife mo!" Panggigising ko naman ulit sa kaniya, habang patuloy ko pa ring niyuyugyog ang kaniyang katawan.

Kanina ko pa siya ginigising ngunit patuloy pa rin ang mahimbing na pagtulog niya.

Gash! Naka-smile pa kung matulog, para tuloy siyang demonyong nakangiti habang natutulog.

"Zary my baby."

Bigla namang lumaki ang aking mga mata at bumuka ang aking bibig, nang marinig ko ang sinabi ng aking kapatid.

Gash! Grabe naman! Pati sa pagtulog, yung kapatid pa rin ni Miles ang iniisip niya.

Grabe talaga! Kay bata-bata ang landi-landi na!

Napahinto naman ako sa aking pagyuyugyog sa kaniya, dahil bigla akong naka-isip ng kalokohan.

Napapangiti nalang ako habang dahan-dahang kinukuha ang isang unan ni Khycer.

Let's see kung hindi ka pa magigising na demonyo ka!

Nang makuha ko na ang isang unan niya ay agad ko itong itinapat sa mukha niya, tsaka ko dinaganan ng unan ang kaniyang mukha.

"Uhmmm hhmmm mmm!" Rinig kong singhal niya, habang hinahampas niya ang aking kamay at pilit na tinatanggal ang unan sa pagkakatakip sa kaniyang mukha.

"Umpp!! Uhmm!" Hirap na hirap siya sa pananalita kaya wala siyang mabigkas ni isang malinaw na salita.

Dahan-dahan ko namang tinanggal ang unan na nakatakip sa kaniyang mukha, habang pinipigilan ko ang aking pagtawa.

Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko at kunwari'y naiinis sa kaniya.

Kumunot naman agad ang kaniyang noo at nagsalubong ang kaniyang kilay. "Do you want me to die?!" Galit na tanong niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim at kinagat ang aking dila upang hindi ako matawa sa pagmumukha ng demonyo kong kapatid.

Tinaas ko naman ang aking isang kilay, "Kung hindi ko gagawin 'yon, hindi ka magigising ngayon. Kung hindi ko gagawin 'yon, hindi ka na makakasama sa amin at mas lalong hindi mo na makikita ang future wife mo! Kung hindi ko gagawin 'yon, masarap pa ang tulog mo ngayon!" Tuloy-tuloy na sambit ko.

Nakita ko naman agad ang pagiging kalmado ng mukha niya at ang sabayang pagngiti niya sa akin.

"Kanina nagagalit ka sa akin tapos ngayon ngingiti-ngiti ka! Para kang masayahing demon!" Sumbat ko sa kaniya.

Bigla naman akong natigilan nang agaran niya akong yakapin.

Hindi ko maigalaw ang aking katawan, para akong statue na nakatayo ngayon dito habang yakap-yakap ako ng kapatid ko.

This is the first time he hug me like this!

May ka-sweetan din palang tinatago ang demonyo kong kapatid. Hayst! Kung lagi siguro siyang ganito, baka lagi kaming magkabati at hindi nag-aaway.

Yayakapin ko na sana siya pabalik, ngunit natigilan ako dahil bigla siyang nagsalita.

"Don't worry my dear sister, mas demonyo ka sa ating dalawa." Sambit pa niya, at agarang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon