-Phyra-
*Kring* *Kling* *Kring* *Kling*
Bigla naman akong napatayo sa higaan ko nang marinig ko ang malakas na pagtunog ng aking alarm clock.
Mas mabuti na kasing may alarm clock dahil ayaw kong malate sa klase.
Bigla naman akong napahiga ulit dahil naalala ko ang nangyari kahapon.
"Pumayag na ako na may sasalo sa kaniyang iba eh, pero bakit parang may nararamdaman akong——ackk! Nevermind!" Sinabunutan ko naman ang aking sariling buhok at parang baliw na nagpagulong-gulong sa aking higaan.
"Ackk! Tama naman ang naging desisyon ko ah! Gusto ko lang na may sumalo kay Miles habang nahuhulog siya sa akin. Ayaw ko namang mahulog nalang siya na walang sumasalo sa kaniya."
Natigil naman ako sa paggulong sa aking higaan nang mapansin kong 7:00 a.m na pala.
Gash! 7:30 pa naman ang simula ng aming klase.
Mabilisan naman akong tumayo at nag-ayos ng aking sarili, upang maka-abot pa ako sa aming klase.
"Baby hindi ka na ba kakain?" Napahinto naman ako sa kusina, tsaka ako lumingon kay Mom na nagsalita.
Si Mom, Dad at si Khycer ay naka-upo ngayon sa hapagkainan habang kumakain ng —— uh hindi ko makita ang kanilang kinakain.
"Mom, I'm late na." Singhal ko.
"Wait, sino ang maghahatid sa'yo? Kumakain pa ang Papa mo." May pag-aalala naman sa boses ni Mom.
Ngumiti naman ako upang hindi siya mag-alala.
"Okay lang Mom, I can Handle myself. I'm 17 na, soon to be 18. So, I'm not a baby na." Tugon ko sa kaniya.
"You're still my baby." Ngumiti naman si Mom at kumindat pa sa akin. "Take care." Dagdag pa niya.
Naglakad naman ako palapit sa kanila, tsaka ko ginawaran si Mom at si Dad ng halik sa kanilang mga pisngi.
Lumapit din ako kay Khycer upang gawaran siya ng halik sa pisngi, ngunit agad niyang hinarang ang right palm niya sa akin.
"Don't kiss me, Only Zary will kiss me."
Humakbang naman ako patalikod sa kaniya at inirapan nalang siya.
"Goodbye guys." Pamamaalam ko pa bago ako tumakbo palabas ng bahay.
Argh! Ang landi-landi talaga ng aking kapatid! Sobrang landi! Abot hanggang ibang planet ang kalandian!
"Ahy! Packing Tape!" Napasigaw ako sa gulat dahil muntikan na akong mabangga ng kotse.
Ang lawak-lawak ng kalsada!
Napahinto naman ang kotse kaya agad akong naglakad papunta roon at kinatok ng malakas ang salamin ng kotse.
Malalagot talaga sa akin ang walang hiya na gustong bumangga sa akin!
Argh! Badtrip na nga ako sa malandi at maarte kong kapatid, mababadtrip pa ako dahil dito.
Pinanood ko naman ang dahan-dahan na pagbaba ng salamin ng kotse.
"Gab——uh ikaw yung lalakeng mukhang unggoy na nagpakilala sa akin sa library noon, right?"
"Mukhang unggoy talaga? Ang sama! Ikaw lang ang nagsabi niyan sa akin." ngumisi naman siya, "I'm Gabriel Ducusin, I'm Gabriel Ducusin, I'm Gabriel Ducusin, I'm Gabriel Ducusin, I'm Gabriel Ducusin, I'm Gabriel Du———"