Chapter 11

456 25 1
                                    

-Phyra POV-

"Phyra, ang dami ko ng sinabi ngunit wala ka pa ring imik. Wala ka man lang bang sasabihin?" Nabalik naman ako sa aking hwisyo ng nilakasan ni Miles ang kaniyang boses.

Napayuko ako at pinikit ang aking mga mata, "I'm sorry." Mahinang sambit ko, bago ko siya tinalikuran.

Tumakbo naman ako paalis sa kaniyang harapan. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa aking pangalan, ngunit hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya.

Tinuloy-tuloy ko lang ang aking pagtakbo hanggang sa may nabangga ako.

Packing tape!

Napatingin naman ako sa aking nabangga dahil sa aking kakatakbo. Bigla naman akong nagulat at pekeng ngumiti nang makita kong si Keisha ang aking nabangga.

"Sorry." Mahinang sambit ko.

Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang aking braso, "Ayos ka lang?" May pag-aalala sa tinig ng kaniyang boses.

Ngumiti naman ako pabalik sa kaniya at hinawakan ko rin ang kaniyang braso, "Ayos lang ako," tinanggal ko naman ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang braso, tsaka ako yumuko. "Ngunit sa tingin ko, si Miles ang nangangailangan ng tanong na 'yan."

"Bakit?" Tanong niya, habang nanatili pa rin akong nakayuko sa kaniya.

"Uhmm," singhal ko, tsaka ako dahan-dahang tumitig sa kaniyang mga mata. "Nasaktan ko na naman siya Isha. Nasaktan ko na naman si Miles." May halong lungkot ang aking pagkakasabi.

"Hayst, ano pa ba ang magagawa natin." Singhal ni Keisha.

Sumingkit naman ang aking mga mata at tinitigan ko siya ng mabuti, "Wala akong magagawa," ngumiti naman ako sa kaniya. "Pero may magagawa ka."

"Huh?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Binasag ko na naman ulit siya at hindi ko na siya kayang buoin pa. Pero alam ko na kayang kaya mo siyang buoin." Ngiting anas ko sa kaniya.

"Parang hindi ko kaya Yra, parang hindi ko kaya lalo na at hindi ako ang taong nakabasag sa damdamin niya."

"Kaya mo Isha, I know and I really trust you that you can fix him." Nakangiting sambit ko. To cheer her up.

Pinisil ko naman ang magkabilaang pisngi niya.

"It's time for you to fix him, and it's time for him to be happy." Kumindat pa ako sa kaniya. Tsaka ko tinigil ang pagpisil sa kaniyang pisngi.

"Nasa locker siya ngayon, puntahan mo na siya ha? Alis na ako." Singhal ko pa.

"Pero Yra." May pag-aalinglangan namang sambit niya sa akin.

"Mahal mo siya?" Tanong ko, referring to Miles.

"Sobra." Sagot naman niya.

"Then fix him, dahil alam kong sasaya siya sa'yo." Ngiting tugon ko. Hinintay ko naman siyang magsalita ngunit walang lumabas na ni isang salita sa kaniyang bibig.

Kaya naman tumalikod na ako sa kaniya at tumakbo na papunta sa aming silid aralan.

Tama naman ang naging desisyon ko. Mas maganda nalang na ibigay si Miles sa taong mas deserve sa kaniya, kaysa naman sa akin na paulit-ulit siyang sinasaktan.

Fuck it! Bakit ba kasi ako gan'to? Matalino akong tao, pero pagdating sa pag-ibig nagiging bobo ako!

-Keisha POV-

Iniwan naman ako ni Yra na tulalang nakatayo lang dito.

Mahal ko na si Zachary noon pa, noong nasa America pa kami.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon