Chapter 15

511 22 0
                                    

-Phyra POV-

Maaga akong nagising ngayon este hindi naman talaga ako natulog. Dahil buong gabi kong iniisip ang pangyayaring halikan ni Miles at Keisha kahapon.

Aish! Kaya siguro lutang ako ngayon habang naglalakad dito sa kalsada. Tsk! Hindi ko rin pinansin sina Mom,Dad and Khycer kanina.

Argh! Anong bang nangyayari sa akin?

*Peeeeeeeeepppppppppp!*

Napatalon naman ako at napahawak sa aking dibdib, dahil sa lakas ng busina sa aking likuran.

Fuck it! Lutang na nga ako, may magtatangka pang bumangga sa akin. Nasa gilid naman ako ng kalsada eh!

*Peeeeeeeeepppppppppp!*

Napapikit nalang ako sa inis, dahil inulit pa ang pagbusina. Argh!

I look at my back while clenching my fist and gritting my teeth.

Mabibigat ang pagpapadyak ko habang naglalakad papunta sa pwesto ng kotseng napakalakas ng busina.

Tsk! Napakapamilyar ng kotse, don't tell me na si Gabriel na naman ang mapangahas na nagbubusina sa aking likuran? Argh! I really hate him!

Napahinto naman ako sa paglalakad ng bumukas ang pintuan ng kotse roon sa driver sit, at ibinuga nito si Gabriel.

"Sabay na ulit tayo." Pambungad niyang sambit sa akin.

Inirapan ko naman siya, "Ayaw ko! I want to be alone!"

Umiling-iling naman siya sa akin, "Sa ayaw at sa gusto mo, sasabay ka sa akin. Hindi naman ako masamang boyfriend para lang pabayaan nalang sa daan ang girlfriend ko."

Kumindat pa siya sa akin na mas lalong ikinainis ko.

"Are you referring to me?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Malamang, sino pa ba ang tatawagin kong girlfriend ko? Yung daanan?" Pilosopo niyang sagot sa akin.

"Tsk! I'm not your girlfriend!"

"Ahh."tumango-tango naman siya, tsaka siya tumitig sa aking mata. "Magkasama tayo kahapon Phyra at sinabi mong pinakilala mo ako kay Zachary bilang boyfriend mo."

"Oo, pinakilala nga kita. Kasinungalingan lang iyon, kaya h'wag kang umasa!"

"I know, kaya nga sumabay ka na sa akin. Para mapaniwala si Zachary na tayo nga talaga. Tinutulungan lang kita Phyra."

Kinagat ko naman ang aking pang-ibabang labi, tsaka ako tumingin sa gilid.

Tama nga siya, kailangan kong paniwalain si Miles na kami talaga ni Gabriel. That is the only thing para tuluyan na talaga niya akong layuan.

"Tagal mo namang sumagot, Sasabay ka ba o hindi?"

Napalingon naman ako kay Gabriel na malawak ang ngiti habang hinihintay ang aking isasagot.

Tsk! Gwapo naman si Gabriel eh, pero bakit kaya wala siyang girlfriend? Bakit kaya niya ako nagustuhan? Tsk!

"Kung ayaw mong sumabay sa akin at sumakay sa kotse ko, bahala ka. Basta ako ay sasakay na." Sambit naman niya, at akmang papasok na ulit sa driver sit.

"Wait!" Pagpipigil ko sa kaniya, tsaka ako tumakbo palapit sa kaniya. "Sasakay na rin ako."

Nilingon naman niya ako, "Sasakay ka?" pagkukumpirma pa niya sa aking sinabi.

"O----"

"Sa akin?"

"Tangina mo!" pagmumura ko, dahil nagawa pa niyang mabiro.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon