Chapter 19

811 29 3
                                    

-Phyra POV-

"HAPPY BIRTHDAY!" Pagmulat ko palang ng aking nga mata ay yan na kaagad ang bungad sa akin nina Mom, Dad at Khycer.

Lumawak naman ang aking ngiti, "Thankyou." pagpapasalamat ko.

My family is so sweet, ang swerte ko sa kanila.

"Mamayang gabi pa gaganapin ang Prom niyo 'di ba baby?" Tanong naman sa akin ni Mom.

Tumango naman ako habang nakangiti, "Yes Mom. It's 7 p.m"

"Buti naman. Invite all your friends here. Para naman makadalo sila sa Birthday mo." Sambit naman ni Mom. Ngunit umiling lang ako sa kaniya.

"Mom, h'wag ka ng magluto ng handa ko. Kakain din naman kami mamayang gabi eh. Ayos na sa akin na kumpleto tayo at masaya."

"Are you sure? Phyra! It's January 19, this day is your 18th birthday."

"So, Mom?" Walang gana kong sagot kay Mom.

Ano naman kung 18th----Oh my ghad!

'Pag nag 18 ka, ipapakasal ko na kayo ni Zachary'

'Pag nag 18 ka, ipapakasal ko na kayo ni Zachary'

'Pag nag 18 ka, ipapakasal ko na kayo ni Zachary'

Bigla namang pumasok sa aking isipan ang sinabi noon ni Dad sa akin.

Fudge! Hindi na siguro mangyayari iyon. Napaka-imposible na!

"Mom!" Agad na pagtawag ko sa aking Ina. "No need. Hindi ko na kailangan ng magarbong handaan. Ang mahalaga sa akin ay kumpleto at masaya tayo. Tsaka ang mahalaga rin sa akin ngayon ay maipagtapat ang aking totoong nararamdaman kay Miles. Mom, I need to rest now. Para maging handa ako mamaya." Tuloy-tuloy ko naman sambit sa aking Ina.

Nakita ko naman ang pagngiti nila sa akin.

"We will support and cheer you up!" Sabay-sabay nilang sambit sa akin. Kaya napangiti nalang ako.

"Thankyou to all of you. Sige po, matutulog muna ako. Gigising nalang po ako pag 6:00 pm na para makapagayos ako."

"Sure, rest well baby." Saad naman ni Mom. Bago niya hinila si Dad at Khycer palabas ng aking kwarto.

Agad naman akong tumayo at lumapit sa pintuan ng aking kwarto upang i-lock ito. Nang tuluyan ko ng mai-lock ay bumalik na ako sa aking kama, tsaka ako humiga.

Hindi na ako kakain ng almusal at tanghalian, para marami akong makain mamaya sa prom namin. Sayang naman yung binayad ng Magulang ko, kung hindi ko lulubusing kainin ang mga pagkain doon.

Pinikit ko naman ulit ang aking mga mata, para paggising ko ay malakas na ang aking loob upang harapin at umamin kay Miles.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko naramdaman ulit ang aking antok, kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na ulit ako.

*Hours Passed*

Nasa salamin naman ako ngayon, dahil busy ako sa pagkikilatis sa aking mukha.

Gusto pa sana ni Mom na kumuha ng make up artist ko, kaso nagprisinta ako na h'wag nalang. Sayang din kasi ang pera.

Oo, marami kaming pera pero sayang naman kung gagastusin lang sa bagay na hindi naman kinakailangan.

Sabi nga nila, GET WHAT YOU NEEDS NOT WHAT YOU WANTS. BUY WHAT YOU NEEDS NOT WHAT YOU WANTS. In short h'wag maging magastos sa mga walang kwentang bagay.

Nakasuot naman ako ngayon ng simpleng Gown na kulay Itim. Mahaba ang gown ko, sa sobrang haba ay pati paa ko ay natatakpan na.

Ayaw ko pa sanang suotin ito. Ngunit nasasayangan ako sa ibinayad ni Mom, just to rent this gown.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon