Chapter Four

572 27 0
                                    

-Phyra POV-

"Phyra!" Rinig kong sigaw ni Miles habang sinusundan niya ako. Hindi ko naman siya pinansin at tinuloy ko lang ang pagtatakbo ko.

Iniwan ko na nga siya roon kasama yung apat na basura tapos susundan pa niya ako.

Kulit naman talaga ng lahi niya! Hayst! Kaya ayaw kong magkalahi ang mga magiging anak ko sa katulad niya eh!

"Phyra, can you please stop running! And can you please talk to me." Rinig ko pang sambit niya. Kaya naman huminto na ako sa pagtakbo, dahil hingal na hingal at pagod na pagod na ako.

Lumingon naman ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng aking kilay.

"I'm sorry." Singhal naman niya, habang naglalakad palapit sa akin.

"Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang virginal lips ko?" Mataray kong tanong sa kaniya, tsaka ko siya inirapan.

Bigla naman siyang ngumisi sa akin na ikinainis ko.

"Hindi ko na maibabalik ang virginal lips mo." Ngising saad niya, tsaka siya huminto sa aking harapan. "Pero pwede mong ibalik sa akin ang halik na iginawad ko sa'yo." Lumawak naman ang kaniyang pagngisi.

"Hindi pa ba sapat ang suntok na natamo mo kanina?" Pinakita ko naman ang aking kamao sa kaniya. "Gusto mo pa bang dagdagan ko?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ipinapakita ko sa'yo? Gusto mo pa bang ibuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa'yo, hanggang sa maubos ang pagmamahal ko sa aking sarili?" Sumbat naman niya sa akin.

Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Alam kong sa bawat katagang binitawan niya ay may sakit siyang nadarama sa kaniyang puso. Sakit na ako ang dahilan.

Lumingon-lingon naman siya sa paligid, "Bakit kasi sa lahat ng tao rito sa mundo ikaw pa ang nagustuhan ko." Tumitig naman siya sa akin. "Kahit pilit akong maghanap ng ibang tao, ikaw at ikaw pa rin ang babagsakan ko." Dagdag pa niya.

"Miles ayaw kong saktan ka." Malungkot na saad ko sa kaniya.

Nakita ko naman ang paglungkot ng kaniyang mga mata. "Ayaw mo akong saktan. Pero matagal mo na akong paulit-ulit na sinasaktan."

"Miles hindi pa ako handa." Malungkot kong anas.

"Handa para saan? Handa sa Birthday mo?" Pagbibiro naman niya, kahit na may lungkot sa kaniyang mga mata.

"Hindi pa ako handang magmahal, lalo na sa'yo." Sagot ko.

Totoo naman kasing hindi pa ako handang magmahal lalo na sa kaniya.

"H'wag kang mag-alala, hinding hindi kita susukuan. Maghihintay ako sa'yo. Hihintayin at hihintayin kita, pangako 'yan."

"Tsk!" Singhal ko at tinalikuran ko na siya. "Kung mahihintay mo ako." Ngising anas ko pa sa aking sarili.

"Iiwan mo na naman ba ako rito?" Rinig ko namang sigaw niya.

Liningon ko naman siya, tsaka ko kinunot ang aking noo. "Maiiwan ka talaga d'yan, lalo na pag hindi ka gumagalaw!" Sigaw ko rin pabalik sa kaniya.

Nakita ko naman ang pag ngisi niya at pag takbo niya palapit sa akin.

"So kailangan ba kitang galawin para hindi mo na ako iwan?" Ngising tanong naman niya, habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo.

"What?! Gago ba you?!" Galit na sigaw ko sa kaniya.

"Slight lang." tugon niya at kumindat pa sa akin. Tsaka niya ako inakbayan.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon