Chapter 12

469 24 0
                                    

-Keisha POV-

"K-keisha?" Gulat na gulat na tanong sa akin ni Zachary, nang mahimasmasan siya sa alak na kaniyang ininom.

Pinigilan ko naman ang luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Tsaka ko tinitigan ang kaniyang mukha.

"Yeah, buti naman at nakilala mo na ako. Kanina lang kasi ay tinawag mo akong Phyra hahaha." Sagot ko, tsaka ako pilit na ngumiti sa kaniya.

"I'm so sorry. Akala ko ikaw si Phyra." Seryoso niyang saad sa akin.

"Sana nga ako nalang siya," mahinang bulong ko sa kaniya.

"May sinasabi ka?"

"Wala! Wala!" Agarang sagot ko sa kaniya.

Lasing na lasing na siya ngunit baritone at malinaw pa rin ang kaniyang boses. Hindi pa rin siya nabubulol katulad ng ibang lasing dito sa bar.

"Uhmp," mahinang anas niya, habang tumatango pa sa aking harapan.

Tsaka siya tumingin ng seryoso sa akin, "Bakit ka pala nandito?"

My hand are trembling because of what he asked.

"Uh kasi----"

"Sinundan mo ba ako?" Sabat niya at linakihan niya ang kaniyang mga mata sa pagkakatitig sa akin.

Dahan-dahan naman akong tumango.

"Tsk!" singhal niya.

Kinuha ko naman ang kaniyang kaliwang kamay at inakbay ito sa aking sariling balikat.

"Tara na, alis na tayo."

"Mauna ka na, mamaya na ako uuwi," sambit niya, tsaka niya binawi ang kaniyang kamay.

"No way! Uuwi na tayo! And that's final!" seryosong sambit ko.

"Ano ba Keisha! Kahit anong gawin mong pag-aalala at pag-aalaga sa akin. Hinding hindi kita kayang magustuhan, kasi si Phyra lang," agad naman niyang hinawakan ang kaniyang dibdib. "Si Phyra lang ang laman neto." Madilim naman siyang tumitig sa aking mga mata. "Kaya umalis ka na! Wala akong pake sa'yo." Dagdag pa niya.

Hindi ko naman napigilang padapuin ang aking kanang kamay sa kaniyang pisngi.

Bigla ko namang natakpan ang aking bibig gamit ang aking kamay, "I'm so sorry." Nauutal kong sambit.

"Just get out of my sight!" Madiin at seryosong utos niya sa akin.

Kaya naman wala na akong nagawa kundi sundin ang kaniyang utos.

Tumakbo na ako ng mabilis kahit pa marami akong taong nakakabangga. Gusto ko lang makalabas sa loob ng bar na 'to. Gusto ko lang makalabas bago pa tuluyang bumuhos ang aking luha.

Grabe! Now I can feel what Zachary feels.

Parehong pareho kami eh!

Mahal ko siya kahit nasasaktan niya ako sa kaniyang mga salitang binibitawan.

Mahal naman niya si Phyra kahit pa ulit-ulit na siyang nasasaktan.

Grabe! Pareho talaga kami!

Pareho kaming tanga pagdating sa pag-ibig.

-Phyra POV-

"Phyra!" napalingon naman ako sa aking likuran ng marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.

It's Keisha! Pawis na pawis siya sa kakatakbo upang lapitan lang ako. Mugto rin ang kaniyang mga mata at parang matamlay ang kaniyang mukha.

Fuck! What happened to her?

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon