Chapter Nine

454 26 0
                                    

-Phyra POV-

Pinakiramdaman ko naman ulit ang aking dibdib.

"Hayst! Buti nalang at normal na ngayon ang pagtibok ng aking puso." Mahinang sambit ko sa hangin, habang hawak-hawak ko ang aking dibdib kung saan nakatapat ang aking puso.

Napahinto naman ako sa paglalakad nang maalala ko ulit ang nangyari kanina.

"I like Phyra too."

"I like Phyra too."

"I like Phyra too."

Paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan ang sinabing 'yon ni Miles.

Gash! I don't like nor love him. I swear!

Binaba ko naman ang aking tingin ng maalala ko ang lungkot sa mga mata ni Keisha noong sinabi ni Miles na ako ang gusto niya.

Keisha like Miles, but Miles like me. Fudge naman oh! Bakit kasi sa buhay, kung sino ang gusto natin ay hindi pa tayo ang gusto! Life sucks!

"Phyra!"

Napatalon naman ako ng wala sa oras dahil sa taong kumalabit at tumawag sa aking pangalan.

Kunot noo ko namang nilingon kung sino 'yon, ngunit agad ding umayos ang aking mukha nang mapagtanto kong si Keisha lang pala.

"Yra I really miss you." Tuwang sambit niya.

Yra? She's the only one who called me that name. Nahahabaan daw siya sa pangalan kong Phyra kaya naman tinanggal niya ang Ph sa aking pangalan para mapaikli ito.

Hindi pa rin siya nagbabago. After 8th years, She's still the same Keisha I know before.

"I really miss you too my Isha." Niyakap ko naman siya. "I miss you so much." Dagdag ko pa. Naramdaman ko naman ang pagyakap din niya sa akin.

"Yra, can you please stop calling me Isha? I don't like you to call me that name, 'cause it's look like your counting a number."

Tinaas ko naman ang aking kilay tsaka ko siya nginisian. "It's like Isha, Dalawa, Tatlo?" Biro ko.

Hinampas naman niya ng mahina ang aking braso, "Yra naman eh." Nakabusangot niyang sambit.

"Hahaha, charr lang. H'wag ka na ngang ngumuso d'yan, papangit ka! Bahala ka!" Pagbibiro ko pa habang ako ay tumatawa sa kaniyang harapan.

Naging seryoso naman ang kaniyang mukha, "About kanina." Bigla naman siyang yumuko sa aking harapan. "Gusto ka pa rin pala ni Zachary hanggang ngayon. It's been 8th years huh." Dagdag niya.

Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya, habang ang aking mga bibig ay hindi ko maibuka. Hindi man lang ako makapagsambit kahit isa o dalawang salita man lang.

Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan, para akong nanigas sa aking kinatatayuan.

Pinanood ko naman siyang iangat ang kaniyang ulo at tumingin sa akin.

May lungkot, may awa, at marami pang emosyon ang aking nakikita sa kaniyang mga mata.

Masasabi kong maganda ang mga mata ni Keisha, lalo na at brown na brown ang bilugan ng kaniyang mga mata. Nakakalungkot lang dahil nahahaluan ito ng iba't ibang masasakit na emosyon.

"Hanggang ngayon pa rin ba." Napunta naman ang tingin ko sa kaniyang labi. "Ayaw mo pa rin si Zachary?" Dagdag niya.

Hindi pa rin ako nakapagsalita, dahil titig na titig pa rin ako sa kaniyang mga labi. Labi na kay pula kahit walang bahid ng liptint o di kaya ay lipsticks. She has a thin and red lips.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon