-Phyra POV-
Ilang araw na ang lumipas, magmula ng marinig ko sa boses ni Miles ang pagyayaya niya kay Keisha bilang prom date niya.
Ilang araw ko na ring napapansin na hindi na ako kinukilit ni Miles, hindi na rin niya ako kinakausap pa. Wala na kaming imikan, magmula noong araw na sabihin niyang pinapalaya na niya ako.
Ilang araw na rin ang lumipas at napapansin kong napapalapit na si Miles kay Keisha. They look happy together. Marami rin ang may boto para sa kanilang dalawa.
Some students also called them 'Perfect Couple'.
Totoo naman eh, Gwapo si Miles, Maganda si Keisha, Mabait si Miles, Mabait si Keisha, Matalino si Miles, Matalino rin si Keisha.
Ewan ko ba kung ano ang nararamdaman ko. I can't even explain what I'm feeling right now.
Dapat nga ay maging masaya ako para sa kanilang dalawa, but I can't. And I don't know why?
Fuck it! Bakit napakalaki ng epekto sa akin ni Miles? Magmula ng tuparin niya ang sinabi niyang papalayain na niya ako ay parang araw-araw na akong wala sa sarili. I can't even focus in our class.
Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Ako mismo ay hindi ko maipaliwanag ang nangyayari at ang nararamdaman ko.
Naiinis ako tuwing lumalapit sa akin si Miles noon, pero ngayong iniiwasan na niya ako at lumalayo na siya sa akin ay naiinis pa rin ako.
Fuck it! Packing Tape! What's fucking wrong with me?
Argh! This past few days na hindi kami nag-iimikan at nagpapansinan ay parang nadudurog ako. Mas lalo na sa tuwing magkasama sila ni Keisha.
Don't tell me, I like or love him na?! No way! Namimiss ko lang siguro na lagi siyang nasa tabi ko.
"Hulaan ko kung ano este sino ang iniisip mo." Hindi na ako nagulat nang may sumulpot sa aking tabi. Panigurado ay si Gabriel na naman iyon, mahilig kasi siyang manira ng moment eh. Kaya naman agad akong napalingon sa aking tabi.
I'm right! It's Gabriel Ducusin!
Ilang araw ko na rin pala siyang nakakasama. Grr, pinanindigan na kasi namin ang pagpapanggap na kami na. We're faking our relationship to all students here.
Nasabi ko na rin sa family ko na kami na ni Gabriel. Syempre, gulat na gulat sila ng sinabi kong iyon. Ngunit, inamin ko rin kay Mom na hindi totoong kami ni Gabriel. I said to her that we're just pretending. Hindi naman tumutol si Mom, but she just warn me.
'Nasaktan mo na si Zachary, baby. H'wag mo naman ng dagdagan pa at gamitin ang lalakeng gusto ka. Sana sa huli ay hindi mo masaktan si Gabriel.'
Paulit-ulit yan na tumatakbo sa aking isipan, fudge it!
I really fucking need a really good advice to someone!
"Hinay-hinay naman sa pagtitig sa akin, Phyra. Natutunaw na ako na parang yelo rito." Nabalik naman ako sa aking hwisyo nang magsalita si Gabriel sa aking harapan.
"Napakalumang linyahan na niyan. Nakakasawa na sa pandinig." Inis na singhal ko.
"Pero hindi ka nagsasawang titigan ang napakagwapo kong mukha." pagmamayabang niya sa akin, habang kumikindat pa sa aking harapan.
Inirapan ko naman siya, "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo."
Ngumuso naman siya sa akin, sarap tuloy hilain ang kaniyang nguso at isabit sa taas ng puno.
"Bakit ako kikilabutan kung totoo naman?"
"Lumayo layo ka sa akin, baka matadyakan ko yang makapal mong mukha at mahangin mong bunganga." seryosong pagbabanta ko sa kaniya.
