Epilogue

1.4K 41 36
                                    

*Ten Years Past*

-Phyra POV-

Sa loob ng Ten Years, doon ko narealize na hindi pala masama ang magmahal.

Sa loob ng Ten years, na realized ko na I should treasure everything that I have.

Napakarami kong natutunan sa loob ng sampung taon. Naging matatag din ako sa mga pagsubok na dumating sa akin.

Higit sa lahat, nakamit ko lahat ng aking pangarap.

I'm now a successful doctor. Ang matagal kong pangarap ay abot kamay  ko na.

Hindi ko naman matutupad lahat ng pangarap ko, kung hindi dahil sa taong minamahal ko ngayon.

I'm so happy having him.

Nabalik naman ako sa hwisyo ng dahan-dahang bumukas ang pintuan ng simbahan. Kaya naman taas noo akong naglakad papasok.

Napangiti naman ako ng makita ko ang mukha ni Miles na nakangiti at masayang nakatingin sa akin. Ngumiti rin ako sa kaniya, tsaka ako tumingin sa aking gilid kung saan nakangiti sa akin ang mga taong narito.

Kay aliwalas ng kanilang mukha, at kay ganda ng kurba ng kanilang mga labi.

Naiiyak ako na natutuwa. I can't really explain what I'm feeling right now.

Ang tanging masasabi ko lang ay napakalakas at napakabilis ng pagtibok ng aking puso.

Napasulyap naman ako sa aking gilid at nakita kong nakaupo roon si Mom, Dad at Khycer. Habang nakangiti sa akin. Kaya naman ngumiti rin ako pabalik sa kanila.

Napahinto naman ako sa paglalakad, tsaka ako umupo sa harapan kung saan nakaupo si Gabriel ngayon.

Kasabay ng aking pag-upo ay ang paglingon ng mga taong narito sa kanilang likuran. Kaya naman napalingon na rin ako.

Napangiti naman ako ng makita kong masayang naglalakad si Keisha habang inaalalayan siya ng kaniyang ama papunta sa altar.

Ang ganda niya, sobrang ganda.

"Babe." Napatingin naman ako kay Gabriel.

"Bakit babe?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Pakasal na rin tayo."

"Ulol---este sa ano nalang tayo magpakasal."

"Huh?" Naguguluhan naman niyang tanong sa akin, habang natatawa.

"Sabi ko, magpapakasal na tayo pag tumalon yung bato."

Bumusangot naman ang kaniyang mukha.

"Hindi mo ako mahal."

Pinigilan ko naman ang pagtawa, lalo na at narito kami sa loob ng Simbahan.

"Mahal mo pa rin si Zachary." Sambit pa niya.

Gusto ko tuloy siyang halikan ngayon, kaso baka pagtinginan pa kami. Kaya naman hinawakan ko nalang ang kamay niya.

"Dadalo ba ako sa kasal nila Miles kung Mahal ko pa siya?"

"Zachary na kasi ang itawag mo, h'wag ng Miles."

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na, nasanay na ako sa pagtawag sa kaniya ng Miles. Hayst, bakit ba minahal ko pa ang lalakeng katulad mo?"

"Oh ngayon, nagsisisi kana na minahal mo ako. Kasi mahal mo pa si Zachary."

"Ten years na ang nakalipas Gabriel. Sa Ten years na 'yon, ikaw lang ang kasama at dumamay sa akin. Mag five years na tayong magkarelasyon bukas. Tapos ngayon nagseselos ka pa rin kay Miles. Ikakasal na siya oh."

"Eh kasi naman----" linagay ko naman ang aking hintuturo sa kaniyang bibig.

"Quiet ka na. Alam mo namang sinakop mo na ang puso ko. Kaya h'wag ka ng magselos diyan."

"Tsk." Mahinang singhal naman niya.

Hayst! Pasalamat siya mahal ko siya.

Naalala ko tuloy noong lagi siyang nasa tabi ko, para siyang si Miles. Ang kaibahan nga lang ay hindi ko pinahalagaan si Miles pero si Gabriel ay pinahalagaan ko. Natuto na kasi ako at nagsilbing aral sa akin ang mga nangyari noon. Kaya naman inisip at pinakiramdaman ko noon kung mahal ko na si Gabriel. And Indeed! Mahal ko nga siya at yung naramdaman ko noon kay Miles ay puppy love lang. Ngunit nagpapasalamat ako kay Miles, because he gave me a lesson. Because of him, natuto akong magpahalaga sa mga bagay at taong malapit sa akin.

Siguro nga, Hindi kami itinadhana ni Miles. Dahil nakatadhana, na talaga ako kay Gabriel.

Si Gabriel yung taong nagbigay kahulugan sa akin kung ano ang totoong kahulugan ng pagmamahal.

He is there with me, up side down.

Siya yung nag cheer sa akin na tuparin ang aking mga pangarap.

He always cheer me up and He always support me what ever I want.

Hayst, grabe na talaga ang pagmamahal ko kay Gabriel.

Sobra-sobra na, tuwing kasama ko siya ay lagi akong masaya. Lalo na pag naaasar at nagseselos siya.

Napakaswerte ko, lalo na sa mga magulang ko na todo suporta sa amin ni Gabriel.

"Now, I pronounce you. Husband and Wife."

Natuon naman ang pansin ko kina Keisha at Miles na naghahalikan ngayon sa aming harapan.

Napangiti naman ako sa kanila.

"Why are you smiling?"

Napatingin naman ako sa nakabusangot na si Gabriel. Akala siguro niya ay matitiis niya akong hindi kausapin hahaha.

Fudge! Bakit ba sa tuwing tumitingin ako kay Gabriel ay bumibilis ang pagtibok ng aking puso? Nag uunahan pa na parang karera ang pagtibok nito.

"I'm smiling, 'cause I realized something."

"What?" Sumeryoso naman ang kaniyang mukha. "You realize that you don't love me?"

Napangiti naman ako at pinipigilang tumawa. Fudge! Hindi siya nabibigong patawanin ako.

"I realized that, I'm just a prologue and not his," tinuro ko naman si Miles na masayang nakayakap kay Keisha. "Epilogue." dagdag ko pa.

"Yeah right, You're not his Epilogue. 'Because you're my Epilogue."

So possessive! I can't believe na mafafall at mamahalin ko ang taong ito.

Hindi talaga natin malalaman kung saan, kailan, paano at kailan natin matatagpuan ang para sa atin.

"I also realize that..." pinutol ko naman ang aking sasabihin at nginitian siya.

"That?" Hindi naman maipinta ang kaniyang mukha, habang naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"I really, really love you. Even though seloso, possessive, joker, masipag and so on ka!"

"So on?"

"Ewan ko sa'yo!" Inis kong singhal sa kaniya.

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin.

"I love you babe, soon to be my wife and soon to be the mother of my childrens."

"I also love you babe, soon to be my husband and soon to be the father of my childrens." Panggagaya ko sa kaniyang sinabi. Natawa nalang ako ng bigla niya akong halikan. Feeling ko tuloy, kami ang ikinasal.

-THE END-

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon