-Phyra POV-
"Phyra, kausapin mo naman ako oh. Kanina ka pa tulala d'yan, iniisip mo pa rin ba yung nangyari kahapon?"
Napairap naman ako, "Yeah! Iniisip ko pa rin, lalo na at sinuportahan pa ng mga pamilya natin ang nakababata nating kapatid."
Ngumiti naman siya na ikinakunot ng aking noo.
"Iniisip mo rin ba yung paghalik ng kapatid mo sa kapatid ko?" Tanong pa niya habang todo ang ngisi sa aking harapan.
"Ofcourse! They are too young for that!"
"You are also too young before when you saw my." Nginuso naman niya ang zipper ng kaniyang pantalon.
"Ahh your peanut?"
"It's not peanut anymore. It's now jumbo hotdog." Ngumiti naman siya, kaya agad kong nakita ang ngipin niyang kay puti at kay ayos.
"Tignan mo pa." Dagdag niya, tsaka siya kumindat sa akin.
Bigla naman akong napatayo at agad kong pinadapo ang aking kamay sa kaniyang makinis na pisngi.
"Manyak!" Sambit ko, bago ko siya iwan doon sa library kung nasaan kami.
Bakit ba kasi dikit ng dikit yung lalakeng 'yon sa'kin?!
Ayst! Ang manyak pa! Buti nalang at walang taong nakakita sa pagsampal ko kanina sa kaniya. Pasalamat siya dahil nasa likuran kami ng library kanina, kung saan kami lang ang naroon.
"Phyra! Wait for me!" Rinig ko pang sigaw niya.
Argh! Yung boses niya parang musikang nakakabasag ng eardrums!
"Hoy mang-iiwan! Hindi mo na nga ako ni crushback, likeback, at loveback, tapos ngayon iiwan mo pa ako?" Rinig ko pang reklamo niya habang mabilis ang yapak ng kaniyang mga paa upang sundan ako.
Humarap naman ako sa kaniya at pinandilatan siya sa mata, "H'wag ka ngang maingay d'yan, kalalake mong tao! Tsk! Bilisan mo nalang ang paglalakad dahil male-late na tayo para sa next subject."
"Hindi pa tapos ang vacant ha!" Sumbat naman niya sa akin, tsaka siya ngumuso sa aking harapan.
"Katatapos lang! Hindi mo ba narinig yung bell ha?! Tsk! And can you please h'wag kang ngumuso infront of me? Para kang bibe!"
Nanatili naman akong nakatayo habang siya ay naglalakad palapit sa akin.
Pinanood ko naman siya hanggang sa huminto siya sa aking harapan.
Isang hakbang lang ang pagitan naming dalawa.
"Sorry ha? Hindi ko narinig yung pagtunog ng bell dahil tibok lang ng aking puso para sa'yo ang naririnig ko." Nakangiting sagot niya sa akin.
Tsk! Ang mais niya!
Hindi naman ako makagalaw ng maramdaman at marinig ko muli ang hindi normal na pagtibok ng aking puso.
Wala naman akong sakit sa puso, pero bakit kay bilis ng tibok nito?!
Gash!
"Teka nga." Rinig ko pang singhal niya na nakapagbalik sa akin sa aking hwisyo.
Walang emosyon na tumingin ako sa kaniya. Nakita ko naman ka agad ang pagkamot niya sa kaniyang ulo.
"Para ba talaga akong bibe?" Paniniguradong tanong pa niya sa akin.
"Oo!" Deretsong sagot ko.
"Weh?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo nga!"
