Chapter 17

608 29 3
                                    

-Phyra POV-

Dalawang linggo na ang nakalipas, ngunit hindi ko pa rin matanggal-tanggal sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Gabriel.

He said that I like Miles.

Hindi lang daw pagkagusto kundi mahal ko na raw siya.

Fuck it! Araw-araw na gumugulo sa aking isipan ang mga sinabi sa akin ni Gabriel. Ngunit kahit anong pag-iisip ko ay pilit na sinasabi ng aking isipan na hindi ko gusto at mas lalong hindi ko mahal si Miles.

Naguguluhan na ako, sobrang naguguluhan na!

"Bes, kilala mo ba si Zachary at yung babaeng kasama niya kahapon?"

Pasimple naman akong lumingon sa aking likuran kung saan nanggaling ang boses na iyon.

Nakita ko naman ang dalawang babaeng nakatalikod sa akin. Habang may hawak-hawak silang libro na nakabuklat sa kanilang harapan,na akala mo ay nagbabasa ngunit hindi pala. Dahil nag chi-chismisan lang sila.

Tsk! Dito pa talaga sa library nila binalak mag chismisan!

Napamulagat naman ang aking mga mata ng bigla nila akong lingunin. Kaya naman peke akong ngumiti sa kanila at agad na umiwas ng tingin.

"Bes, pati pala rito sa library ay mayroong chismosa." rinig ko naman ulit na saad ng isa sa kanila.

Aish! Pinaparinig talaga nila sa akin? Fudge! They're just referring to theirselves.

I want to confront them, pero h'wag nalang. Hindi ko pinangarap na sayangin lang ang aking oras sa taong wala namang kwenta.

"Hayaan mo nalang yung mga chismosa bes. So balik tayo sa ating pinag-uusapan. Kilala mo si Zachary at yung kasama niya kahapon?"

Napairap nalang ako sa kawalan, bago ko buklatin ang librong nasa aking  harapan.

"Oo, si Keisha 'yon eh. Pareho silang STEM student."

Nahinto naman ako sa pagbabasa ng marinig ko ulit ang bulungan----este chismisan nila.

Magbubulungan na nga lang sila ay rinig ko pa!

Gusto ko sa nang ituon ang buo kong pansin sa  libro na binabasa ko ngunit nakuha na ng dalawang chismosa ang buo kong pansin.

"Bagay sila ano?" rinig ko pang sambit ng isa sa kanila habang humahagikhik pa.

"Kaya nga eh, hindi tulad ng iba diyan na gustong magpahabol sa maraming lalake!" napansin ko naman ang pagdidiin ng kaniyang boses.

"True bes! Sana nga at maging si Zachary na at si Kei----"

Hindi naman natapos ang sasabihin ng isa sa kanila dahil agad silang napatingin sa akin.

"Nagdadabog ka?"

Blanko naman ang aking mukhang napatingin sa kanila.

"Nagdadabog ka?" Ulit na tanong pa ng isa sa kanila. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.

Kulot ang kaniyang buhok na kulay itim. Para tuloy itong bulbol na nakasabit sa kaniyang ulo.

Chismosang bulbol!

Dumapo naman ang aking mga mata sa kaniyang mukha na pulang-pula.

She's wearing a make up and it doesn't fits her.

Para tuloy siyang Clown kung titignan. Kulang nalang ay maging pula ang kulay ng kaniyang buhok.

"Ano na? Pipe ka? Bakit ka nga nagdadabog?" May iritasyon naman sa kaniyang boses.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon