Chapter Two

870 40 0
                                    

Phyra POV

"I do that, 'Cause I want to be with you."

"I do that, 'Cause I want to be with you."

"I do that, 'Cause I want to be with you."

Argh! Kanina pa pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Miles sa akin. Argh! Hapon na ngayon at uwian na namin, pero yung sinabi niya hindi pa rin nawawala sa aking isipan.

Nakaiinis siya! I'm out of my mind in our class this day because of what he said earlier. Naiinis na talaga ako sa lalakeng 'yon.

"Phyra!" Bigla naman akong nagulat nang may umakbay sa akin, kaya naman agad akong napalingon kung sino ang mapangahas na umakbay sa akin.

Speaking of the devil!

"Pwede ba don't akbay-akbay me! Tsaka pati ba naman uwian iinisin mo ako?" Inis na singhal ko.

Mas lalo naman akong nainis nang ngumisi siya sa akin.

"Naiinis o nakikilig?"

"Naiinis!"

"Ah nakikilig?"

"Alam mo? Umalis ka rito sa harapan ko, baka masuntok ko 'yang pagmumukha mo!" Inis ko pang singhal sa kaniya. Buti nalang at uwian na, kaya kaunti nalang ang mga estudyanteng naglalakad dito.

"Hindi ako aalis dahil ako ang maghahatid sa'yo."

I rolled my eyes, "No way!"

"Yes way Phyra! Tinawagan ko na si Tito Spencer earlier at sinabi ko na ako ang maghahatid sa'yo."

Pilit ko namang inaalis ang pagka-akbay  niya, ngunit masyadong malakas ang kaniyang kamay. Kaya hindi ako nag waging tanggalin ang kamay niya sa aking balikat.

"No! I will wait for my Dad to fetch me up here!" Pagmamatigas ko naman sa kaniya.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong buhatin na pang-bridal style. Buti nalang at naka-p.e uniform kami ngayon. Kaya hindi ako nangamba na may masisilip sa parte ng aking katawan.

"Ang sweet naman nila hanggang uwian naglalandian." Rinig ko namang saad ng isang bakla roon sa gilid namin.

"I ship them! They are really good together." Rinig ko namang saad ng babae habang kinikilig pa.

"Sana ako nalang si Phyra. She's so maswerte to Zachary." I rolled my eyes while listening to other students whose talking about us.

"May paa ako Miles. So, Put me down now!" Utos ko kay Miles, ngunit hindi niya ako sinunod. Sa halip ay pinagpatuloy lang niya ang paglalakad.

"I said put me down!" Inis na pag-uulit ko pa, ngunit hindi pa rin siya nakinig sa akin.

Kaya naman no choice ako kundi kagatin ang kamay niya.

"Ouch!!" Sambit naman niya na animo'y napaso. Kaya naman kinagat ko ulit siya.

"Fuck!" Sigaw ko nang mabitawan niya ako, at bigla akong nahulog sa simento.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon