Chapter 18

619 21 0
                                    

-Phyra POV-

"Tahan na baby, tahan na." Nararamdaman ko naman ang paghaplos ng aking Ina sa aking likuran.

Si Mom ay nakayakap sa akin, samantalang si Dad at Khycer ay naka-upo sa gilid ng aking kama habang pinapanood kaming dalawa ni Mom.

Hayst, kanina pa ako umiiyak dito sa aking kwarto. Kasama ang pamilya ko.

"I said it before. Sinabi ko na sa'yo ate, na magsisisi ka kung may iba ng magugustuhan si Kuya Zachary. But what did you just said to me? Sinabi mong mas mabuti kung hindi ka niya nagustuhan. Pero ngayon, iiyak-iyak ka!" rinig ko namang sumbat sa akin ng aking kapatid.

Ang matured niyang mag-isip. Sobra! Dinaig pa ako.

"Mahal ko na ba si Miles, Mom?" mahinang tanong ko sa aking Ina, habang hinahaplos pa rin niya ang aking likuran.

"Ikaw ang makakasagot ng katanungan mong iyan, baby."

"Pakiramdaman mo ang pagtibok ng puso mo, Phyra. Pakinggan mo ang isasagot nito sa iyong katanungan." Rinig ko namang sabat ni Dad. Kaya napakalas ang aking kamay sa pagkakayakap kay Mom at napalingon ako kay Dad.

Nakikita ko sa mukha ni Dad ang lungkot.

Nalulungkot ba siya dahil sa akin?

"Iyon ang ginawa ko noong iwan ko ang Mama mo. Pinakiramdaman ko ang puso ko, at ang tanging tibok lang nito," tinuro naman ni Dad ang kaniyang Dibdib kung saan nakapwesto ang kaniyang puso. " Ay ang pangalan ng Mama mo. So I decided to find her. Dahil ayaw kong mawala ang Mama mo, iisipin ko pa lang noon na mawawala na siya sa landas ko ay parang mamatay na ako. Sobrang sakit sa dibdib." Pagpapatuloy naman ni Dad, habang pasimpleng tumitingin kay Mom.

Napatingin naman ako kay Mom na umiiyak na ngayon.

Siguro ay naalala niya ang nangyari noong iniwan siya ni Dad.

"It's so hard naman palang magmahal. Hayst! Buti nalang love ko si Zary at love rin niya ako. No hurts, just love." Maarte namang sambit ng aking kapatid.

Argh! Napakalandi talaga ng kapatid ko. Sobrang landi!

"Baby alis muna kami rito. Ikaw lang kasi ang makakasagot sa mga katanungan mo." Pag-iiba naman ni Mom sa usapan, bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Yeah, your Mom is right. We will leave you here." pangsangayon naman ni Dad.

Tahimik naman akong tumango, kahit may luha pang tumutulo sa aking mga mata.

"Mom, I'll stay here please?" Biglaang sabat naman ni Khycer. Tsaka siya ngumiti ng napakalapad kay Mom.

"Baby Khycer, hayaan nalang natin ang ate mo rito. Kailangan niyang mapag-isa para makapag-isip-isip." Tugon naman ni Mom kay Khycer.

Nakita ko naman ang pagbusangot ni Khycer, "Mom naman, please? Namiss ko si ate eh."

Sa narinig kong iyon na sinabi ng aking kapatid ay parang gusto kong masuka.

Really? Miss? Miss niya ako? Tsk! Baka miss na miss asarin? Argh!

"Hayst, okay. Basta magpakabait ka rito ha? Tatawagin ko nalang kayong dalawa pag nakapagluto na ako ng pagkain."

Lumaki naman ang aking dalawang mata habang titig na titig kay Mom, tsaka ako umiiling. Akala ko ay maiintindihan ni Mom ang pagtutol ko ngunit ngumiti lang siya sa akin.

"Mauna na kami ng Dad niyo sa kusina. Magluluto lang kami ng kakainin natin." pamamaalam naman ni Mom.

Napalingon naman ako kay Dad, at pinanood ko siyang lumapit kay Mom. Tsaka niya ito inakbayan palabas sa aking kwarto.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon