Chapter 14

460 24 1
                                    

-Keisha POV-

Bigla naman akong natigil sa paglalakad nang makita ko si Zachary na naglalakad papunta sa gate.

Don't tell me aalis na naman siya?

Wala naman akong choice kundi ang tumakbo upang harangan siya sa paglabas sa gate.

I run faster as I can.

"Zachary!" Pagtawag ko sa kaniyang pangalan, ngunit hindi siya lumingon sa akin at tuloy lang siya sa paglalakad.

Nang bubuksan na sana niya ang gate ay sakto naman ang pagsulpot ng guard sa gilid niya. Kaya naman mas lalo kong binilisan ang pagtakbo at paglapit sa kaniya.

"Palabasin mo ako at bibigyan kita ng pera, double pa sa sweldo mo." Rinig ko namang sabi ni Zachary ng malapit na ako sa kanila.

"Sa'yo nalang po ang pera mo. Marangal akong guard at hindi ko hahayaang masira ang trabaho ko dahil lang sa'yo." Rinig ko namang sagot ng guard.

Rinig ko pa ang malakas na pagtikhim ni Zachary. Kaya natawa nalang ako, kasi kahit anong gawin niya ay hindi siya papalabasin ng guard.

"Zachary!" Pagtawag ko sa kaniyang pangalan, nang makalapit na ako sa kaniya.

Lumingon naman siya sa akin at agaran kong nakita ang pagkunot ng kaniyang noo.

Ngumiti ako sa kaniya upang mas lalo siyang asarin. Tsaka ako lumingon sa guard.

"Kuya, we have a very important emergency. Kaya palabasin mo na po kami kuya." Sambit ko sa guard at nag pacute pa sa harapan niya.

Nagtataka namang tumingin sa akin ang guard at kinilatis kaming dalawa ni Zachary. Sampung segundo ang pagkilatis niya sa amin, bago niya kami palabasin.

Gash! Sorry lord kung nag sinungaling ako sa guard. Huhuhu! White lies naman 'yon eh.

"Bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka nag sinungaling?" Napalingon naman ako kay Zachary na nagsalita sa aking tabi.

"Bawal ba?" Balik tanong ko sa kaniya.

Napansin ko naman ang pag-angat ng itaas niyang labi.

Wahh! Naalala ko tuloy no'ng hinalikan niya ako. Ohmygi! How to calm?

Argh! Dapat iniiwasan ko na siya ngayon eh, para no heartaches na! Kaso sa sobrang rupok ko, nandito na naman ako sa tabi niya.

"Teka nga! Pupunta ka na naman ba sa Bar?" Pag-iiba ko sa usapan, upang mawala sa aking isipan ang kissable niyang labi.

"Hindi." Agarang sagot naman niya sa akin.

Bakit ba ang cold ng lalakeng 'to? Argh! Bakit ko ba siya nagustuhan?

"So saan ang punta mo?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Sa puso mo." Seryosong sagot naman ulit niya sa akin.

Bigla ko namang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

Oh my! Zachary naman eh! H'wag kang ganyan marufok aketch!

Pinakalma ko naman ang aking sarili, tsaka ko siya tinitigan sa kaniyang mga mata.

"Bakit maga 'yang mga mata mo?" Pag-iiba ko na naman sa usapan. Dahil ayaw kong magbigay siya ng motibo sa akin, lalo na kung iba naman ang kaniyang gusto.

Ilang minuto bago ko hinintay ang sagot niya, ngunit wala akong na tanggap na kahit isang sagot man lang sa kaniya. Nanatili kaming titig na titig sa isa't isa.

Tss! Kahit naman hindi niya sabihin sa akin ang rason ay parang alam ko na kung bakit.

Si Phyra na naman siguro ang rason kung bakit maga ang kaniyang mga mata.

The Unwanted Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon