Chapter 19

395 23 2
                                    



AMBER ROSS POV

Nasa kusina pa din ako nagluluto ng adobo para sa hapunan. Nasa labas naman ang mga mokong naglalaro ng basketball sabi nila tawagin ko nalang daw sila pag kakain na. Tinganan nyo naman kung gaano kakapal ang mga pagmumukha nila.

Ginawa pa akong katulong tapos nila ang mga amo ko. My god sa bahay nga namin buhay prinsesa ako tapos dito gagawin nila akong katulong i can't believe this. Maarteng sabi ko sa sarili.

Habang hinihintay kong maluto ang adobo kumuha na ako ng pinggan,kutsara,tinidor,baso at inilagay yon sa kanya kanyang pwesto nito. Nagsandok na din ako ng kanin.

Pumunta naman ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig ng napansin ko ang isang kahon ng cupcake kinuha ko yon at inilagay din sa lamesa para may dessert naman kami mamaya.

Nang maluto na ang adobo nagsandok na ako at hinain sa lamesa. Lumabas naman ako para tawagin ang mga mokong para kumain. Pero paglabas ko nakita ko naman na nakahubad silang lahat ng t-shit nila.

Omay gulay bakit sa dami dami ng pwedeng makita yung mga pandesal pa nila hindi pa mandin ako kumakain pero nabubusog na ako sa tanawin dito sa labas. Pero infairness ha magaling silang maglaro ng basketball.

Nakita ko namang hawak ni Brent ang bola at si tobby naman ang nakabantay sa kanya malapit na sila sa ring ng biglang ishot ni brent ang bola bigla naman itong lumusot sa ring wow iba nashot magaling magbasketball.

Nang mashot ang bola may biglang nag sisigaw na babae nakita ko naman ang bakod namin punong puno ng mga babae karamihan sa kanila puro estudyante tapos yung iba mga kasambahay. Ay iba den may mga audience pa ang mga mokong saan naman kayang lumalop mga galing ang makikiring babae na ito. At pati dito sa bahay nakapunta pa sila.

Nakangiting umiling iling ako nakikita ko. Lumapit naman ako sa kinaroroonan nila para papasukin na sila sa loob.

" Kakain na" sabi ko sa kanila. Bigla naman silang tumigil sa paglalaro ng marinig ang sinabi ko at dali daling nagsitakbuhan sa loob ng bahay. Mga mokong nga naman pagdating sa pagkain hindi pahuhuli.

"Sino ba yang babae na yan"

"Katulong ata nila"

"Hindi naman sya pretty"

Narinig kong sabi nila alam kong ako ang pinag uusapan nila kasi sino paba ang babae dito sa bahay kundi ako lang naman. Aba ang mga panget pinag uusapan pa ako akala naman nila hindi ko sila naririnig.

Lumapit ako sa isang gripo at binuksan yon tsaka ko kinuha ang hose tsaka humarap sa kanila na nakataas ang kilay.

"Sinong sinasabi nyong hindi pretty" tanong ko sa kanila

"Ikaw"  malakas ang loob na sabi ng isang babaeng naka pusod.

" Ah ako pala ha"sabi ko habang naka ngisi tsaka ko nilabas ang hose at binasa sila nagsitilian at nagkabuhan naman sila sa ginawa ko. "HAHAHAHA" malakas na tawa ko sa ginawa ko sa kanila hindi pala pretty huh.

Tumigil naman ako ng makita kong wala ng tao sa bakuran namin pinatay ko nadin ang gripo at least nakapagdilig na din ako ng halaman 2 in 1 hahaha.

Papasok na sana ako ng bahay ng makita si kendric na mabagal na naglalakad lumapit ako sa kanya at sumabay sa paglalakad. Nagulat nanaman sya sakin ng makalapit ako sa kanya.

Habang naglalakad kami ni kendric na pansin ko namang layo sya ng layo sakin na akala mo naman may nakakahawang sakit ako.

"Bakit kaba layo ng layo ha nakikisabay lang naman ako" tanong ko sa kanya.

"Bakit sinabi ko bang sabayan mo ako at sa totoo lang ayokong kasabay ka" walang reaksyon na sabi nya sakin.

Siraulo talaga tong kendric na to. Wala manlang pakunswelo sya na nga lang tong sinasabayan sya pa tong maarte konti nalang talaga maniniwala na ako sa instinct ko na bakla sya.

"Che Ewan ko sayo" sabi ko sa kanya tsaka sya iwan at nauna ng pumasok sa loob.

Akala mo naman kung sino napaka sungit feeling may regla sapakin ko sya eh. Bulong ko sarili bago umupo sa upuan ko.

"Ang togal nyo noman sa lobas" sabi ni brent habang punong puno ng pagkain ang bibig.

"Teka nga bakit kumain na agad kayo ng hindi manlang nagdadasal ha?" Sabi ko sa kanila. Nakita ko naman sila na umiwas ng tingin sakin.

"Ang tagal nyo kasi kaya kumain na kami tsaka kanina pa kami nagugutom kaya nauna na kami" sabi ni brent sakin.

"Kahit na hindi excuse yan" sabi ko sa kanya habang nakatingin ng masama sa kanya

"Eto naman ngayon lang naman eh napaka arte mo" sabi nya sakin. Aba sumagot pa talaga at sinabihan pa ako ng maarte.

Hinablot ko ang buhok nya tsaka ko sya kinotongan ng tatlong beses.

"Aray ko naman ross wag yung buhok ko bawas points yan sa mga babae" sabi nya sakin. Aba't mga babae padin talaga ang iniisip ng mokong na to.

"Tsk so childish" sabi naman na kadarating na si kendric kaya binitawan kona ang ulo ni brent.

"Aba't isa kap--" hindi ko naman na natuloy ang sasabihin ko ng biglang pinasakan ni brent ng cupcake ang bibig.

"Ang daldal mo kumain ka na nga lang ang dami pang sat sat" sabi ni brent sakin.

Bwiset tong brent na to ah. May araw ka din sakin feeling pogi ka. Gagantihan kita.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan nya sa ginawa ni brent sakin. Aba nakuha pa talaga nilang pagtawanan ako mga loko talaga.

"Nakakatawa yon? Happy kayo? Bahala na kayong magluto ng kakainin nyo bukas ha" pagbabanta na sabi ko sa kanila at nagsimula ng kumain.

Nawala naman agad ang tawanan nila dahil sa sinabi ko.

"Eto naman hindi mabiro nagbibiro lang ako. Sige dumaldal ka hanggat gusto makikinig kami sayo. Kung gusto mo pa magdamag kang dumaldal samin okay lang yon basta ikaw pa din ang magluluto wag lang si tobby kasi ba mahospital pa kami sa susunod na luto nya" mahabang sabi nya sakin.

Nagtawanan naman kami sa huling sinabi nya pwera lang kay kendric na patuloy pa din sa pagkain ano pa nga ba ang aasahan mo sa lalaking yan kundi wala. Masaya naman kaming kumain habang may mga ngiti sa labi.

A/n hi guys Readers thank you ulit sa support nyo.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon