Chapter 68

224 7 0
                                    

CHAPTER 68

AMBER ROSS POV

Naglalakad kami ni Eliott ngayon papunta sa buffet table para kumuha ng makakain.
"Eliott, what do you want to eat?" tanong ko sa kanya.

"Ice cream" masigla nitong sagot sa akin with matching patalon talon pa.

"Ice cream lang? Do you want to eat pasta? Cuz Ate Amber want it" sabi ko sa kanya.

"Gusto ko lang po talaga ng Ice cream" sagot nya sa akin sabay hatak ng kamay ko at nagtatakbo.

"Slow down Eliott, baka madapa tayo" hindi naman ito nakinig sa akin patuloy lang ito sa pagtakbo habang hatak ako.

Pag talaga kaming dalawa ay nadapa ewan ko nalang!

Nakarating din naman kami kaagad sa buffet table. Agad akong kumuha ng plato at namili ng kakainin namin. Hindi naman pwedeng ice cream lang ang kanin ni Eliott dahil baka gutumin sya.

Kumuha ako ng dalawang plato para sa amin ni Eliott. Magkabilang kamay ang hawak ko rito, kaya naman naka kapit lang sa laylayan ng suot ko si Eliott.

"Honey Bunch!" alam kong si Kendric ang tumawag sa akin, dahil sya lang naman ang may lakas ng loob para tawagin ako sa ganong pangalan.

Kinalabit ako nito pero hindi ko ito pinansin. Naiinis padin ako sa kanya dahil sa maghapong hindi nya pagkausap sa akin! Tama ba yon? Mahirap bang itext o tumawag manlang para sabihing busy sya?!

Pagkakuha ko ng pagkain namin ni Eliott naghanap kami ng table na malapit sa buffet table, para kung may gusto mang kainin ni Eliott malapit nalang kami.

"Honey bunch" tawag muli ni Kendric sa akin.

"Let's go, Eliott" aya ko kay Eliott. Hindi ko ulit pinansin ang pagtawag sa akin ni Kendric. Bahala sya sa buhay nya maghanap sya ng bagong girlfriend.

Hinawakan muli ni Eliott ang laylayan ng suot ko, at sabay kaming naglakad papunta sa isang table. Pag karating namin binaba ko agad ang dala kong pagkain, bago ko asikasuhin si Eliott.

Nang makaupo na kami inayos kona ang pagkain namin.

"Here, eat this" naka ngiti kong sabi kay Eliott bago ko ibigay ang isang plato na mau lamang pagkain.

"Hey, Honey Bunch pansinin mo naman ako" nagulat ako ng maramdaman ko si Kendric mula sa likod ko.

Pero dedma lang Amber, hayaan mo syang ganyan.

"Ate Amber, Where is the ice cream?" tanong nito sa akin.

"Oh shit, sorry i forgot" napahampas pa ako sa noo ko ng maalala ko ang ice cream. " What flavor do you want?" tanong ko sa kanya.

"I want chocolate and strawberry flavor, Ate Amber! " excited nitong sabi sa akin.

"Okay, I'll get you. Just wait me here ha?" sabi ko kay Eliott.

Tatayo na sana ako ng magsalita si Kendric.

"Ako ng kukuha, stay here" prisinta nito, hindi naman na ako umangal dahil gusto naman nya yon.

"Kumain kana Eliott" habang wala pa ang ice cream nya, kailangan nya munang kumain.

Nagsimula na kaming kumaing dalawa, dahil nakakaramdam na din ako ng gutom. Maghapon pala akong hindi kumain.

Ilang minuto pa ang lumipas ng bumalik si Kendric dala ang ice cream na gusto ni Eliott.

"Here Eliott" abot ni Kendric ng ice cream kay Eliott. Agad naman itong kinuha ng bata at kinain agad.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon