Chapter 67

194 12 0
                                    



AMBER ROSS POV

Naglalakad kami papuntang garden kasama sila Mommy ng bigla silang huminto. Nagtaka naman ako kung bakit sila Huminto kaya tiningnan ko ito.

Si Daddy pala at sila Kuya, sinalubong nila kami para daw sa grand entrance. Hindi na talaga ako mapakali kung anong meron ngayon kaya naman nilakasan ko ang loob ko na magtanong sa kanila.

"Can you please explain to me, what happened here?" tanong ko sa kanila habang naka kunot ang noo. "Don't tell me Mom that you are pregnant? I am right?" tanong kong muli.

"Amber malalaman mo din mamaya" sagot naman sa akin ni Daddy. Bakit mamaya pa kung pwede namang ngayon diba? Hirap talagang kausap ng mga taong to!

" Shall we" aya ni Daddy kay Mommy. Humawak naman sa braso ni Daddy si Mommy at sabay na naglakad papuntang garden.

"Let's go, Wag ng maarte!" sabi naman ni Kuya sa akin. Bakit ba kasi ayaw nilang sabihin kung anong meron?.

So kami ang magpartner ni Kuya Treyton? Mamaya sapakin ako nito pagnapikon. Katulad nila Mommy sabay kaming naglakad papasok ni Kuya Treyton. Si Irene at Kuya Aziel naman ang magpartner. Habang sila Kuya Braylon at Kuya Brayden naman ang may hawak kay Eliott nasa gitna nila ito at hawak nila sa magkabilang kamay.

"Ladies and Gentlemen, Let's do all welcome the Collins Family" malakas na announced ng MC pagpadating namin sa garden.

Agad namang nagpalakpakan ang mga tao at ngumit sa amin. Ngiting aso naman ang ginawa namin paakyat ng stage. Ang taray naman talaga parang mag bibigay lang ng award ah. Pag-akyat namin sa stage tumayo kami sa gitna at ngumiti. Nangangawit na ang panga ko kakangiti sa mga taong to!

Binigay naman ng MC ang mic kay Daddy dahil magsasalita na ito. Inassist naman kami ng isang stuff at pinaupo kami sa likod. Hinawakan naman ni Irene ang braso kaya naman tingnin ko sya.

"Kailangan ba talaga kasama kami dito sa taas? Naiilang na kasi ako, ang daming taong nakatingin sa atin! Pwede nabang bumaba?" sunod sunod na sabi nito sa akin. Naramdaman ko naman ang panlalamig ng kamay nito dahil nakahawak sya sa braso ko.

"Don't worry Irene.I'm always here, wala kang dapat ipag-alala. Isa pa ang ganda ganda mo kaya, chin up friend" pagpapalakas ko ng loob nya.

Ngumiti naman ito ng pilit sa akin. Pinagpapawisan na sya kahit mahangin naman dito sa labas! Mukhang hindi talaga sya sanay sa ganitong bagay. Hinawakan ko na lamang ang kamay nya para maging komportable sya.

"Good Evening everyone" pag-uumpisang magsalita ni Daddy. Tumungin naman sa kanya lahat at nakinig. " Siguro naman alam nyo na kung bakit kayo naririto?" tanong ni Daddy.

Nagkaroon naman ng bulung bulungan habang nakatingin sa amin. Kung ako nga din nagtataka kung bakit may paparty si Mayor haha.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I'm proudly to announce the new members of my family" masayang sabi nito habang nakatingin sa mga tao.

Ay wait totoo ba tong sinabi ni Daddy may bagong miyembro sa pamilya namin? Sa wakas after 20 years madadagdagan na kami. Huminto muna sa pagsasalita si Daddy at huminga ng malalim. Mukhang kinabahan pa ito ah.

"Ang tagal ha!" reklamo ni Mommy habang naka crossed arm. Ay wow taray tarayan ang lola nyo! "Ano baka maubos ang hangin dito kakabuntong hininga mo Amboy!" reklamo ni Mommy kay Daddy, naiinip na kasi ito kaya nagsusungit na. Hindi tuloy namin mapigilang hindi matawa dahil sa sinabi ni Mommy.

"Mom relax" pagpapakalma ni Kuya Brayden kay Mommy.

"Ito kasing tatay nyo, Abo't ang buntong hininga bad breath naman!" biro ni Mommy sa amin. Kahit kaylan talaga hindi pwedeng hindi ito magpapatawa? Mabuti nalang hindi narinig ni Daddy dahil mag aasaran pa ito. "Ako na nga ang mag aannounce" sabi ni Mommy akmang tatayo na ito ng pigilan sya ni Kuya Aziel.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon