CHAPTER 83

267 11 8
                                    

CHAPTER 83

AMBER ROSS POV

"Amber, Amber gising na" napadilat ako ng marinig ang pagtawag sa akin.

Kaagad akong bumangon sa pagkakahiga at napahikab.

"Mukhang napasarap ata ang tulog mo?" Nagulat naman ako ng magsalita si Irene

"Kanina kapa diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Yup, it's almost 10 in the morning na kaya" sagot nito sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko ng sabihin nito na umaga na. Tumingin ako sa palagid at napatakip ng bibig. Fuck shet! Umaga na nga.

Napabangon ako sa pagkakahiga at tinignan si Irene.

"Teka an--" hindi na pinatapos ni Irene ang sasabihin ko ng taasan niya ako ng kilay.

"Naka tulog ka lang naman kagabi, kaya nandiyan sa sofa ngayon. Kami nalang ang nagcelebrate kasi masama daw ang pakiramdam mo" sabi nito sa akin.

"NOOOOOO!" malakas na sigaw ko.

"Kahit magreklamo ka pa diyan wala ka ng magagawa dahil tapos na" pang-aasar pa nito sa akin.

"Bakit hindi niyo manlang ako ginising? Nakakainis kayo!" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Anong hindi ka namin ginising?! Diyan ka nagkakamali, ilang beses ka naming ginising pero mahimbing talaga ang tulog" sagot pa nito.

Ano ba naman yan! Gusto ko pa namang magsaya kagabi hindi ko pa nagawa. Mauupo na sana akong muli ng maalala ko ang nangyari kagabi. Kaagad kong hinanap ang cellphone para icheck kung may bago siyang chat sa akin.

"Anong hinahanap mo?" Tanong sa akin nu Irene.

"Yung cellphone ko? Nakita mo ba?" Tanong ko sa kanya

"Ah yung cellphone mo ba? Naka charge lowbat kasi" sagot nito sabay turo kung nasaan ang cellphone ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ito.

"Wala namang gumalaw ng cellphone ko kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm, wala naman kasi hawak mo ng mahigpit ang cellphone mo. Kanina mo nga lang nabitawan kaya naicharge ko" paliwanag nito sa akin

My Gosh mabuti nalang at lowbat yung phone ko dahil kung hindi baka nabasa pa nila yung message sa akin. Naupo na akong muli at tumingin kay Irene.

"Oo nga pala, may nangyari ba dito kagabi? Alam mo na may naligaw bang tao dito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Tinaasan nanaman ako nito ng kilay na para bang alam na nito kaagad ang ibig kong ipahiwatig.

"What do you mean na may naligaw? So nag eexpect ka na may pupunta dito na iba?" Pang-aasar pa nito sa akin.

"Ano ba yang iniisip mo? Masyado kang advance mag-isip!" Palusot ko nalang.

"Aysus, wag ako alam ko yang iniisip mo" sagot nito sa akin bago siya tuluyang lumapit.

"Kasi naman parang nakita ko talaga siya kagabi tapos binulungan niya ako" nanlaki naman ang mata nito sa sinabi ko.

"Gaga! Walang Kendric na naligaw dito kagabi! Wag kang elusyunada!" Sabay tapik pa nito sa noo ko.

Paanong hindi siya nagpunta dito? Eh nakita ko siya kagabi?

"Sure kaba talaga diyan?" Pagkukumpirma ko pa.

"So nag-eexpect ka talaga? I told you hindi siya nagpunta dito" masungit na sagot nito sa akin.

"Kung hindi siya nagpunta dito? Sino ang nakita ko?" Tanong ko

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon