Con

265 18 4
                                    

IRENE POV

Habang nasa sasakyan ako hindi parin mawala sa isip ko ang nakita ko sa video. Nakakapagtaka lang dahil bakit kailangan pa niyang magpunta sa bahay ng dis oras ng gabi at mag mask pa ito?

Lalong nagugulo ang isip ko ng dahil sa nangyayari ngayon! Anong kailangan niya? Bakit sinusubaybayan niya ang bawat galaw ni Amber? May plano ba itong masama? Hayss nakakainis makakakuha lang ako ng sagot pag ako na mismo ang magtatanong sa kanya.

Tumingin ako sa unahan kung nasaan si Amber nakikipagtawanan ito kay Kuya Brayden.

Sana maging matatatag ka pagkatapos ng lahat ng ito, maging maayos sana ang lahat sa susunod na mga araw.

Nasa iisang sasakyan kaming lahat dahil ayaw magdrive nila Kuya, kaya naman sa isang van nalang kami nagsamasama habang si Mang Asiong ang nagdadrive kasama din namin si Nana dahil pamilya na din sila mula noon.

Napatingin naman ako kay Kuya Treyton na natutulog sa bandang likod, halatang pagod na pagod na ito antok na antok. Hindi naman sila pinansin nila Mommy dahil busy din ang mga ito.

Kumuha din ako ng copy ng video nakuha ng cctv dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa para kay Amber.

Hindi ano mapalagay dahil sa nangyari kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay nila Brent.

Tatlong taon ko ng kilala si Brent pero ngayon palang ako nakarating sa bahay nila. Sobrang laki ng bahay nila at napaka raming sasakyan sa labas.

Mayaman nga talaga ang pamilya nito, mas malaki pa ang bahay nila sa bahay namin. Nasa tapat na kami ng gate ng bahay nila Brent ng may lumabas na mga katulong upang salubungin kami.

Lima silang lahat at humilera sa harapan namin at ngumiti.

"Welcome to the Gomez Mansion" sabay-sabay na sabi nila.

Ay iba to! Masyadong sosyal ang pamilya nila. Lalo tuloy akong kinabahan baka kasi matapobre ang pamilya ni Brent, baka kung ano-ano ang sabihin nila sa akin pagnakita nila ako? Nakakahiya baka kasi hindi nila ako magustuhan at paalisin nalang nila kami.

Tumingin ako kay Mommy at Daddy ngumiti ito sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko, para pagaanin ang loob ko.

"It's okay honey, we're here don't worry magugustuhan ka nila" sabi ni Mommy sabay ayos ng buhok ko.

"I told you Irene, wag kang kabahan kung ayaw nila sayo ayaw din natin sa kanila" biro ni Daddy kaya nagtawanan naman kami.

Binigyan naman ako ng thumbs up nila Kuya at Amber. Sana nga magustuhan nila ako.

"Shall we Ma'am and Sir?" Tanong sa amin ng isa sa mga katulong.

Tumango naman si Mommy kaya nag-umpisa na kaming maglakad. Labas palang ng bahay nila Brent masasabi mo ng sosyal talaga. Madami ring sasakyan pagpasok mo sa loob. Ilang tao kaya ang nakatira dito? Bakit ganon nalang kadami ang sasakyan nila.?

Makikita din sa garden nila ang pagiging marangya ng pamilya Gomez, dahil mamahalin pa ang mga halaman nito. Magdidilim na pero kitang-kita padin ang ganda nito.

Nang makarating kami sa front door. Huminto muna kami at huminga ako ng malalim, sobrang kinakabahan talaga ako sa pwedeng mangyari ngayon.!

Kaagad namang binuksan ng mga katulong nila ang malaking pintuan at tumambad sa amin ang loob ng bahay nila Brent.

Sumalubong naman kaagad sa amin ang pamilya ni Brent, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga ito. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon