CHAPTER 74

194 11 0
                                    

CHAPTER 74

AMBER ROSS POV

Kasalukuyan parin akong nakaupo sa kalsada habang umiiyak. Hindi ako makapaniwala na magagawa sakin to ni Kendric. I trust him, I waited for him for almost two weeks tapos ito pa ang matatanggap ko mula sa kanya!

"Amber get up! And stop crying!" sabi sakin ni Eunice habang pinipilit nya akong tumayo.
"No! I need to talk to him!" galit na sabi ko sa kanya at tumayo para pumunta sa bahay nila Kendric pero bago pa'man ako makalayo kaagad na hinatak ni Eunice ang braso ko para pigilan ako.

"Amber please stop this Bullshit! Once you feel avoided by someone, never disturb them again. You hurting yourself Amber!" Galit na sabi sakin ni Eunice.

"But I can't Eunice, I need to talk to him" pagmamakaawa ko sa kanya habang inaalis ang kamay nya sa braso ko.

"Bakit ba ang kulit mo? Can you see that he don't need you, he doesn't care about you? And also your feelings! Please lang Amber maawa ka sa sarili mo" alam kong naaawa na sakin si Eunice dahil iyak ako ng iyak.

"You're wrong Eunice,I know Kendric care's about me" pagpupumilit ko sa kanya.

"Tangina lang Amber! Wag kang magpakatanga sa ating dalawa ikaw ang mas nakakaalam na katotohanan" napatahimik ako sa sinabi nya, tama sya sa aming dalawa ako ang nakakaalam ng totoo.

"I don't know kung anong mali sa akin o ano ang kulang? Bakit nagawa ni Kendric ang bagay na yon? Wala naman kaming naging problema bago sya mawala pero bakit ganito ang ginawa nya?" Tanong ko kay Eunice kahit wala naman syang alam dahil kadarating nya lang dito. Naupo akong muli sa kalsada at umiyak ng umiyak.

Nagulat na lamang ako ng tabihan ako ni Eunice at akbayan ako.

"Sometimes life will allow people to come in to our lives just to teach us how to let go. I'm not telling this to you to let go of him ha, I'm just saying na may mga tao talaga sa buhay natin na kailangan nating palayain. So better think about it" sabi nya sa akin.

Hindi ko kayang gawin ang sinasabi nya lalo na kay Kendric. Tumingin ako sa gate ng bahay nila Kendric at umiyak. Kung kaylan naman nakita na kita tsaka mo ako sasaktan! Hindi mo ba alam kung ilang linggo kitang hinintay para magkasama tayong dalawa? Kung alam ko lang na sakit lang pala ang ibibigay mo sakin sana pala nung una palang umalis na ako sa bahay nyo para hindi na ako nasasaktan ng ganito!

Ilang minuto rin kaming nasa ganong sitwasyon ng biglang bumukas ang gate nila Kendric at may lumabas na kulay itim na sasakyan. Kaya naman agad akong inalalayan na tumayo ni Eunice dahil dadaan ito sa pwesto namin.

"Amber come here" tawag sakin ni Eunice sabay hatak sakin sa gilid dahil dadaan ang sasakyan nila Kendric.

Nang makarating kami sa gilid pinagmasdan ko ang sasakyan at nagbabakasakaling makita ko kung sino ang tao sa loob, pero dahil may kalayuan ito hindi ko makita kung sino ang tao. Hinintay namin ni Eunice na dumaan sa harapan namin ang sasakyan.

Laking gulat ko ng makita ko sa backseat si Kendric at nakatingin ito sa akin.

"KENDRIC!" malakas na sigaw ko ng makita ko sya. " KENDRIC, KENDRIC!" Sunod-sunod ko na tawag sa kanya habang papalayo ang sasakyan nila.

"KENDRICCCCCCCCCC!" Malakas kong tawag sa kanya.

Alam kong narinig nya ako kaya sana naman huminto sya. Pero laking gulat ko ng magtuloy tuloy lang ang sinasakyan nila. Kendric mahina kong tawag sa kanya. Nanlalambot nanaman ako dahil sa pag-iyak ko.

"Okay kalang ba?" Tanong ni Eunice sa akin at inalalayan akong makatayo ng maayos.

"Nakita mo diba? Nakita ako ni Kendric pero wala manlang syang ginawa?" Nanghihina kong tanong sa kanya.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon