CHAPTER 73

212 10 0
                                    

CHAPTER 73

AMBER ROSS POV

Isang linggo, isang linggo ang lumipas at hanggang ngayon wala paring paramdam sakin si Kendric. Sobra na akong nag-aalala sa nangyayari sa kanya ngayon. Dahil isang linggo na rin nyang hindi sinasagot ang tawag ko. Hindi ko nga alam kung iniiwasan nya ako o may nangyari lang talaga.

Isang linggo, isang linggo kona ding hinihintay ang pagbabalik nya, pero isang linggo na rin akong sawi sa paghihintay ko. Araw-araw ko syang sinusubukang kausapin pero wala eh, araw-araw nya ding nirereject ang tawag ko. Gaano ba kahirap sabihin sa akin kung anong nangyayari sa kanya? Siguro naman kahit anong dahilan nya maiintindihan ko sya? Mahirap bang sagutin manlang ang mga tawag ko? Mahirap ba ang pagiging boyfriend? Hindi ko alam kung anong nasa isip nya pero putangina sobrang sakit na talaga!

Araw-araw akong nagbabakasakaling bumalik sya at araw-araw rin akong nasasaktan. Wala naman akong pakialam kung ano mang problema nya ang gusto ko lang naman kausapin nya ako at magpakita sya sakin. Yun lang naman ang gusto ko.

Pero mukhang sa simpleng hiling ko walang matutupad kahit isa.

Naglalakad ako sa hallway ng school para sana magpunta sa department nila Hero dahil may hiniram akong libro sa kanya. Nanlalambot man ang tuhod ko pinipilit ko paring magaganap lakad ng maayos. Naiwan sa room sila Eunice at Irene dahil hindi ko naman kailangan ng kasama.

Sa paglalakad ko, hindi ko inaasahang masasalubong ko si Meg. Natatandaan nyo paba sya? Sya yung babaeng tinulungan ko nung panahong binubully sya ni Freyanca.

"ATE ROSS" malakas na sigaw nito sa pangalan ko, sabay takbo palapit sakin.

"Meg" mahinang tawag ko sa kanya.

Pagkalapit nito sa akin agad nya akong niyakap, hindi naman sya excited na makota ako dahil sobrang higpit ng pagkakayakap nya sa akin.

"Ate I miss you" tuwang-tuwa na sabi nito sa akin.

"I miss you too." sagot ko sa kanya, bumitaw na sya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako.

"Hala ate mukhang pumapayat ka ata? Medyo mapungay na ang mga mata mo at namumutla yang mga lips mo" puna nito sa akin.

Sa isang linggong nakalipas hindi na ako nakakatulog ng maayos at nakakakain. Sobrang nag-aalala na din sakin ang mga magulang at kapatid ko, ganon din ang mga kaibigan ko malaki raw ang nabawas sa timbang ko mula nung isang linggo.

"Ah ito ba? Nagdadiet talaga ako hahaha" pagsisinungaling ko sa kanya.

"Hala ate nagdadiet ka pa nyan? Sobang sexy mo na kaya tapos nagdadiet kapa? Kung ako sayo ate itigil mona dahil hindi bagay sayo" alam kong sobrang honest nito sa akin. Napansin kona rin ito sa sarili ko sa tuwing haharap ako sa salamin namin.

"Ganon ba? Sige simula ngayon titigilan ko ng magdiet makikinig ako sayo" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Talaga ba ate? Oo nga pala saan ka pupunta ate?" masigasig na tanong nya sa akin. Natawa tuloy ako dahil ganyan din ako kakulit dati ewan ko kung anong nangyari sakin bakit ako nagkaganito.

"Ah dyan lang sa department nila Hero isasaoli ko sana tong libro nya" sabi ko sabay pakita ng hawak kong libro.

"Gusto ate samahan na kita? Alam ko naman ang department nila Kuya Hero" nakangiting sabi nito.

"Talaga alam mo? Sige halika na samahan mo akong magpunta sa room nila" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Naglakad na kaming dalawa ni Meg papunta sa room nila Hero, habang naglalakad panay lang ang kwento ni Meg tungkol sa nangyari sa amin nung araw na iniligtas ko sya kay Freyanca. Sobrang daldal nya at ingay nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung unang beses kong pumasok dito.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon