Chapter 65

208 7 0
                                    

Amber Ross POV

Gabi na ngayon at kumpleto parin kami dito sa hospital. Wala paring may balak umuwi sa amin, hangga't hindi pa nagigising si Irene.

Maghapon naman nilang nilaro si Eliott, lahat nga mga kalalakihan ay kalaro ni Eliott, habang kami naman nila Mommy at Aling Bebang binabantayan si Irene.

Sabi no Doc Jack sooner or later daw baka magising na si Irene, kaya naman binabantayan namin sya.

Ayaw kasi naming magising ito na wala manlang maabutang tao dito. Alas sais na ng gabi umuwi si Aling Bebang dahil mag titinda pa daw sya sa palengke bukas ng maaga.

Nag usap naman sila Mommy, Daddy at Aling Bebang na sila lang. Importante daw kasi ang mag uusapan nila kaya lumabas pa sila ng kwarto.

Tinanong ko naman kung anong pinag usapan nila, ang sagot naman nila sa akin nalalaman ko daw pag nagising na si Irene. Hindi ko naman na sila kinulit dahil sasabihin din naman nila yon sa akin.

Alas 8 na ng gabi at tulog narin si Eliott katabi nya sa pagtulog si Kuya Treyton. Nakipag siksikan talaga sya sa higaan ng bata.

Gusto pa nga din nila Kuya Aziel, Kuya Braylon at Kuya Brayden na matulog sa tabi ni Eliott pero hindi pwede, isa lang talaga ang pwedeng tumabi sa bata. Since panganay daw si Kuya Treyton sya ng tatabi kay Eliott. Diba napaka utak ni Kuya ginamit talaga ang pagiging panganay nya para gulangan ang mga kapatid nya.

"Laro ulit tayo ng baraha?" pag aaya ni Hero

"Ayoko na wala na tayong lipstick naubos na kanina" sagot naman ni Khen.

"Kung perahan nalang kayo?" suggest naman ni Yohan.

"Mga loko wala kayong pera!" pang aasar ko sa kanya.

"Basag trip ka talaga ross no?"sabi naman ni Yohan.

"Ay bakit? Totoo naman ang sinabi ko wala naman talaga kayong pera haha" tumatawa kong sabi.

"Wag na nga lang tayong maglaro panira tong si Ross eh" sabi naman ni Jackson.

"Matulog nalang kayo" sabi ni Daddy sa kanila.

Nilatag naman na nila ang mga kutson na ginamit namin kagabi at naupo sila don.

"Alam kona kung ano ang pwede nating laruin" masayang sabi ni Tobby.

"Ano naman?" sabay sabay na tanong namin.

"Edi yung mga laruan ni Eliott yun nalang ang laruin natin" pagbibiro ni Tobby.

Pinagbabato naman sya ng mga unan ng mga mokong dahil panay kaabnormalan ang sinabi nya!

Nag wrestling naman ang nga loko, dahil wala na silang magawa.

Lumapit naman si Brent sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Ako na muna dito, matulog ka muna" sabi nito sa akin. Tumayo naman ako at naglakad papunta kay Kendric na ngayon ay nagcecellphone.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ba obvious?" masungit na sabi nito sa akin.

"Ang sungit mo naman, meron ka bes?" pagbibiro ko sa kanya. Hindi naman ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa nya.

"Kendric?" tawag ko sa kanya, pero dedma lang si loko, "Hoy Kendric" tawag kong muli sa kanya sabay sundot ng pisngi nito.

Pero sa pangalawang pagkakataon hindi pa din ako pinapansin nito.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon