Chapter 28

342 13 1
                                    

AMBER ROSS POV

Nagulat talaga ng makita ko si mommy sa loob ng bahay na to.

"MOMMY ANONG GINAGAWA MO DITO" malakas na sigaw ko sa kanya bwiset pag minamalas ka nga naman oo.

"Diba sabi ko sayo may pinapaasisako ang daddy mo sakin" naka ngiting sabi nya pero wala sa akin ang atensyon nya kungdi nasa mga kasama ko nako po kailangan kong kunin ang atensyon ni mommy sa kanila baka kung anong sabihin nya.

"Mommy" tawag ko sa kanya pero hindi sya tumitingin sakin "MOMMMMYYYYYY" malakas na sigaw ko sa kanya.

"Ano ba bakit kaba sigaw ng sigaw naririnig naman kita" sabi nya sakin sa wakas napunta na din sakin ang atensyon nya.

"Akala ko ba next week kapa pupunta dito" tanong ko sa kanya.

"Yun din ang akala ko kaya lang minamadali ako ng daddy mo kaya lumuwas na ako" paliwanag naman ny sakin.

"Pero paano ka naman nakapasok dito" takang tanong ko sa kanya wala naman kasi syang susi kaya paano sya nakapasok dito.

"Dahil dito" sabi nya sabay kuha ng hiarpin sa buhok nya. Naka limutan ko nga pala may pagka magnanakaw kung gumalaw si mommy kaya nakaya nyang bukasan ang pinto kasi naman nung college sya nagkaroon sya ng barkadang akyat bahay kaya alam nya yung mga ganyang bagay asting ng nanay ko no maiingit kayo.

"Ah excuse me nandito pa kami mukhang nakalimutan nyo kami" pag singit ni khen

"Tsaka yan mommy mo" sabi naman ni hero

"Ano po bang ginagawa nyo dito" sabi naman ni jackson

"Alam nyo bang trespassing yung ginawa nyo mam" masungit na sabi ni kendric sa Mommy ko aba loko to ah ako lang ang pwedeng gumawa non kay mommy

"Alam ko yon ijo" nakangiting sabi ni mommy kay kendric

"Ngayong nakita mona ako pwede ka nga umalis mommy" sabi ko kay mommy

"How rude you are" dinig kong sabi ni kendric sakin sipain ko kaya sya ng malaman nyang rude ako.

"Grabe ka naman sakin. Pinagluto ko pa naman kayo ng hapunan tapos paaalisin mona ako" nag papaawang sabi ni mommy

"Yun naman pala may pagkain wag mo munang paalis yung mommy mo" nagulat ako sa pagsulpot ni brent

"Kanina kapa dyan" tanong ko kay brent

"Hindi kadarating ko lang kani kanina nakikisaw saw lang ako kasi may danig akong about sa pagkain" masayang sabi nya sakin. Patay gutom talaga ang lalaking to.

"Buti pa tong is ijo na appreciate ang ginagawa hug to mama" sabi naman ng abnormal kong nanay my god ano bang nangyayare sa kanya bakit ba ganyan sya. Ito namang siraulong si brent yumakap nga ano feeling anak.

"Kaya ganyan kasi nakarinig ng pagkain patay gutom" sabi ko naman kay brent na ngayon ay dinidilaan ako. Aba loko talaga.

"Ma umalis na kayo diba sabi ko mag hotel ka nalang" pagpapaalis ko sa kanya bumitaw naman sya sa pagkakayakap kay brent at humarap sakin ginawa na nya ang paawa face nya at humarap sa mga kasama ko.

"Ayaw mo bang makasama si mommy,pano kung may mangyari sakin pag umalis ako ng bahay na to pano kung may gustong mangrape sakin makakaya mo ba yon" sabi ng nanay ko habang nagpapaawa

Nako naman sino namang siraulo ang gagahasa sa kanya siraulo talaga tong nanay ko sakit talaga sa ulo ang dala nya palagi nako pag may pagkakataon ako na mismo ang magbabaon sa lupa sa nanay ko.

"HAHAHAHAHAHA" malakas na tawanan ng mga kasama ko. Sabi na eh hindi nila mapipigilan ang pagtawa kasi naman panay walang kabuluhan ang lumalabas sa bibig ng nanay ko.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon