Chapter 59

217 10 0
                                    

CHAPTER 59

BRENT POV

Nandito pa kami sa labas dahil ang Tatay ni Ross ang mauunang papasok. Pero deputa inabot na kami ng 20mins dito sa labas hindi pa din sya pumapasok.

Tuwing tatangkain naming pumasok pinipigilan naman nya kami! Hindi ko alam kung ano bang problema ng matandang to, bakit ayaw nya kami papasukin.

Kasalukuyan naman syang naka upos sa sahig ng basement at naka tingala. Naiinis na talaga ako sa kanya kanina pa sya.

"Mawalang galang na ho? Baka gusto nyo na pong pumasok sa loob para matulungan natin sila?" tanong ko sa kanya.

Tumingin naman ito sa akin at ngumisi. Luh ano nanaman kayang problema ng abnormal na ito.

"Chill kalang bata, aabot tayo dyan" walang buhay na sagot nito sa akin.

Nako po, kaylan mot kaya yung sinasabi nyang yon? Pagpatay na silang lahat sa loob?

"Baka naman po, galaw galaw baka po ma stroke ka!" sarcastic na sabi ko sa kanya.

Nagulat naman ako ng bigla itong tumawa ng malakas.

"HAHAHAHA!" malakas nitong tawa sa sinabi ko, "Baka naman relax kalang bata, baka sumabog yang mukha mo sa sobrang inis!" pagbibiro nito sa akin.

Kung hindi lang talaga mas matanda sa akin to, sasapakin kona sya! Napipikon na ako!

"Konting tiis nalang, papasok na tayo!" sabi nito

Tumabi na akong muli kay Hero dahil wala akong mapapala sa pakikipag usap sa matandang to!

"Ano bro may napala kaba?" pang iinis na tanong sakin Hero.

"Shut up Hero!" naiinis na pagpapatahimik ko sa kanya.

"Hahaha maghintay ka nalang kasi, alam naman nya ang ginagawa nya" sabi naman ni Killian.

"Kung maghihinatay pa tayo dito baka bangkay na natin silang maabutan!" naiinis pa din na sabi ko.

"Alam mo Brent, ikaw lang naman ang nag iisip ng ganyan!" sabi ni Hero.

"Ano ba naman kayo? Hindi nyo ba naririnig ang mga putok ng baril sa loob! Bakit hindi manlang kayo nag aalala sa kanila?" galit na sabi ko sa kanila. "Bahala kayo dyan basta ako papasok na sa loob!" akmang bubuksan kona sana ang pinto ng biglang kutsilyo na bumaon sa pinto.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong sobrang lapit ng kutsilyo sa mukha ko. Nilingon ko naman kung saan nanggaling bagay na iyon. Nakita ko naman ang tatay ni Ross na nakapikit.

Mukhang sa kanya galing bagay na iyon dahil nagiba na ang pwesto ng kamay nya.

"Ehhhhhhh, nagbibiro lang naman ako, bakit kailangan may ganyan pa" pagrereklamo ko sa kanya.

Hindi naman na nila ako pinansin dahil hinihintay nalang nila ang gagawing ng tatay ni Ross.

Dahil wala na akong magawa hinintay ko nalang ang gagawin nya. Kahit naiinis na ako wala naman na akong magagawa.

Ilang putok na ng baril ang naririnig namin mula sa loob pero wala pa rin syang ginagawa.

Lumipas ang 30mins ng biglang tumayo ang tatay ni Ross,kaya naman napatingin kami sa kanya nah inat pa ito na para bang bagot na bagot.

Kinuha naman na nya ang dalawang baril na hawak nya at kinasa iyon. Mukhang ito na yon.

Sabay sabay naman naming niready ang mga armas namin para makipagbakbakan.
Naglakad na ito papalapit sa pinto, pero huminto muna saglit.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon