Chapter 4

532 33 0
                                    



AMBER ROSS POV

Naalimpungatan sa pagkakatulog ko ng biglang kumalabog ng malakas napabaligkwas ako ng marinig ko yon "shit ano yon?" Sabi ko sa sarili ko

Tiningnan ko kung san nanggaling yung kalabog nakita ko ang pagsarado ng pinto ng balcony shit kinabahan ako don akala ko naman may ibang tao na dito o kaya may multo. Tumayo ako upang buksan ang naka saradong pinto.

Mukhang napasarap ang tulog ko at inabot na ako ng takipsilim hayss anong oras naba tiningnan ko yung lockscreen ng cellphone ko upang makita kung anong oras na OMO 6:14 na napahaba talaga ang tulog ko.

Binuksan kona ang ilaw sa kwarto upang umpisahan na ang pag aayos ng gamit ko. Binuksan kona ang maleta at inilabas ang laman nito. Laking gulat ko ng makita ang laman nito.

"MOMMY MONGOLOID KA TALAGA! " sigaw ko habang tinitingnan ang gamit ko. Sino ba naman ang hindi maiinis puro pang sexy ang nilagay na gamit ni mommy sa maleta ko puro dress, sexy short, sando, tube wala manlang pants and T-shirt mukhang itong suot ko lang ang matino tapos puro high heels and doll shoes ang mga sapatos na nakalagay sa maleta take note may nakalagay pang make up tapos pang girly na stuff na hindi ko naman gusto.

Nakakainis alam naman nyang hindi ako nagsusuot non wala talaga akong aasahan na maganda sa nanay ko. Ewan ko ba kung bakit ang lakas mantrip ng nanay ko.

Kinuha ko naman yung back pack na dala at binuksan ito napangiwi ako sa laman nito pantulog naman to panjama na terno ano bayan mukhang kailangan kong bumili ng matitinong damit bukas ah. Habang nag aayos ako ng gamit nakaramdam ako ng gutom.

"oo nga pala hindi pa pala ako kumakain ng tanghalian kaya siguro nagugutom na ako. Maliligo muna ako bago kumain.

30mins ang nakalipas bago ako matapos at lumabas ng kwarto dala ang cellphone ko pababa na ako ng hagdan ng matanaw ko ang mga mokong ano bang mga problema nala at nakaupo silang lahat sa sofa.

Tuluyan na akong nakababa ng hagdan at hindi manlang nila naramdaman ng presensya ko ano bang nangyayari sa kanila para silang iniwan ng mga jowa nila sa itsura nila ngayon may nakasimangot may nakahawak sa ulo mga mokong talaga
Hindi ko na sila pinansin at dumertso na ako ng kusina para tingnan kung may makakain ba. Pagkarating ko sa kusina tiningnan ko kung may niluto ba sila pero wala, tiningnan ko naman yung ref nila kung may pwedeng iluto pero laking gulat ko kasi walang laman ang ref nila kundi ang pinalamig na pitsel na walang laman ano ba tong mga tao dito tanga maglalagay ng pitsel sa ref tapos walang laman kinuha ko ng pitsel at nilagyan ng tubig at tsaka ibinalik ulit. Sunod naman na pinuntahan ko yung cabinet para malaman kung may pagkain ba o wala pero hindi na ako nagulat kasi wala din itong laman.

Jusme anong klaseng bahay to ang lake lake tapos walang makakain wala talaga silang kwenta pero sabi nila kanina nag grocery daw sila last week tapos ngayon ubos na gaano ba sila kalakas kumain.

Napahawak ako sa tyan ko ng maramdaman ko ulit ang gutom ko. Hayss maka pagpa deliver na ngalang para makakain na ako, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng panjama ko at binuksan ko ito upang makaorder ng pag kain dahil nagugutom ako dadaihan ko ang oorderin ko. Habang nagmimili ako ng kakainin napatingin ako sa mga mokong i wonder hindi pa din siguro sila Kumain tssk hayaan mo lang sila ross para makaganti ka.

Ayon na nga umorder ako ng 2 bucket of 8pcs na chicken isang spicy and original tapos 2 family pan na spaghetti umorder din ako ng 5 pepper steak ,2 jumbo fries, 8 milk tea, 3 box ng pizza, 3 gallon ng ice cream tapos 12 na rice inabot lahat ng order ko ng 5,386 wow ang laki ng bill ko pero okay lang at least busog ako 10mins daw bago makarating si manong grab so nanatili muna ako sa kusina.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ang dami kong inorder syempre bibigyan ko din sila hindi naman ako kasing sama nila.

Limipas ng ilang minuto ng may bilang nag doorbell nagulat ng na uunahan ang mga mokong na buksan ang pinto so hindi naman pala sila bingi kasi narinig nila agad yung doorbell pero nung ano ang nagdodoorbell ilang minuto ang limipas bago nila buksan bumalik nanaman ang inis ko sa kanila nagbago na ang isip ko hindi ko na sila bibigyan ng pagkain.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon