Chapter 62

241 7 1
                                    

CHAPTER 62

AMBER ROSS POV

Kinabukasan alas sais palang ng umaga, kasarapan palang ng tulog namin ng may biglang magdoorbell mula sa gate, rinig ito sa buong bahay kaya naman lahat kami ay nagising. Lumabas kaming ng kanya kanya naming kwarto na nag iinat pa, at walang kabuhay buhay.

"It's 6 in the morning, pero may nambubulaho na agad sa atin!" reklamo ni Kuya Brayden matakaw sa tulog.

"Sino ba kasing ang siraulong pupunta dito ng ganito kaaga?" tanong ni Kuya Aziel.

"We don't know, pare parehas tayong natutulog tapos itatanong mo samin?" pambabara na sagot ni Kuya Brayden.

"Sapak sa mukha gusto mo?" pananakot ni Kuya Aziel.

"Si Kuya naman hindi mabiro, chill ka lang" pagpapakalma ni Kuya Brayden kay Kuya Aziel.

"Brayden, tingnan mo sa monitor kung sino ang nasa labas" utos ni Kuya Treyton.

"Bakit ako?" reklamo na tanong nito kay Kuya.

"Bakit hindi ikaw? Napaka daldal mo kaya ikaw na" sabat naman ni Kuya Braylon sa kanya.

"Aisshhhh, palagi nalang" naiinis na sabi nito at padabog na naglakad papalayo sa amin.

Lumabas naman si Mommy kasama si Nana galing sa kusina mukhang nakapagluto na sila agad, dahil naka apron ang mga ito.

"Good morning my babies" masayang bati samin ni Mommy sabay halik sa mga pisngi namin.

"Good morning too Mom" bati rin ni Kuya Treyton.

"Nasaan si Dad?" tanong ni Kuya Braylon.

"His in the office now, may inaayos" sagot ni Mom.

"Oh I see," komento ni Kuya.

"Alam ko sabi ng Daddy nyo, hindi na kayo babalik sa abroad he said all you are staying here for now on." sabi ni Mom habang hinahanda ang pagkain sa dining table. Napansin ko lang na sobra ata ang plato na nilabas nya ngayon.

"What? But our job-" hindi na natapos ni Kuya Treyton ang sasabihin nya dahil sa ingay na nagmumula sa labas.

Bumukas naman ang main door ng bahay at iniluwa nito ang mga mokong.

"Ang aga nyo naman ata?" tanong ko sa kanila ng makapasok silang lahat.

"Wala kasing makakain sa bahay kaya inagahan talaga namin" sabi ni Brent habang papalapit sa dining table.

"Feel at home lang Brent?" pambabara ko sa kanya, mukhang hindi manlang sya tinubuan ng kahihiyan sa katawan.

Sumunod naman agad sa kanya ang anim na bugok at nagkanya kanya na itong upo. Si Kendric naman ay naiwang nakatayo at nakatingin sa akin.

"Ang kakapal talaga ng mga pagmumukha nyo no? Nauna pa kayong maupo sa may ari ng bahay!" pang aasar ko sa kanila.

"Ganon talaga pag nagugutom wala ng pakialam kung nasaang bahay ka" pabalang na sagot ni Jackson.

"Hindi ko talaga alam kung saan kayo nakakakuha ng kakapalan ng mukha?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Wag mo ng alam dahil nasa lahi naman namin yon" sagot naman ni Hero.

"Mayayaman naman kayo pero bakit ganyan kayo?" tinitignan ko lang sila dahil hindi ako makapaniwala na ganito ang gagawin nila.

"Pagpasensyahan mo nalang sila, gutom na kasi talaga ang mga yan" paghingi ng paumanhin ni Tobby.

Mabuti pa talaga tong si Tobby, kahit papaano makakausap mo ng matino.

"Ganyan talaga ang mga yan, patay gutom" singit naman ni Yohan.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon