Chapter 53

249 9 0
                                    

CHAPTER 53

BRENT POV

Tumatakbo pa din ako pabalik sa venue, hanggang ngayon hindi pa din tumitigil ang pagdugo ng ulo ko. Pero hindi na ito mahala, dahil ang mas mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Amber.

Nakarating na ako muli sa venue ramdam na ramdam ko na pinagtitinginan ako ng mga tao, dahil narin sa itsura ko.

Patakbo pa din akong pumunta sa table nila Ross para ipaalam sa kanila ang nangyari kay Ross.

Pagkarating ko sa kinaroroonan nila huminga muna ako ng malalim dahil masyadong malayo ang tinakbo ko.

"OH MY GODDDD BRENT" dinig kong sigaw ni Ate Krish mula sa table namin pero hindi ko yon pinansin.

"Anong nangyari sayo Brent" natatarantang tanong sakin ni Tita dahil puro dugo ang mukha ko.

"T-tita"nauutal kong sabi " T-tita si A-amber" habol ang hiningang sabi ko. Pero hindi pa man din natatapos ang sasabihin ko ng bigla ako kwelyohan ni Kuya Treyton.
"Tell me! What did you do to my sister!" galit na tanong nya sakin. Sabay suntok sa mukha ko. Kaya naman na out of balance ako at napaupo.

Nagulat naman ako sa ginagawa nya sakin. Tangina gago ba sya. Naramdaman ko nalang na may dalawang kamay na umalalay sakin para makatayo nakita ko naman sila Kuya Kristoff at Ate Krishna na naka alalay sakin.

"TELL ME! WHAT DID YOU DO TO MY SISTER!"galit na sigaw nya sakin at akmang susugurin nya sana ako ng bigla syang suntukin ni Ate Krishna na ikinagulat ko.

"What the-" sabi ni Kuya Treyton kaya naman tiningnan nya si Ate Krishna. Biglang nah iba ang expression ng mukha nya mababakas dito ang Pagkagulat, lungkot at takot ng makita nya sa harap nya si ate Krishna.

"How dare you to punch my cousin Treyton!" galit na tanong ni Ate Krishna sa kaharap nyang lalake ngayon.

"Ate Krish, tama na" pag aawat ko sa kanya dahil pag hindi sya naawat mabubugbog tong si Kuya Treyton.

Hinawakan ko naman ang braso nya para hindi na sya makapanakit. Nakita ko namang tiningnan nya ang mga kamay ko dahil napahiran ko sya ng dugo mula sa sugat ko.

"Are you alright Brent?" nag aalalang tanong nya sakin.

"Yeah I'm alright" sagot ko sa kanya para hindi na sya masyadong mag alala sakin. Tumingin naman ako kay kuya Treyton bago ako nagsalita. " Look Kuya Treyton, I didn't do anything to Amber" panimula ko " Sa totoo lang sinubukan ko siyang iligtas dahil dinukot sya ng kung sino" sabi ko sa kanya. Pagkasabi ko non akmang susugurin nanaman nya ako ng humarang si Ate Krishna sa pagitan namin.

"Ano Treyton! Mananakit ka nanaman? Kung sabagay diyan ka naman magaling diba? Ang manakit! Alam mo kasalanan mong lahat to! Kung bakit nawala ang kapatid mo at kung bakit nagkaganito ang pinsan ko! Wala kang kwentang tak Treyton mula noon,hanggang ngayon! " galit na sabi ni Ate Krishna. Ramdam ko na nasaktan si Kuya Treyton sa mga sinabi ni ate sa kanya.

"Let's go Brent" pag aaya ni Ate sakin gagamutin daw muna nila ang sugat ko. Naglakad na kami palayo sa table nila. Narinig ko pang tinawag ni Kuya Treyton si Ate pero hindi sya pinansin nito.

Nagkagulo na sa party dahil sa eksenang ginawa namin. Pinaupo muna ako ni Ate Krish para gamutin ang sugat ko. Nakita ko namang nagtatakbo ang mga kaibigan ko papunta samin.

"Tangina Brent anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong ni Jackson sakin.

"Sinong bumanat sayo?" tanong naman ni Yohan.

"Relax lang kayo nasan si Kendric?" tanong ko sa kanila.

"Nag uusap pa sila ni Tobby, bakit?" sagot naman sakin ni Khen.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon