Chapter 20

402 22 0
                                    

Amber Ross POV

Kinabukasan 5:30am palang gumising nako dahil ako ang magluluto ng pagkain kasi kung si tobby yung magluluto never na akong kakain dapat talaga maturuang maluto ang mga mo kong na yon para pagwala ako pwede na silang magluto ng pagkain nila.

Bumangon ako sa kama at tumingin ako sa salamin para makita kung may panis na laway ba ako pero wala naman akong nakita kaya lumabas na ako ng kwarto. Hindi na ako naghilamos para saan pa eh maliligo naman ako mamaya hindi na din ako nag ayos ng buhok kasi wala na mang makakakita sakin eh.

Paglabas ko sa kwarto madilim na palagid ang sumalubong sakin. Ano bayan hindi ko pa naman alam kung saan banda ang switch ng ilaw kaya nangapa ngapa lang ako lalo na sa pagbaba ng hagdan bakit ba kasi iniwan ko pa yung cellphone ko eh.

Nung akala ko naman ay isang hakbang nalang ako sa hagdan nilakihan ko na ang hakbang pero ghourl 2 steps pa pala yon kaya ang ending nasubsob ang ate nyo sa sahig.

"Aray ko pong tanga" sabi ko sa sarili ko ng maramdam ko ang pagtama ng ulo ko sa sahig. Nakakainis naman kasi bakit ba kasi nilakihan ko pa ang hakbang ko deputa talaga umagang umaga nababadtrip ako.

Tumayo na ako sa pagkakahiga ko sa sahig at nagsimula na ulit mangapa kailangan kong makita ang switch ng ilaw baka mamaya hindi lang yon ang mangyari sakin pero ilang sandali palang nauntog naman ako sa isang pader putek talaga napaka malas ko naman ngayong araw oo.

Ilang minuto lang sa pangangapa nakita ko na din ang switch ng ilaw at last jusme kailangan pa talagang masaktan bago ka makita sabi ko sa switch ng ilaw. Pumasok na ako sa kusina at dumiretso sa ref para kumuha ng pwedeng iluto ang nandito lang naman sa ref ham,bacon,hotdog hayss sila nanaman kinuha ko ang hotdog at isinara na ang ref, bunuksan ko naman ang cabinet tsaka kumuha ng dalawang lata ng maling kumuha naman ako ng 5 itlog para iluto din.

Hiniwa ko muna ang hotdog tsaka pinrito tapos tsaka ko naman inilagay ang itlog para maiba naman haha. Pagtapos ko non tsaka ko naman isinunod na iluto ang spam pagtapos kong magluto kumain na din akong mag isa para mauna ng pumasok sa school pagtapos kong kumain hinugasan ko naman ang pinagkainan ko. Nagtimpla na din ako ng hot choco para sa kanila. Nag iwan nalang ako ng note sa ref bahala na sila kung susundin nila yon o hindi.

Umakyat na ako sa taas at naligo na agad after 30mins lumabas na ako ng cr kinuha ko ang paper bag tsako ko inilabas ang uniform ko pero nagtataka lang ako at inaalala  kung san ko nakita yung ganitong uniform kahapon pero hindi ko matandaan. Makakalimutin talaga ako haysss. Sinuot kona ang uniform at yung white sack and then yung black shoes.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin parang uniform to ng high school maiksi ang palda tapos kailangan naka high sacks pa nagmumukha akong high schooler nito eh.

Umupo ako sa upuan sa tapat ng salamin para mag ayos ng makita ko na may maliit na bukol ako sa noo. Ano ba yan nagkabukol pa panira talaga ng araw kainis. Pagtapos kong magmuryot sa salamin naglagay lang ako ng pulbo at tumayo na para kunin ang mga gamit ko. Isinuot kona din ang i.d ko na kasama ng uniform ko kanina tsaka ako nag suot ng black cap at lumabas na ng kwarto.

Paglabas ko wala pa ding tao siguro natutulog pa yung mga yon kasi naman 6:50 palang ng umaga kaya hindi pa sila gising tahimik akong nakaalis ng bahay at naglakad na papasok.

20 mins lang ng makarating na ako sa school at pumasok na sa gate nakita ko naman si manong guard na mukhang busy kaya hindi ko nalang sya pinansin.

"Hey yow good morning" masiglang sabi ni manong guard na ikinagulat ko naman. Masyadong hyper tong ni manong guard bakit hindi nalang nya ibigay yung iba kay kendric baka sakaling tumalab.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon