CHAPTER 85

284 15 6
                                    

KENDRIC POV

Who miss me? Just kidding, I'm here to clear my name sa kumakalat sa chismis charot.

I'm here at my fathers house watching him secretly. Kasama niya ngayon si Sapphire sa pool area may pinag-uusapan silang dalawa na hindi namin alam.

Dinner night namin ngayon kasama si Sapphire. Actually si Sapphire lang ang may gusto nito, dahil malakas siya kay Daddy pumayag ito na magdinner sa bahay.

Mamaya na ako magpapaliwanag sa inyo ng lahat ng nangyari dahil hindi pa ito ang tamang oras para ibunyag ko ang lahat 2 chapter pa para sa mismong pov ko, sa ngayon dadaan lang ako.

"Watching them again?" hindi na ako nagulat ng magsalita si Ate Veron.

Actually kami lang ang magkakamping dalawa kasama na din ang stepmom namin. Kaming tatlo nalang ang nagtuturingan na pamilya at wala ng iba.

"As always nothings new" sagot ko dito habang hindi inaalis ang tingin sa dalawang nag-uusap sa baba.

"I wonder kung ano pang dapat nilang pag-usapan? We all know naman na malalaman din natin ang lahat ng pinag-uusapan nila" napatingin naman ako kay Ate.

May hawak itong glass of wine habang naka tingin ito sa akin.

"What do you mean about that?" tanong ko sa kanya.

"Just trust Biboy, sooner or later malalaman mo din, but for now magchill ka lang" kalmadong sabi nito.

Ang dami niya talagang secret na hindi pa niya sinasabi sa akin. Pero I trusted her from the very start. Basta ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat next time sa ngayon may iba pa akong gagawin.

Hindi pa ito ang oras para mag story telling ako about sa nangyari, may maa mahalagang bagay pa akong dapat na gawin ngayon.

"Biboy the car is ready" masayang sabi ni Mom sa akin.

"Are you sure about it Biboy? Alam mong hahanapin ka ni Sapphire sa oras na mawala ka" seryosong sabi ni Ate.

"I know that, pero ikaw na ang bahala sa bagay na yan" sabi ko sa kanya.

"Hintayin mo munang makaalis ang Daddy mo Biboy para hindi ka mahalata" sabi ni Mom sa akin.

Tumango nalang ako bilang sagot, at hinintay naming makaalis si Daddy. Ilang minuto lang ang lumipas ng iwanan ni Daddy si Sapphire sa pool.

"His gone, your turn now" sabi ni Ate sa akin.

Tumango ako sa kanya sabay kuha ng black jacket ko sa kama, bago pa ako lumabas ng kwarto tinapik ko muna ang balikat ni Ate para sa gagawin niya mamaya.

"Don't worry ako na ang bahala sa kanya" sabi nito sa akin.

Lumabas na ako ng kwarto at mabilis na nagtungo sa back door kung saan nakalagay ang sasakyan na gagamitin ko. Nandoon din si Mom para magsilbing look out.

"Everything is ready, just hurry Biboy para hindi ka mahuli" sabi ni Mom bago niya ako yakapin.

Were happy to have her in our life. Hindi man namin siya kadugo siya naman ang tumayong pangalawang Nanay sa amin ni Ate, kasama namin siya mula nung umpisa at alam kong pati sa wakas makakasama namin siya.

Sumakay na ako sa sasakyan at pinaandar ito. Binuksan naman ni Mom ang gate ng back door na kami lang ang nakakaalam. Ginagamit namin to ni Ate sa tuwing tumatakas kami.

Pinaandar kona ang sasakyan at mabilis na nagdrive. This is it, kailangan ng magkaroon ng closure para sa aming dalawa.

Habang nagdadrive kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Tobby, yes tama kayo ang nabasa si Tobby nga. Basta ipapaliwanag ko din yan sa inyo next time.

Living with 7 jerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon