Chapter 4: DJ's Struggle

57 7 0
                                    

Emmalyn's POV

"Kain na tayo" pangyaya sakin ni Judelyn. Katatapos lang ng face off kanina. Confession day pala mamayang hapon. Pumunta na kami sa cafeteria.

"Confession Day pala ngayon noh..." sabi ni Judelyn.

"Oo..."

"Nagpadala ka din ba ng confession mo?" tanong niya sakin.

Ang confession day kasi, magbibigay kami mg confessions namin. Yun bang mga hinanakit, kasiyahan, lahat lahat. Tapos i se send namin yun kay Admin Ella dahil nga siya yung Admin na responsible dun. Tapos yun mga confessions namin, ipapahula niya. Example, nag send ako ng confession ko,tapos huhulaan ng lahat kung saang section galing yun, tulad nga nung akin, galing akong section ng Casanova. Padamihan ng tamang sagot toh. Ang may pinakamadaming tamang sagot ang siyang panalo. Pero ako, wala akong pakealam kung ano man ang meron dun. Basta nilabas ko lang nararamdaman ko.

"Oo, nagpadala ako ng confession ko. Ikaw?" tanong ko

"Oo naman" sabi niya. Bigla akong napasimangot. "Oh? Anyare sayo? Okay ka lang?" tanong niya

"Oo, ayos lang ako"

"Huy, tingin ka nga sakin, tell me, dahil nanaman toh dun sa lalakeng kinu kwento mo sakin noh" sabi niya

"H-Huh? Ano bang sinasabi mo?" tanong ko

"Naku, ikaw talaga Emmang, ako pa ang niloko mo, kilala kita Emma. Alam ko kung may problema ka ba o wala. At alam ko din kung connected yan dun sa lalakeng sinasabi mo, dun sa Eduardo Buenaventura..."

"Judelyn... Please, wag muna nating pag usapan yan ngayon. Balik na tayo dun" sabi ko.

Bumalik na kami sa classroom. Naalala ko nanaman siya

*Flashback*

Hays! Ayoko na talaga! Ginagamit lang naman akong kasangkapan ng dad ko eh.

Naglayas ako ng bahay dahil gusto akong ipakasal ng dad ko sa diko kakilala. Ayoko talaga eh! Kainis! Kainis! Kainis!

Diko alam kung saan ako pupunta. Bahala yan kung san ako dadalhin ng aking mga paa.

Basang basa na ako. Bakit kasi umulan pa. Kainis talaga. Paano na ako nito.

Umupo muna ako ng panandalian.

Bakit pa ba kasi ako naglayas? Hays... Ayoko din namang umuwi dahil ayokong ikasal sa taong diko kilala.

Nahihilo na ako.

"Ms... Ayos ka lang ba?" tanong ng isang lalake. Dahil nahihilo na ako hindi ko siya makita ng malinaw.

"A-Ahmm... Hindi eh" sagot ko.

"Halika, sumama ka sa akin"

"Sandali... Hindi kita kilala, bakit ako sasama sayo?" sabi ko.

"Wag kang mag alala, mapagkakatiwalaan ako" sabi niya. Hindi na ako nangamba at sumama na ako sakanya.

Pinapasok niya ako sa maliit na bahay. Malamang bahay niya yun.

"Dito ka Ms..." sabi niya.

Pinahiga niya ako sa sofa.

"Wag kang mag alala, wala akong gagawing masama sayo DJ Emma" sabi niya. "Eto, magpalit ka muna ng damit mo" sabi niya habang inaabot ang mga damit.

Nagpalit muna ako ng damit. Bumalik ako dun sa sofa.

Kumuha siya ng tuwalya at pinunasan ako.

__

Nagising nalang ako sa sofa na yun. Nakita ko siyang may dala dalang pagkain.

"Gising ka na pala DJ Emma" sabi niya

"Teka... Paano mo nalaman ang pangalan ko? Sino ka ba? Bakit mo ako tinutulungan"

"Ahm, kung di mo kasi naitatanong, scholar ako sa school a pinapasukan mo noon. Oo, we're on the same school back on high school. And if I'm not mistaken, ikaw yung DJ dun. I love hearing your news... Nga pala, diba mayaman ka? What happened?"

"Ahm, kasi... Yung parents ko, pinapakasal nila ako sa taong di ko gusto. Kaya ayun, naglayas ako"

"Wow, ibang klase ka din ah. Parang sa mga pilikula lang."

"Kaya nga eh, nakakainis. Nga pala, salamat sa pag accommodate sakin. Aalis na din ako..." sabi ko

"No... Wait lang, don't go... I mean, you can stay here while finding a place for you to stay. Feel at home"

"Oh... Ahm, salamat... Sino ka nga ba?"

"Eduardo Buenaventura, you can call me Ed for short..."

"Oh... Nice meeting you Ed... Salamat"

*End of Flashback*

Starting that day, naging magkibigan na kami. I really miss him. College na din siya tulad ko...

"Ghurl! Kanina ka pa talaga, sure ka bang okay ka lang" sabi ni Judelyn

"Oo, ayos lang talaga ako"

"Sure ka ha..."

Judelyn's POV

Kahit pa itago ni Emma toh, halata sakanya na namromroblema siya... Naku talaga tong babaeng toh.

"Good afternoon WPVU. So the winner of Face Off for today is Royalties section. Congrats! Pwede kayong gumala sa buong town ngayon, enjoy" sabi ni Admin Anna. Hays.

Di na ako nagulat, talagang magaganda at ma awra ang mga Maharlika.

Mag start na din yung confession Day.

"Good afternoon WPVU, it's Admin Ella, let's start the confession day. I'll send you the confessions and you can start guessing." sabi ni Admin Ella.

Pinakita na sa amin yung mga confession at nagsimula na kaming manghula kung saang section nanggaling yung mga confessions na yun. Ang dra drama ng mga toh...

Tapos na yung confession day.

"Good luck, I will say the results tomorrow... You can go back to your shelters" sabi ni Admin Ella.

Nakauwi na kami. Diretso naman ako agad sa Studio ko or yung kwarto ko. Yung kwarto ko kasi, parang studio na yun.

Na miss ko si mom. Umupo ako sa recording station ko at kumanta. Eto yung kinakanta ni mom sakin noon pag natatakot ako. Miss na miss ko na siya

"You are my sunshine
My only sunshine
You make me happy
When my days are gray
You'll never know dear
How much I love you
Please don't take my sunshine away"

I miss you mom...

Emmalyn's POV

Narinig ko yung kanta ni Judelyn. She really misses her mom. Lagi niyang na kwe kwento na supportive ang mom niya sakanya. Buti pa siya, eh ako, pinipilit ako lag, mayaman nga kami, pero di naman kami masaya.

Pumunta ako sa studio ko.

"Good Evening Eomma! It's me DJ Emma. Tuloy ang programa ng DJ niyo ngayon. So for today, maganda siguro kung makikinig tayo ng songs... Our song for today is..."You are my sunshine" by: Ms. Moira Dela Torre" sabi ko. Automatic na broadcast na yan sa buong mansion.

Pinlay ko na yung song.

Para sayo toh Judelyn, I hope you like it... Sana mapangiti ka ng kantang toh...

Sa gitna ng paghihirap at tuwa natin sa app na toh. Mga ngiti mo ang kasiyahan ko...

So please... Stop crying.

Game DefiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon