Ang aga aga kong nagising dahil halos hindi ako makatulog. Paano ba naman ako makakatulog eh iniisip ko kung paano ako makakauwi. Yun nga lang wala akong choice kundi mag stay. Hays.
Binasa ko yung binigay ni ate Jean kahapon na papel.
Rules:
-Bawal magising ng late
-Wear your proper uniform
-You can't go to other sections
-Give respect to the Admins, Trainee Admins, Leaders, and Assistant leaders.
-Never Defy the rules.Hays. Grabe naman. Naalala ko nanaman yung ginawa mo kaya ako nakulong sa lugar na toh. Sa lugar na diko alam. Hays! Nakabihis na ako nung uniform. Ewan ko kung uniform ba toh dahil ang ganda. Parang uniform lang sa Korea.
Schedules and Admins who will handle it:
Monday
-Face off #Anna
-Confession day #Ella
Tuesday
-Dare Day #Micah
Wednesday
-Game Day #Nikkimmy
Thursday
-Free day
Friday
-Wattpad Game Day #Karis
Saturday
-Selfie Day #Masheil
-Hugot Day #Decerie
Sunday
-Dugtungan #Khent / Debate #Aira
-War Day #Creator. GTakte naman. Paano ko maisasaulo lahat ng toh? Kainis talaga. Kaso wala akong choice ayoko namang ma delete. Kainis.
Kumuha ako ng quail, ink, at paper para i list down yung names ng mga ka members ko.
Girls: Jean, Annie, Cricel, Kristine, Mhara, Cath, Gleziel, Dianne, Ms. Rhona, Ms. Avril.
Boys:Angelo, Edz, Karl, Lourence, Atty. Kit.Ayan,para di ako malito skanila. Tsaka para maaalala ko mga pangalan nila.
Lumabas na ako ng kwarto ko. Sabay sa paglabas ko ay ang paglabas nung nasa tapat ng kwarto ko.
"Hi Ghav" sabi niya.
"Hello... Ate Annie? Tama ba?" tanong ko
"Ahh oo, wag mo na akong tawaging ate. Annie nalang, so, ano, tara?" sabi niya.
"Sige" bumaba na kami. Pagbaba namin. Dumeretso agad kami sa labas ng gate. Gulat na gulat ako dahil first time ko lang makakita ng lumilipad na kotseng walang gulong. Grabe, ibang klase toh...
Sumakay na kami dun. Kumpleto na kami kaya umandar na yun.
Napa tingin ako sa bintana at meron ding mga tao dun. Yun nga lang, pure white ang mga damit nila. Bakit kaya.
"Siguro nagtataka noh. Mga program sila. It means, nung ginawa ang app, anjan na sila" sabi Annie.
"Ganun pala..." sabi ko.
Oo nga naman, bakit diko napansin. May logo sa likod ng damit nila na 'WPV program' Takte ibang klase talaga. Bumaba na kami sa university.
Putek. Ang ganda naman dito.
Sa left malaking building. 'Player's School Building' sabi dun sa harap nun. Sa gitna naman malaking building din. Mas malaki dun sa nasa nasa left. 'Admins Building'. Sa Kanan naman gymnasium. Ibang klase talaga.
Dun kami pumunta sa left building. Kailangan kong magingat. One wrong move, pwede akong ma delete.
Pumasok kami sa building na yun at ang ganda. Mapapansin mo naman kung sino ang ka sections mo dahil may mga name tags. Sa Royals Color Violet, sa Gangs yellow, sa nerds light blue, at saamin blue.
Pumunta kami sa classroom namin. Two floors lang yung building pero malawak. Yung apat na section magkakatabi ang clasroom, sakop nun yung isnag buong hallway. Sa bandang kanan naman ay yung Library at computer room. Sa kaliwa naman yung cafeteria at Laboratory. Cool.
Si Annie ang kasama ko. Pumunta na kami sa classroom.
Pagpasok namin. Umupo agad ako. Katabi ko si Annie.
"Ghav, may tanong ako... Medyo nakakailang ba ako dahil dikit ako ng dikit sayo?" tanong niya
"Huh, hindi ah. Actually, it's okay nga dahil may nagigung kaibigan ako eh" sabi ko.
"You mean... We're friends now?"
"Oo, pwede ba?"
"Of course! Why not" sabi niya. Na siyang ikinatuwa ko.
"Nga pala, bakit itong University ang pinaka highlight sa buong app?" tanong ko
"Dahil itong university ang center ng buong App" sagot niya.
Maya maya. May nag pop na mukha sa malaking screen sa harap.
"Good morning WPVU. It's me Admin Anna. Today is face off. Choose your representative. I need two girls, two boys, and leader/assistant leader." sabi ni Admin Anna
Nagtanong ako kay Annie kung ano yun.
"Ahm,Annie, ano yung face off?" tanong ko
"Ahh... Ahm, kumbaga kukuha sila ng representatives sa different sections. Pero naka depende yun kung sino kukunin nila. Kasi may theme na sinusunod. Example: Theme is Fashion. Mag se send sina Diane at Kristine ng pictures nila habang naka fashion"
"Bakit sila?" tanong ko
"Tulad ng sabi ko, ang kukuning representatives ay naka depende sa theme. Dapat babagay sayo yun. After that, yung picture na i se send mo, ipapantay nila sa ibang sections tas mag bo vote lahat. Ang may pinaka madaming vote ang siyang panalo"
"Ano namang makukuha pag nanalo ka?" tanong ko
"May chance na maka gala ang buong section mo, tsaka isa pa, it doesn't matter naman kung manalo ka o hindi. Ang mahalaga makapag participate ka, ayaw mo namang ma delete diba?" sabi niya. Tumango lang ako.
"For today's theme: cute face. Ang gagawa nito ay dalawang lalake at dalawang babaeng bunso. Sa leader naman at assistant leader, kung sino ang mas bata sainyo, siya ang mag se send" sabi ni Admin Anna.
Lahat sila napatingin sakin. Aish! Oo nga, ako bunso dito. Kami ni Annie, dahil kaka 18 lang niya. Naku! Patay.
"Ghav and Annie, kayo sa girls. Karl and Lourence, kayo sa boys. Ikaw na sa lead Ms. Rhona" sabi ni Ms. Avril. "Mag take na kayo ng cute pictures" sabi ni Ms. Avril.
May Camera na inabot sa amin si Ms. Avril.
"Ahm, Annie, ako na ang mag ta take ng picture mo" sabi ko.
"Sige" sabi niya. Pinicturan ko siya. Grabe, first pic lang toh pero ang cute cute niya. "Okay na yan. Ikaw naman" sabi niya.
"Okay" nag smile nalang ako dahil hindi ko alam magpa cute. Kinuhanan niya na ako.
"Ang cute cute mo naman Ghav. Enough na toh. Ms. Avril! Eto na po yung sa amin ni Ghav" sabi ni Annie habang inaabot yung camera kay Ms. Avril.
Teka, hindi ko pa nga nakita yung picture ko eh.
Sinend na ni Ms. Avril yung pics.
"You can start voting now" sabi ni Admin Anna.
May screen na nag pop sa desk namin. Nakita ko na yung mukha ko. Hays. Ayan na ba yung pinicture sakin ni Annie. Di talaga ako cute eh. Ang ganda naman nitong babae. Nag vote na ako dun sa poll. Binoto ko lahat ng ka group ko. Siyempre self support din. Nawala na yung screen.
"Ghurl! For sure panalo ka" sabi ni Annie.
Nambola pa toh...
"I'll say the results after lunch" sabi ni Admin Anna.
Paumunta na kami sa cafeteria. Na realize ko lang na kahit anong ganda nitong lugar na toh, parang wala lang din, kasi hindi naman ako nagiging masaya. Lalo na't wala ang kuya ko... I really miss him...
Gusto ko nang umuwi
BINABASA MO ANG
Game Defied
FantasyThis is a story of a girl who's stuck in a fictional world. Dream come true siguro para sayo. Pero hindi pra sakanya. Una sa lahat, hindi siya mahilig sa gadgets kahit pa madaming gadgets ang binibili for her. At mas mahilig siya sa books. Hindi nam...