Chapter 37: Malware

19 5 0
                                    

Ghav's POV

So strange... Bakit bigla nalang akong tatanungin ni attorney about dun sa Xavion na yun?

Tas paano niya nalaman ang name ni Xavion? Paano niya nakilala si Xavion? So strange

Ano man yun... May kutob akong hindi maganda... Kelangan kong balaan si Xavion... Ewan ko pero may kung ano sa isip ko ang nagsasabing puntahan ko si Xavion ngayon.

Dali dali akong lumabas ng gate para puntahan siya sa abandoned building.

Kinkabahan talaga ako sa hindi malamang dahillan.

Finally, andito na ako sa building na toh.

"Xavion!" sigaw ko. Walang sumagot.

"Hoy Baliw na Program! Ako toh! Si Ghav toh!" sigaw ko.

Dali dali naman siyang bumaba

"Ghav? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Wala wala... Pasok tayo sa loob" sabi ko.

"Huh? Why?" tanong nito

"Wala nang tanong tanong just let me in" dali dali akong pumasok sa loob ng building.

Ewan ko pero kinamabahan ako.

"Hoy baliw na babae, ano bang problema mo?" tanong niya

"Ganto kasi yan... Attorney Kit is acting so strange lately... Kanina lang tinanong niya ako kung asan at sino ka... Kilala ka ba niya? Hindi naman diba? Amg weird lang..."

"Yun lang?" tanong niya

"Anong yun lang? Di ba mukhang weird yun? Aish! Pasalamat ka nga binabalaan kita..."

"Binabalaan? Ano bang nangyayare?"

"Diko din alam..."

Kanina pa ako kinakbahan ng walang rason. Bakit ko nagkakaganito?

"GHAV!" that voice. Oh no!

"A-Attorney?" tanong ko

"Malamang ikaw si Xavion" sabi niya kay Xavion... Biglang lumala yung kabang nararamdaman ko... I can't explain what's happening to me

"Ahm... Yes" sagot ni Xavion.

Biglang humarap sakin si Attorney.

"Ghav... Pasensiya na sa gagawin ko" sabi niya.

"P-po? Ano p---"

Nakaramdam ako ng pagtusok sa kanang braso ko. Pakiramdam kong isang needle yun... And... It's making me tired...

Kit's POV

I'm sorry sa ginawa ko Ghav... Pero kelangan kong gawin yun

"Ghav!" sigaw nung Xavion.. "Anong ginawa mo sakanya?" tanong niya sakin.

Bago pa siya makalapit, I shrunk him using the test tube... May ganung test tube din ako. Sana tama toh, sana siya na nga yung virus.

But how about Ghav? Pag nagising siya baka kung anong gawin niya.

Gosh Kit! You're making yourself crazy! Mukha kang nangkidnap.

Saktong nakita ko si Epril sa labas.

"Epril!" sigaw ko. Tumingin siya sakin.

"Demarco?" lumapit siya. "Bakit nasa labas ka? Di ba dapat andun ka sa mansyon? Sinong nag aalaga sa mga yun ngayon?" tanong niya

"It doesn't matter... Samahan mo ako sa head quarters"

"Sa head quarters? Anong gagawin mo dun? Tas teka... Si Ghav ba yung nakahilata dun?" tanong niya.

"Eh... Kase"

"Demarco! Ano nanaman ba'ng ginawa mo? Bakit nakahilata si bunso?!" sigaw niya

"Pinatulog ko siya. Ginamitan ko nung pampatulog"

"At bakit?"

"Dahil nahanap ko na yung malware. At importanteng tao- I mean program sakanya nun... Ayoko na baka ipagkalat niya yung about dito"

"Demarco you're being careless again! Are you insane? Mas maigi nang may maka alam nito kesa sa may mapahamak. Tsaka bakit kelangan mong gawin toh?! Gosh Demarco!"

"I have to do this... Please help me"

"Help? Anong klaseng help ang hinihingi mo?"

"Please Avril... Alam kong mali mga ginawa ko... But I swear huli na yun... Basta tulungan mo ako dito"

"Psh! Ewan ko! Pero sige! Huli na toh Demarco, isa pang may gawin ka kahit kanino, matitikman mo kamao ko"

Xavion's POV

Loading System...

Asaan ako? I felt weak. And para akong nag gli-glitch...

And Ghav... Where's Ghav...

Para akong nasa.. Tama! Nasa head quarters ako... Dito ako ginawa...

Anong ginagawa ko dito?

Unti unting luminaw ang paningin ko,naka gapos ako sa isang upuan hindi ako maka galaw... at may mga taong nakapalibot sakin.

Authenticating...

Some of them are the Admins...

Some of them are trainee admins...

Some of them are leader of group or section...

Only one is different...

Teka... Sino naman?

That guy...

Siya yung nag inject ng kung ano kay Ghav kanina...

Malamang siya nagdala sakin dito.

"Anong ginagawa ko dito?" tanong ko.

"Program 1147, isang unknown type ng program... Hindi siya ginawa ng creator or ng mga admins... At.. Isa din siyang malicious software" sabi ng isnag babae.

"Ako? Isang Malware?" tanong ko.

Tumango lang yung babaeng nagsalita.

"Wait... Hindi siya ginawa ng creator, o ng admin... If ganun... Sino ang gumawa sakanya?" tanong ng isang lalake

"Unknown..." sagot nung babae kanina

"Teka... Anong gagawin niyo sakin?" tanong ko.

"Program... Sabihin mo sakin... Sino ang gumawa sayo?" tanong ng isang babae. Siya yung creator nitong app.

"H-Hindi ko alam... Wala akong alam... Bakit ako nandidito? Anong kailangan niyo sakin?" tanong ko

"Sabihin mo papano ka ginawa? Anong gawain mo dito sa app? Sino ang nagpadala sayo? Paano ma aayos ang app?"

Nag lo log ang system ko

Loading System...

Loading system...

Loading System...

"Hindi ko alam... Wala akong alam"

Tumingin ako sa kanan...

S-Si Ghav! Nakahiga at walang malay

"Si Ghav!!!" sigaw ko.

"Oo, s-siya nga..." sabi nung lalakeng tinatawag ni Ghav na Attorney. "Sabihin mo muna ang sadya mo sa app na ito, sabihin mo muna kung papano maayos ang app... At palalapitin ka namin sakanya" dagdag nito

"Hindi ko alam! Wala akong alam! Di ko alam kung sino at ano ako! O ano man ang sadya ko dito. Di ko alam!" sigaw ko

"If so... Di mo malalapitan ang kaibigan mo..." dagdag nung lalake.

"Ghav! Ghav!" pagsisigaw ko... Ngunit hindi siya gumigising.

Anong gagawin ko Ghavriella...

Hindi ko kakayanin pag may mangyareng masaya sayo...

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko...

Game DefiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon