Chapter 36: Virus

18 4 0
                                    

Kit's POV

Kahit papano ay nabawasan na din yung guiltiness ko dahil sa wakas, naka hingi na ako ng paunmanhin dun sa dalawa. Hay...

Pero hindi mawala sa isip ko yung kasama ni Ghav nung araw na yun. Anong uri ng nilalang yun? He seems to be a program... But, parang naiintindihan niya ako. At parang hindi siya program kung kumilos. Anong uri ng program yun.

Hay...

Ano bang pwede kong gawin dito?

Makalabas nga.

Lumabas ako at hinayaan ang paa kong lumakad. De bale na kung saan mapunta, ang mahalaga makagala. Habang naglalakad naman ako ay nakasalubong ko si Ms. Rhona.

"Ms. Rhona? Anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka sa head quarters?" tanong ko.

"Atty. Kit, ikaw pala... Ahm..." napansin ko din na may dala dala siyang test tube at naka vest din

"Para saan yang test tube tsaka bakit ma naka vest?" tanong ko.

"Ahm.." di siya makasagot.

"Demarco!" sigaw ni Epril mula sa malayo.

"Ms. Avril..." sabi ni Ms. Rhona

"Ms. Rhona, sige na... Ako na ang kakausap dito kay Demarco" sabi ni Epril. Umalis nasi Ms. Rhona.

"Epril, anong nangyayare dito? Bakit kayo nakaganyan?" tanong ko.

"Dahil nalaman na namin na nasa paligid lang yung virus" sagot niya

"Huh? Paano? Wala siyang specific place ganun?" tanong ko.

"Oo, gumagalaw siya... At pagala gala siya sa app." sagot niya

"So may possibility na isa itong tao?" tanong ko.

"I don't know... Maybe... Pero posible yang sinasabi mo... Oh siya, bumalik ka na ng mansyon, itutuloy na namin toh..." sabi niya.

"Sige... " sabi ko

"Sige... " sabi niya. Tumalikod na siya.

"Epril, wait..."

"Yes?" tanong niya.

Hinila ko siya at niyakap.

"D-Demarco..."

"Promise me... Mag iingat ka ha..." sabi ko.

"I will, ikaw din..." sabi niya. Kumalas na siya pagkakayakap tsaka umalis.

Ewan ko lng pero, bigang bumilis ang pagtibok ng puso ko. That hug leaves me a remarkable smile.

Hay... Sana maayos na tong app... Sana nga mag ingat din tong Epril na toh. Dahil di ko alam gagawin ko pag napahamak siya.

Naglakad na ako papabalik dun sa mansyon. Napaisip ako dun sa sinabi ni Epril. Gumagalaw yung Virus. It means may posibilidad na tao nga yung virus, malamang hindi tao, kundi program. Pero anong program? Lahat naman ng program dito nag fu function ng maayos.

Pumasok na ako sa gate ng mansyon nang marinig ko sina Annie at Ghav na nag uusap.

"Oh my! Buti kayo nung Xavion mo huhu. Naiingit ako" sabi nk Annie kay Ghav.

"Baliw ka... Kaibigan ko lang si Xavion noh... Ikaw talaga Annie" sagot ni Ghav.

Bigla akong Napaisip, yung Xavion na yun yung program na kasama ni Ghav nung minsan.

*Flashback*

"Sige naman na Xavion..." I know that voice.

"Okay... Just don't tell anyone about it... That place is the he-..." si Ghav nga. At may kasama siya... Whoever that is, mukhang may sinasabi siya kay Ghav... I have to stop him.

"Ghav!" sigaw ko

*End of Flashback*

Tama... That program... Ghav called him Xavion. Siya malamang yung pinag uusapan nila.

And that program was the weirdest program I've ever seen.

Naalala ko yung sinabi ni Epril na maaaring program yung Virus. Hindi kaya siya yun?

Lumapit ako sakanila.

"Attorney..." sabi ni Annie.

"Hello... Anong pinag uusapan niyo?" tanong ko

"Wala naman po" sagot ni Ghav

"Wala nga ba or Xavion..." sabi ko. Aish, what the hell did I just said.

"Xavion? How did you knew that name?" tanong ni Ghav.

"Ahm... Annie, pwede bang maiwan mo muna kami ni Ghav?" tanong ko

"Sure po" sagot niya.

Umalis na siya at tumabi naman ako kay Ghav

"Ahm, Ghav... Diretsahin na kita ija, who's that Xavion?" tanong ko.

"Ahm... He's my friend... Teka po, bakit po ba kayo curious about sakanya? Do you know him?" tanong niya

"Ahm... Wala naman... He's a program, right?"

"Opo..."

"What kind of program?"

"Di ko din po alam... Wala po kasi siyang specific na ginagawa... And he's talking to me like a player..." sabi niya. I knew it... He's not normal. Baka siya yung virus.

"Okay... Sabi na nga ba! He's weird... Salamat..." tumayo na ako

"Sandale po!" sigaw niya humarap ako sakanya. "Bakit na curious ka po about sakanya?" tanong niya.

"Wala..."

"Attorney... Ano man pong dahilan niyo...  Nakikiusap po ako... Don't hurt him..." sabi niya.

Tumango lang ako.

I have to find that program. Pero saan? Saan ko hahanapin yun. Malamang yun nga yung Virus sa App na toh,sabi ni Ms. Rhona gumagalaw daw yun ehh... So malamang sa malamang, may posibilidad na isang program hung hinahanao nila. At may posibilidad din na yung program na yun ang hinahanap nila. Sana nga di ako nagkakamali ng hinala. Hays.

Nakatayo lang ako dito sa gate. Kelangan kong matulungan sina Epril. Kahit man lang sana sa pagtulong sakanilang mahanap yung virus na yun. Saan ako pupunta? Saan ko hahanapin yun?

Bigla nalang dumaan si Ghav at lumabas ng gate. Saan pupunta tong batang toh? Malamang pupunta toh dun sa Xavion na piang uusapan nila. Great! Kelangan ko silang sundan.

Nagsimula na akong maglakad at palihim ma sinundan si bunso.

Sana nga tama ako ng hinala. Sana tama ako sa part na yung program na yun ang problem ng app na toh

Hindj siya basta bastang program lang. There's something weird about him and I have to find out what it was.

Sana tama hinala ko. Ayoko nang maging careless uli. Hays. Para toh sa mga players. Dapat maging maayis na lahat.

Game DefiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon