Ghav's POV
Hanggang ngayon talaga malaking question mark sakin kung nasaan yung mga leaders dito.
Pero kahit sino namang tanungin ko dito about sa mga leaders waalang sumasagot...
What if ako nalang kayang mag isa ang mag hanap sakanila. Pero saan ko naman sila hahanapin?
Hay! Di bale na. Basta lalabas ako at hahanapin ko sila para naman ma satisfy na tong utak ko.
Bumaba na ako at pumunta sa gate nang makasalubong ako ni kuya Angelo.
"Oh! Bunso! San ka pupunta?" tanong niya.
"Ahm... Wala... Kuya alam mo ba kung asaan sina Ms. Avril at Ms. Rhona?" tanong ko.
"Hindi eh... Bakit?"
"Ahm, wala po... Sige po mauna muna ako" sabi ko.
"Oh siya..." sabi niya.
Lumabas na agad ako. Asaan na kaya silang dalawa, I have to find them para ma relax na utak ko...
Kit's POV
Hay. Kumusta na kaya yung pag aayos nila sa app? Maayos na kaya? Obviously hindi... Dahil kung oo, edi sana wala na ako dito ngayon.
Hay! Bakit kasi tong Epril na toh, hindi manlang ako payagang sumama sa pag aayos. Hay!
"Attorney..." napatingin ako kay Angelo.
"Oh, Gelong... Bakit?" tanong ko
"Napaisip lang din ako... Asan sina Ms. Avril at Ms. Rhona?" tanong niya.
"Huh? Ano bang sinasabi mo?" tanong ko
"Hindi ko sila napansin dito sa mansyon... Asaan sila..."
"I don't know... Baka naman kasi may important na ginagawa. Tsaka teka nga, bakit mo naisip yang bagay na yan?" tanong ko.
"Dahil sa sinabi ni Ghav. She's right, wala sina Ms. Avril at Ms. Rhona, hindi kaya may nangyari na sakanila?" tanong niya.
"Si Ghav?" Napaisip ako... Yung batang yun, matagal na din niyang iniisip yung bagay na yun... "Teka... Asan siya?" tanong ko.
"Why?"
"Basta sagutin mo ako... Asan si Bunso?" tanong ko
"Lumabas siya kanina... Sabi niya may pupuntahan lang siya" putek! Di ito pwede, baka hanapin niya sina Epril... Sabi ni Epril wag kong sabihin kahit kanino. Hutek! Baka nagtataka na yung batang yun. I have ti stop her.
"Gelong... Dito ka muna... May gagawin lang ako" sabi ko.
"Woah! Wait! So tama nga ako ng hinala... May kung anong nangyayari dito?" tanong niya.
"W-Wala... Wag ka nalang mag tanong, bantayan mo lahat ng members natin Gelong" sabi ko tsaka ako lumabas.
I need to find Ghav as soon as possible... Baka may malaman pa siya, delikado na...
Ghav's POV
Hay... Saan ko ba sila unang hahanapin? Ang galing ko din naman kase eh, maghahanap tas di alam kung saan maghahanap. Hay jusko self!
"Huy Ghavriella..." si Xavion yun ah.
"Oh Xavion... Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Wala... Palakad lakad lang ako... Ikaw? Bakit andito ka?" tanong niya.
"Wala, may hinahanap lang ako"
"Talaga? Ano yun?" tanong niya.
"Yung mga Leaders namin. Alam kong di gaanong kalaking deal yun. Pero kasi hindi mapanatag yung utak ko." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Game Defied
FantasyThis is a story of a girl who's stuck in a fictional world. Dream come true siguro para sayo. Pero hindi pra sakanya. Una sa lahat, hindi siya mahilig sa gadgets kahit pa madaming gadgets ang binibili for her. At mas mahilig siya sa books. Hindi nam...