Chapter 7: Genius' Reminiscence

53 5 0
                                    

Cricel's POV

"Good day! Admin Nikkimmy here. Today is game day. Be prepared everyone dahil connected na toh sa Puzzles... Good luck" sabi ni Admin Nikkimmy.

"Ayos yung Bilog, ma e exercise nanaman utak natin" sabi ni Gleziel sakin. Ang tawag niya sakin minsan Bilog dahil bukod sa matalik ko siyang kaibigan, yung talaga palayaw ko.

"Kaya nga Z... Ayos toh" sabi ko. Z naman ang tawag ko sakanya minsan.

"Ang game day nagin ngayon ay Puzzle. Tatlong puzzle lang ang bubuin niyo. Good luck"

Tatlo lang? Boring naman.

Sinend na yung worksheets.

Explain your answers
1) Part of your body:H H H _ H
Ans:
2) Guess the letter. Clue:Science Periodic Table 39. Math Cartesian Coordinate Plane ordinate.
Ans:
3) East Asia: J, __, NK, C
Ans:

Woah... Napaka basic naman ng mga toh.

1) P... It's part of your fingers, Hinalalaki, hintuturo, hinlalato, (palasinsingan), hinliliit
2) Y... Number 39 in periodic table is Yttrium, and in Cartesian Coordinate Plane, ordinate is known as Y-axis.
3) SK... The countries in East Asia, which are; Japan, (South Korea), North Korea, China

Yun! Basic lang naman eh. Pinasa ko na yung worksheets ko. Sabay pa kami ni Gleziel na nagpasa.

Pagpasa namin, nagpasa na din agad ni Ghav. Balita ko din na mahilig siya sa Puzzles, good for her...

After that, nagpasa na din ang lahat. Ayos din. Madali dali naman tong pinasagutan nila. Just a piece of cake

"Good luck guys. You can go back to your shelter..." sabi ni Admin Nikkimmy.

Halos lahat ng mga ka members namin na stress...

Pagbalik namin sa mansyon, dumeretso agad ako sa kwarto kong bilog. Oo, bilog nga talaga, yung shape ng kama, shape ng sofa, shape ng upuan, shape ng cabinet. Lahat talaga dito bilog. Kahit yung shape mismo ng kwarto bilog na bilog.

Sa totoo lang, matuturing kong tahanan tong App. Mas ma co consider ko toh na bahay ko. Sabi kasi sakin ni Z, nung pumasok ako dito sa app, wala daw akong maalala, which is true. Wala akong naaalala sa kung ano bang nangyari sa akin noon sa real world. Kahit pa daw pangalan ko diko maalala.

Ang meron lang ako ay itong bracelet na toh. Sabi ni Z, nung pumasok daw ako, eto lang meron sakin. May nakasulat pa nga dun eh C•L.

"Bilog! Si Z ito, pasok ako ha" sabi niya mula sa labas.

"Ahh sige! Tara" sabi ko

Pumasok siya. "Oh, ano yang mukhang yan, di maipinta"

"Wala..."

"Hay... Bilog, iniisip mo nanaman ba yung nakaraan mo? Alam mo, wala namang masama kung gusto mong maka alala, kaso wag mo namang ipilit" sabi niya.

"Eh..."

"Shh... Alam mo, feeling ko na amnesia ka sa real world eh"

"Huh? Paano?"

"Kasi nga diba nung pumasok ka dito, naka hospital gown ka at wala ka halos maalala. Ni pangalan mo di mo maalala, kami kami pa nga nagpangalan sayo."

"Ewan, siguro nga... Nga pala, san niyo nakuha yung name ko?"

"Dun sa bracelet mo... Kasi diba C•L nakasulat dun, dun namin kinuha. Kaya Cricel pinangalan namin sayo. Actually ang nakaisip talaga nung si Lourence..."

"Teka, si Lourence?"

"Oo... Bakit?"

"Wala naman..."

"Oh siya... Jaan ka muna ha... Mauna na ako..."

Lumabas siya sa kwarto ko.

Balik tulala naman ako dito sa bracelet ko. Hays... How I wish maalala ko na ang nakaraan ko. Sana talaga. Hays...

Gleziel's POV

Hay... Kung gaano kagusto ni Bilog na maalala ang nakaraan niya, ganun ko kagustong mawala yung alala ko.

Ganun ko kagustong makalimutan ang nakaraan ko. Ganun ko kagustong makalimutan lahat.

Tuwing inaaalala ko kasi ang nakaraan ko, para akong sinasaksak ng kutsilyo sa dibdib ng paulit ulit.

Grabe kasi eh...

*Flashback*

Nasa airport na ako. Sa wakas! Matutupad ko na yung pangarap ko! May auntie kasi ako sa ibang bansa, and she wants me to study there since sabi niya, matalino daw ako eh.

"Oh, paano ba yan beshy! Ingat ka dun ha" sabi ng bestfriend kong si Lhea

"Oo naman..." sabi ko

"Oh siya, babe... Mag iingat ka dun ha, wag kang magpapabaya" sabi naman ni George, siya ang boyfriend ko.

"Oo babe..."

"Babe, pwedeng dun muna ako, ayokong makitang umaalis ka eh"

"Sige..." umalis siya...

"Beshy... Bantayan mo yung lalakeng yun ha" sabi ko kay Lhea.

"Sige... Para sayo... Ingat ka..."

Sumakay na ako sa airplane.

Nakarating na ako sa New York. Heto na yun, Matutupad na yung matagal kong pangarap.

*After 4 years*

Finally! Nakauwi na ako. Pag dating ko, ang boyfriend ko agad ang unang sumagi sa isip ko. Tatawagan ko sana siya kaso isu surprise ko nalang.

Dali dali akong dumeretso sa condo niya.

"Surprise Bab-"

Pero ako ang na surpresa. Ano toh, silang dalawa naghahalikan sa harap ko. Ang bestfriend ko at ang boyfriend ko.

"G-Gleziel... Nakauwi ka na?" sabi pa ni Lhea.

"Babe..." sabi nung boyfriend ko.

"Wag niyo akong lapitan! Nakakadiri kayo! Ang ba baboy niyo! Mga taksil!" Sigaw ko at umalis.

Wala akong nagawa kundi mapaluhod at humagulgul sa iyak. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, mga taksil sila! Mga ahas! Mga manloloko!

*End of Flashback*

Madalas ko yung napapanuod sa mga pilikula. Yun bang pagtataksilan yung babae, wala halos dating yung mga ganung pilikula sakin noon. Pero di ko akalain na pati saakin mangyayare yun. Nangyayare din pala yun sa totoong buhay. Ngayon na saakin na nangyare yung ganung bagay, ang sakit pala. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Ang sakit... Yung kaibigan mo inahas ahas ka.

How I wish ako nalang yung nasa kalagayan ni Cricel ngayon. I wish ako nalang yung di maalala ang memories ko. Para nang sa gayon, di na ako nasasaktan.

At sana siya nalang yung may naaalala para naman kahit papaano sumaya na din siya. Sana talaga sumaya na siya. Sana maalala na niya yung nakaraan niya.

How I wish Cricel can remember anything about her life... And also, I wish I could forget anything about my sad reminiscence...

__

A/N: this chapter is also dedicated to Ms. glzl1717.

__

Game DefiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon