Chapter 21: Stuff Toy

16 2 0
                                    

Kristine's POV

Na bored na ako dun kaya umalis na ako. Hays. Kainis naman, madyo nakaka stress din makisama sa mga maharlika.

Pumunta nalang ako sa bilihan ng bag.

Siguro nagtataka kayo kung para saan pa mga binibili namin eh parang wala naman na yun kapag bumalik kami sa real world.

Actually, lahat ng binibili namin using this card ay pwede naming madala pag bumalik na kami sa real world. Yun ay kung makakabalik pa kami.

Andito ako ngayon sa bilihan ng bag.

Ang mamahal naman, ma lo lowbat agad card ko neto.

May nakita akong Louis Vuitton na color red at may red sa gilid nun. Oh My Beauty! Ang ganda! Takte! Bakit ang ganda nito!

Tinignan ko yung price tag. 97% battery. Putek naman, ang mahal... Kainis.

Huhu, sayang ka naman... Ang ganda mo pa naman. Hays! Umalis nalang ako dun at bumaba.

Nakita ko sina Diane sa Salon. Hay. Buti pa sila nakapag salon. Kaso nga lang, ayoko din gaanong makisama sakanila.

Saan naman kaya ako pwedeng pumunta ngayon? Hayyy

Nakita ko yung bilihan ng stuff toys.

Ano namang pwede kong bilhin dito? Hays. Kainis naman.

Nagtingin tingin lang ako dun. In fairness ang cu cute ng mga stuff toys dito. Kaso ayokong bumili...

"Hey..."

"Oh My Beauty!" tinignan ko yung nagsalita. "Jusko naman Karl, kung makapang gulat ka"

"Bakit?" tanong niya.

"Bakit ka jan"

"Eh sorry. Sorry dahil nagulat ka at napa OH My Beauty ka pa HAHAHAH" tawa tawa ba toh. Bakit? May nakakatawa ba sa expression kong yun.

"Eh bakit ba, ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko.

"Tss! Assumera! Bakit kita susundan?" tanong niya

"Aba malay ko sayo! Eh bakit ka nga andito?" tanong ko

"Wala naman, nagtitingin ng stuff toys. Tas nakita kita... Teka, bakit di mo kasama si Diane? Himala yata" sabi pa niya.

"Psh! Andun kasi siya kasama ang mga royalties. Teka nga, bakit pala kita kinakausap"

"Eh nakikipag usap ka eh"

"Aish! Ewan ko sayo!"

"Tss! Sungit" bulong niya.

"Anong sinabi mo?" tanong ko

"Wala, may sinabi ba ako?"

"Oo, narinig ko"

"Narinig mo naman pala nagtanong ka pa"

"Hoy Karl Tan! Wag mo ako pinipilo pilosopo!" sigaw ko.

"Bakit? Di ba totong masungit ka?"

"Totoo naman, eh ano naman sayo ngayon kung masungit ako?"

"Wala..."

"Pala eh!" tumalikod ako.

"Wait..." sabi niya.

"Ano nanaman?" tanong ko

"Kaya mo bang makipagsabayan sa mga lalake?" tanong niya

"Huh?" tanong ko

"Hindi ka naman Bingi diba?" tanong niya.

"Oo nga narinig ko? But what do you mean?"

"Okay. Nakita kasi kita kanina na may tinititigan na bag dun sa bilihan ng bag."

"Eh di sinusundan mo nga ako, eh ano naman ngayon kung may tinitignan ako dun?"

"Let's make a deal, bibilhin ko yung bag na yun"

"Really?"

"Yup, pero... Punta tayo dun sa arcade..."

"Huh? For what?" tanong ko

"Pupunta tayo dun sa basketball arcade. Dapat maka shoot ka ng limang beses at dapat straight, pag nagawa mo yun, bibilhin ko sayo yung designer's bag na gusto mo"

"Talaga! Okay... But what If I lose?"

"If you lose? Hmm... You have to buy me this piggy stuff toy" pfft!

"What? HAHAH! Seryoso? Yan? Yan talaga?"

"Oo... Bakit? Ayaw mo ba dun sa deal"

"Okay fine... Deal!" sabi ko.

"That's good. Dun na tayo sa arcade"

Pumunta na kami dun sa arcade at dumeretso dun sa basketball. Hay. Ganun ba ako kadaling mapapayag? Pero siyempre, para yun sa designer's bag ko.

"So ano, five straight shots bibilhin ko yung gusto mong bag. But once na di mo na complete yun, bibilhin mo yung piggy stuff toy ko" sabi niya.

Natatawa ako tuwing sinasabi jiya yung "Piggy stuff toy" na word HAHA.

"Okay... Fine" sabi ko.

Kinuha ko yung bola. Inasinta ko muna tsaka ko shinoot. Putakte! Bat di nag shoot.

"WHAHAHA! pano ba yan Kristine?"

"Sandali! Try lang yun... Eto na totoo"

"Okay... Pagbigyan"

Para sa bag ko toh.

Kinuha ko uli yung bola tsaka shinoot ko... WAAAH! na shoot ko! Ayos!

"Yess!"

"Wag ka munang magsaya! Kailangan dure diretso"

Hmmp! Kaya ko toh. Kinuha ko uli yung bola at na shoot ko! Ayos, tatlo nalang.

Kinuha ko uli yung bola at shinoot ko. Yes! Na shoot uli! Dalawa nalang.

Kinuha ko uli yung bola! Na shoot ko nanaman! Yes!

Isa nalang!

"Handa mo na ang 97% ng battery ng card mo Karl Tan..." sabi ko.

Kinuha ko yung bola. Inasinta ko na at hinagis yung bola. TAKTE? bat sablay?

"WAHHAHAHAH!" ang yabang kasi "Prepare your 20% battery sa card mo. Nasa baba na yung piggy stuff toy ko"

"Aish! Okay! Fine! Pasalamay ka tumutupad ako sa usapan"

Tawa lang siya ng tawa. Bumaba na kami at pumunta dun sa bilihan ng stuff toy. Binili ko na yung stuff toy niya.

Tuwang tuwa naman siya nung mahawakan niya yun. Ang cute niya, para siyang bata. Teka, anong sinasabu ko? Di naman siya cute ah. Tss!

Lumabas na ako dun at iniwan siya kasama nung stuff toy niya. Ang yabang yabang ko kasi! Ehdi nawala pa yung designer's bag ko. Hays! Kainis!

Sumilip ako dun sa salon at wala na sina Diane. Hay! Buti jga sila nakapag relax. Eh ako, in stress lang ako nung Karl na yun!

Lumabas nalang ako nung mall. Oh my beauty! Nakakainis naman yung Karl na yun. Imbes sana nagpahinga nalang ako. Aish

Takte naman! Kainis.

"Kristine!" takte

"Ano nanaman Karl?" tanong ko

"May ibibigay ako sayo" sabi niya.

"Talaga? Bukod sa stress?"

"Tss! Eto oh... Para sayo..."

Nung tinignan ko kung ano yun...

"Woah? Takte! Seryoso ka?"

Game DefiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon