Ghav's POV
Today is Thursday so Free day ngayon since free day, pinayagan kaming lumabas, at pumasyal sa town.
Ang ganda dito at ang daming pwedeng bilhin. Oo, pwede kaming bumili pero hindi pera ang pambayad namin, kundi card. China charge lang yung card na yun. As long as may battery pa yun, pwede naming bilhin lahat ng gusto namin.
Lahat ng sections nandito sa town. Pero hindi ka na din malilito kung sino ang ka section mo. May color coding kasi yung mga damin. Yung nerds light blue, yung royalties purple, yung gangters yellow, kami namam blue.
"Ang ganda talaga dito... Kahit pa paulit ulit akong makakapunta nagagandahan talaga ko" sabi ni Annie.
"Maganda? Paano naging maganda aber? Eh... Gusto ko na ngang makauwi, ayoko nang mag stay pa dito ng matagal" sabi ko.
"Pero wala tayong choice eh..."
Hays... Tama nga siya. Wala kaming choice.
Bigla akong napaharap dun sa statue... Naalala ko kasing dun sa bandang yun ako unang napunta. Napagdesisiyonan kong pumunta dun.
"Ahm... Ne, pwedeng jan ka muna? May titignan lang ako dun" pagpapaalam ko kay Annie
"Ahh sige, wag ka lang magtatagal ha..."
"Okay..."
Tinignan ko uli yung statue. Ang ganda din nung creator. Napatingin naman ako dun sa lugar kung saan ako unang napunta nung nakapasok ako sa app.
Makakalabas din kaya ako dto?
Maya maya biglang may nagbukas na portal at may lumabas na babae. Takte! Pano nangyari yun.
"Welcome, new player" sabi nung voice.
Wait! Ibig sabihin new player siya? Teka, if new player siya tas lumabas siya sa portal na yun, ibig sabihin dun siya nanggaling.
Bigla nalang nagsara yung portal. Wala na din yung babae. Malamang naka alis na yun at pumunta kung saan.
Pwede kaya akong makabalik sa real world using that portal?
Nagbukas uli yung portal. May lumabas nanaman na tao. "Welcome, New Player" sabi uli nung voice.
Baka nga pwede akong makabalik sa real world using that portal.
Naglakad ako papalapit sa portal na yun nung hahawakan ko na sana may biglang humila sakin.
"Ms! Are you insane? Wag kang papasok sa portal na yan!" that voice... Alam ko yung boses na yun. Humarap ako sakanya.
"Ikaw?!" sabay naming sinabi.
"Teka, ikaw nanaman. Baliw na babae! Bakit ka pumapasok sa portal na yun!"
"Pake mo ba? Gusto ko nang makauwi!"
"Sa ginagawa mong yan dika na makakauwi ng buhay!" aish ano bang sinasabi ng program na toh? Gusto ko nang makauwi nakakinis naman eh
"Ano bang sinasabi mo?" naiinis kong tanong skanya.
"Look!" sabi niya sabay turo sa isnag babaeng nagtangkang pumasok sa portal. "Miss! Don't!" pa niya. Kaso huli na nung nakapasok yung babae.
"Hays. Baliw na program ka talaga! Wala namang nangyari! Malamang nakabalik na real world yun" sabi ko.
"Player Deleted" sabi nung voice. Teka... Deleted? Naalala ko, kapag sinabing delete, it means hindi lang dito, kundi sa real world din.
"Oh? Sinong baliw ngayon?" sabi niya tsaka tumalikod.
"Sandali!" sigaw ko tsaka siya tumigil. "S-Salamat..."
"Ok..." naglakad siya.
"Sandali! Xavion M.!" sigaw ko
"Anong sabi mo?"
"Oo, tama, Xavion M! Ikaw yun diba?"
"Ano bang sinasabi mo? Tsaka san mo nakuha yung mga salitang yun?"
"Nasa akin yung panyo mo" bigla siyang humarap sakin.
"Ano?"
"Takte! Kanina ka pa ano ng ano. Bingi ka ba? Sabi ko nasa akin yung panyo mo"
"Narinig ko! Ang ibig kong sabihin? Paano napa sayo yun?"
"It doesn't matter..."
"Ibalik mo sakin yun!" sigaw niya
"At bakit ko ibabalik sayo?"
"Dahil may sentimental value yun. Mas mahalaga pa yung kesa sa pagkatao mo" ABA BASTOS!
"Hoy!"
"Hoy ka din! Ibalik mo panyo ko"
"Hindi ko maibabalik sayo yun!"
"At bakit naman hindi?"
"Dahil ayaw ko"
"Ano ka magnanakaw? Hoy! Pagnanakaw yang ginagawa mo babae! Nang aangkin ka ng bagay na hindi sayo!"
"Takte! Oo na oo na! Pero..."
"Anong pero?"
"Wala sakin ngayon. Naiwan ko kasi. Tska bat ko naman dadalhin yun? Saka ko na ibabalik"
"Anong saka na? Hoy babae! Ibalik mo yun ora mismo"
"Hoy ka din baliw na program! Hindi ka ba marunong umintindi naiwan ko nga eh"
"Eh bakit mo kasi iniwan!"
"Alangan namang dalhin ko? Anong gagawin ko dun? Eh wala naman sakin yung panyo mo eh"
"Basta! Ibalik mo agad sakin yung panyo ko... Ibalik mo yun as soon as possible. Ibalik mo sakin yun pag dadaan ka sa abandoned building. Andun lang ako! Ingatan mo yun! Mas mahalaga yun sa pagkatao mo"
Tss! Baliw na program. Nakakainis!
"Okay fine!" sigaw ko. Umalis na siya.
Baliw na program talaga yun. Tsaka anong karapatan niya para sabihin na mas mahalaga pa yung panyong yun sa pagkatao ko! Napakayabang akala mo naman kung sino. Aish!
Pero ano nga bang uri ng program yun?
"Ghav! Anjan ka pala... Tara na" sabi ni ate Jean.
"Ate Jean... Ikaw pala... Sige po" sabi ko. Sumunod nalang ako sakanya. Habang naglalakad kami, bila akong nagtanong sakanya. "Ate..."
"Yes?"
"Sabi kasi sa akin ni Annie, yung mga programs daw may specific na sinasabi at ginagawa. I met this program kasi na kapag nakikipag usap siya, talang tumutugma sa sinasabi ko"
"Talaga? Sino yun?"
"I don't know eh..."
"Baka naman kasi special program siya... Malalaman mo naman kasi kung special program siya kasi nakasulat sa harap ng damit niya"
Inalala ko yung damit nung lalake. Baka plain white lang naman siya. "Eh ate, wala namang ganun sa damit niya eh"
"Ganun ba, ewan ko, baka ibang uri lang ng program. Oh ano, tara na?" tanong niya.
Sumakay nalang ako dun sa sasakyan namin.
Pagdatin na pagdating namin sa mansyon, Dumeretso agad ako sa kwarto. Hinanap ko agad yyng panyo nung lalakeng yun.
Hay... Ano bang meron dito sa puting panyong ito? Bakit sinasabi niyang mas mahal pa toh sa pagka tao ko. Sing halaga ba toh ng pagka program niya? Aish! Yung lalakeng yun nakakainis talaga
Weird Handkerchief, kasing weird nung may ari... Hays..
BINABASA MO ANG
Game Defied
FantasyThis is a story of a girl who's stuck in a fictional world. Dream come true siguro para sayo. Pero hindi pra sakanya. Una sa lahat, hindi siya mahilig sa gadgets kahit pa madaming gadgets ang binibili for her. At mas mahilig siya sa books. Hindi nam...