Chapter 34: Leader

22 4 0
                                    

Avril's POV

"Ganun ba? Sige Yoshi... I'll talk to him, sabihin mo pumunta siyang park. Salamat" in end ko na yung call.

Nakaka stress na din dito sa head quarters. Hay.

Tapos may natanggap pa akong call mula kay Yoshi na may pinagalitan ni Demarco dun sa mansyon. Hay jusko talaga yung lalakeng yun! I have to talk to him. Hay. Nakakainis talaga.

Nagpaalam ako kay Creator G at sa mga admins na kung pwedeng lumabas muna ako para kausapin yung Demarco na yun.

Kahit kailan talaga yung Demarco na yun! Nakakainis!

"Ms. Avril, san Punta mo?" tanong ni Ms. Rhona.

"Jan lang, don't worry, babalik din ako agad" sabi ko.

"Sige.. Ingat" sabi niya.

Lumabas nako at pumunta na akong park.

Asan na ba yung Demarco na yun. Nakakainis talaga.

"Epril..." andito na pala siya.

"Sit down..." sabi ko.

"Bakit mo ba ako pinatawag?" tanong niya.

"Mag usap tayo. Ano ba kasi tong balaitaan ko? Ha? Kahapon daw sinigawan mo si Angelo dahil tinatanong kung asan kami. Tapos pinagalitan mo din si Ghav dahil hinahanap kami"

"Oo..."

"Aba, talagang ang lakas pa ng loob mong um-oo ha? Ano bang nasa isip mo Demarco?"

"Ayoko lang naman mabuking eh"

"Pero nakasakit ka! Alam mo yun diba..."

"Eh anong gusto mong gawin ko ha?"

"Pwede ba Demarco... Nagtatanong lang si Angelo. Edi sana sinagot mo manlang ng maayos. Pwede mo naman sabihing 'they're busy' in a good way nang di mo siya sinisigawan. Also Ghav, pwede mo naman siyang di pagalitan habang pinapabalik sa mansyon eh. Alam mo, sa ginawa mo baka mas makahalata sila..."

"Eh..."

"Sa tingin mo anong nararamdaman nila ngayon? Ha? Si Angelo? Oo lalake siya, makakaya niya pero nasaktan siya. Eh si bunso? Babae yun tas bata pa. Myghad Demarco! Bakit di ka muna nag isip bago ka nagsalita?"

"Listen to me first... Alam ko ang pagkakamali ko Epril. Tingin mo ba nakatulog ako ng maayos sa nagawa ko. I protected your secret, kapalit nun ang pananakit ko sa damdamin ng ibang tao. I felt guilty alam mo yun? Ni hindi ko nga matignan sa mata sina Gelong at Ghav eh"

"Edi sana... Sana talaga nag isip ka muna... Anong gagawin mo ngayon Demarco? Ikaw ang leader ng Casa habang wala kami ni Ms. Rhona, please naman Demarco... Dapat alam mong makipag usap ng maayos... Tsaka hindi naman big deal yung dahilan ng pagkagalit mo..."

"I know... Naging insensitive at careless ako..."

"Demarco... You better talk to them... Talk in a way na di mo sila masasaktan. Normal lang yan, ganyan talaga... Ikaw ang leader eh, ikaw ang parent..."

"Alam ko... Kaya naman pala na s stress ka lagi dahil sa mga casa. Now I know how hard is it. Buti pala mahaba ang pansiyensiya mo at di ka magagalitin"

"Of course... Ganun naman talaga... Lahat tayo nagkakamali. Pero hindi na dapat natin inuulit hung pagkakamaling yun. So ano?" tanong ki

"I think, yun yung kailangan ko pang pag aralan" sabi niya.

"Wag mo'ng basta basta pag aralan lang. Kailangan may matutunan ka din. At gawin mong lesson yung mga bagay na natutunan mo. At-"

"At dapat isabuhay mo yun. Noted Epril" sabi niya

"I'm glad that you know that... Oh siya.. Babalik na akong head quarters... Alam mo na ang gagawin mo pag balik mo ng mansyon..."

"Sige... Mauna na ako"

"Sure... Ingat..." sabi ko tsaka ako umalis.

Hay... Ang hirap maging leader. Ikaw ang nanay ng mga members mo... Responsibility mo lagi sila, at wala kang ibang iisipin kundi ang kapakanan nila. Hay...

Bumalik na ako sa headquarters at sinalubong ako ni Ms. Rhona.

"Ms. Avril... Why does it take you so long? San ka ba galing?" tanong niya.

"Sa park. Kinausap ko si Demarco"

"Si Attorney? Anong nangyare?"

"Ayun... Sinigawan niya si Gelong at si bunso... Hay... Yung lalakeng yun"

"Siguro na s stress lang siya... Eh alam niya na ba gagawin niya?" tanong niya.

"I'm pretty sure that he knows what he'll do... Kaya niya yun..."

"I hope so..."

Sana nga talaga... Pero siyempre, may tiwala ako sakanya. I know he can do that... Siya pa ba? Kayang kaya ng isnag Kit Demarco yun.

"Back to work na tayo" sabi ni Ms. Rhona.

Tumango lang ako. Hay. Paulut ulit nalang toh. Eto lang araw araw naming ginagawa, hinahanap yung mali dito sa app. Ano ba kasing malware yun? Hay.

"GUYS! LOOK! WE FOUND SOMETHING!" sigaw ni Creator G.

Lahat kami lumapit dun.

"Look, na t-trace namin yung malware na yun at palakad lakad lang siya dito sa app" dagdag ni Creator G.

"That's good! Paano natin maayos yun?" tanong ni Admin Karis.

"Ewan... But it's either we fix it, or we break it. But for now. We need to find kung nasaan yun. Kelangan muna natin yun na madala dito sa head quarters..." dagdag ni Creator G.

"So ano pang hinihintay natin?" tanong ni Admin Khent.

Alam na namin ang ibig sabihin nun. Kailangan na naming mahanap yung malware na yun.

"Okay.. So what's the plan?" tanong ko.

"Maghihiwalay tayo. Kukunin lang natin siya. Pag nahuli niyo, ilagay niyo lang dito sa test tube na toh" sabi ni Creator G. Tsaka niya kami inabutan ng kanya kanyang test tube.

"Paano pag di magkasya?" tanong ko.

"Dont worry, kahit pa gaano kalaki yun, it will automatically shrink kapag naitapat jan sa test tube" sagot niya.

"What are we waiting for?" tanong ni Ms. Rhona

"Let's roll..."

Game DefiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon