Chapter 6: Mr. Program?

47 5 0
                                    

Hanggang anong oras pa ba ako dito? Nauumay na ako sa nakikita ko. At the same time natatakot na din ako dahil madilim dilim na dito. Biglang may screen na nag pop sa harap ko.

"Congrats! You made it! You can go back to your shelter! As a price, meron kayong dinner ng ka sections mo. Thanks for your participation" sabi ni Admin Micah.

Ibang klase din... Nalabanan ko yung fear ko... At may dinner pa kami

Wait! Nalabanan ko fear ko! Nagawa ko! Ayos! Lumabas na ako dun sa abandonadong building.

Buti pala malapit lang yung subdivision dito. Hays! Nilakad ko na papuntang subdivision. Nakarating na ako sa mansion. Buti naman, mukha na kasi akong uugod ugod na matanda dito eh.

Pagbukas ko ng pinto. Hingal na hingal ako. Lahat sila napatigil sa ginagawa nila. Kumakain sila ng pizza, carbonara, lasagna. Teka, yan ba yung prize ng dare?

"Ghav... Nakauwi ka na!" sigaw ni ate Diane

"Buti nagawa mo yung dare! May pagkain na tayo!" sabi ni Gleziel.

"Hehe, akyat po muna ako..." sabi ko.

Umakyat na ako papuntang kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit.

Bigla namang may nahulog na panyo mula dun sa hinubad kong damit. Yun yung panyo nung masungit na program.

Tinabi ko nalang yung panyo niya at bumaba na ako. Wala na sila dun. Wala na ding pagkain.

Ano ba yan, gutom na gutom na ako eh. Pumunta ako sa kusina at tinignan yung ref. Wala na din. Hay! Ano ba naman yan. Gutom na ako. Napa upo na lang ako sa dining table. Pinatong ko yung ulo ko sa lamesa. Kainis naman eh! Uhu!

"Huy"

Sino nanaman yun. Inangat ko yung ulo ko.

"Ate Jean... Ikaw pala, ano yun?" tanong ko

"Gutom ka na?" tanong niya

"Po?" tanong ko.

"Eto oh, tinabihan kita. Kain ka na"

"Eh ate, sayo na yan... Okay lang ako" sabi ko.

"No... Hindi ka okay, gutom ka na, kumain ka na" sabi niya

"Salamat po" sabi ko. Ngumiti siya at umalis.

Ewan ko lang pero ang gaan gaan ng loob ko sakanya. Hays. Kinain ko na yung spaghetti na inabot niya.

"Oh! Ghav!" sigaw ni Annie

"Oh, Ne, ikaw pala? Kumain ka na ba?" tanong ko

"Oo, tapos na ako. Kain ka lang" sabi niya. Binubuo nanaman niya yung puzzle box niya.

Niligpit ko na yung pinagkainan ko at tumabi sakanya.

Tinignan ko yung puzzle Box.

"Annie, pwedeng mahiram?" tanong ko.

"Sure..." inabot niya sakin yun. Sinubukan kong buoin.

Nagbukas yung box. Nabuo ko... Madali lang naman eh.

"Wow Ghav! Salamat!" sigaw niya

"Oop!" sigaw ko. Sinara at ginulo ko ulit. "Ayan!"

"Wait? Bat mo ginulo uli?" tanong niya

"Sorry Annie ha, pero ikaw dapat bumuo niyan eh"

"Huh? Nabuo mo na eh"

"Annie, lahat naman kayang mabuo yan, pero ikaw lang dapat ang kusang magbuo niyan."

"Why? Para saan?"

"Kasi sayo yan... Sayo binigay yan, kaya sorry Annie..."

"Ayos lang... Sige, salamat... Bubuoin ko toh, para sakanya"

"Ganyan... HAHA... Tsaka isa pa, kayang kaya mo yan!" sabi ko

"Talaga?"

"Oo naman, ikaw pa ba? Ang talino mo kaya"

Bigla kong naramdamang may nahulog mula sa bulsa ko. Ano yun.

"Uy Ghav! Ano toh?" tanong niya.

"Yun alin" tanong ko.

"Eto" sabi niya. Inangat niya yung panyo. Teka, panyo... Etong panyo na toh? Eh ang naalala ko tinabi ko lang toh kanina.

"Wala yan" sabi ko.

"Oop! Sandale" sabi niya. Tinignan niyang maigi yung panyo. Para siyang nag i investigate. "Xavion M.? French name ah... Sino toh?" tanong niya

"Ahm, ahh... Kaibigan ko"

"Kaibihan mong lalake?"

"Oo..."

"Ghav, alam kong wala kang kaibigan sa lalake dahil hindi ka palakaibigan at di ka active sa social media sa real world"

"Huh? Pano mo nalaman yan? Sinong nagsabi syao ng mga ganyan?" tanong ko

"Marunong akong bumasa ng tao. Nalaman ko yun nung halos hindi ka makipag usap sakin noon. Kung normal na tao, kakausapin ka niya at dadaldalin ng mga walang makabuluhang bagay. Tsaka hula ko lang na wala kang kaibigang lalake. Napaka defensive mo kanina... So ano yan? Sino yan"

"Okay okay... Sasabihin ko basta sa atin lang ha..."

"Sige..."

"Nung nasa abandoned building kasi ako, may lalakeng program na nakakita sa akin. Pero di tulad ng ibang program, nakikipag usap siya sakin. As in lahat ng sasabihin ko may sagot talaga siya"

"Woah! Impossible yata yan. Kasi lahat ng program may specific lang na sinasabi... Maliban siguro kung special program siya"

"Special program? Ano yun"

"Yun yung mga programs na naiiba sa lahat. Merong kakaiba sakanila na wala sa ibang program. Makikita mo yung sa damit nila. Nakasulat sa harap yung 'Special Program' na nakasulat"

Inalala ko yung damit nung lalake. Diko naman maalala.

"Diko naman maalala... Eh! It doesn't matter! Wala naman akong pake eh."

"Weh... Oh siya, eto na yung panyo oh. Sun muna ako, wag kang mag alala Diko ipagkakalat" sabi niya tsaka umalis.

Hay...
__

Umm... Tatlong araw na pala ako dito sa game. Ilang oras na kaya akong nawawala sa real world?

Bumangon na ako at nagbihis. Nakita ko nanan yung panyo.

"Xavion M."

Naalala ko nanaman yung masungit na program na yun! Kainis talaga.

Bumaba na ako at sumakay dun sa sasakyan namin. Nadaanan namin yung abandonadong building.

Kainis talaga. Talagang nakakainis! Hays!

Game day pala ngayon. Anong uri ng game nanaman yan?

Pagbaba namin sa university, dumeretso agad kami sa building namin. Umupo ako sa upuan ko at naging tulala.

"Good day! Admin Nikkimmy here. Today is game day. Be prepared everyone dahil connected na toh sa Puzzles... Good luck" sabi nung babae sa screen.

Humarap. Naman ako kay Annie.

"Oh Annie, okay toh para kahit papano makakatulong sa knowledge mo para mabuo yung puzzle box mo" sabi ko.

"Ewan ko lang..." sabi niya.

Game day ngayon, alam kong dapat makipag participate at mag focus ako. Pero lutang padin talaga ako eh.

Ewan ko pero iniisip ko padin yung Mr. Program na yun. Ewan ko kung bakit. Eh paano, mysterious na nga masungit pa. Hay! Tapos may pa souvenir pang panyo. Hay Mr. Program...

Game DefiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon