Chapter 6 (Leah Winter POV)

91 20 4
                                    

Ang bilis kong matapos magluto naluto ko lahat ito ng isang oras.

Inihain ko na ang mga ulam at tinawag ko si yaya na sumabay saamin.

"Sir kaarawan po ng anak ko bukas maari po ba akong mag day off ng dalawang araw?" Tanong ni yaya kay Alvis.

Tinignan lang ito ni Alvis at tumango.

Nang matapos na kami kumain hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin habang si Alvis nanonood sa sala.

Pumunta ako sa kwarto at kumuha ako ng dalawang beer sa maliit na refigerator.

Dumaretso agad ako sa swimming pool umupo at nilagay ang aking mga paa sa tubig.

Binuksan ko ang isang beer at di ko namalayan na may pumatak na luha sa aking pisngi.

"May problema ba?" Pag aalalang tono ni Alvis at tumabi saakin.

"Wala Alvis" at pinunasan ang tumulong luha.

"Naalala ko lang yung araw na tumakas ako sa mga demonyong iyon, hinahabol nila ako. Hindi ko na alma kung anong nangyayari sa bahay namin simula ng nawala ako" mahabang linya ko at tuluyan ng umiyak.

Kinuha ko yung beer at ininom.

Nilagay ni Alvis ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Don't cry baby im here, magkikita rin kayo ng mama mo" sabi nito saakin at kinuha ang isang beer upang inumin ito.

"Alam mo Leah hindi naman ako ganto dati eh, nagbago lang ako dahil kay papa. Si papa nalang ang natira sakin. Nagbago ako dahil sa kanya simula nung pinakilala ni papa si Casidie Rayne Serrani. Pinapabayaan ko nalang ito kung anong gusto niya kahit ang totoo naiirita ako sa boses at kalandian niya at....

Di nito natuloy ang sasabihin ng may biglang sumigaw na impakta ang tono.

"Alvis baby! Sino yang haliparot na kasama mo!" Sigaw ng hindi ko kilala.

"Tumigil ka nga Cass!" Sigaw ni Alvis sa babaeng nagngangalang Cass.

Jusmiyo mukhang color book yung mukha ang kapal ng kilay tapos yung pisngi nito parang sinampal ang mag asawang sampal tapos yung lipstick lagpas lagoas pa.

"So ikaw pala yung humaharot sa fiance ko" yung boses nito parang nakalunok ng microphone sa lalamunan.

"Sino ka ba?" Mahinahon na saad ko.

"Fiance ako ni Alvis" sabi nito sabay pakyut kay Alvis.

Yung mukha nito ay kamukha ng bulldog.

"Umalis kana dito cass" seryosong saad ni Alvis.

"Che!" Sigaw ni Cass saamin at tinarayan pa ako binelatan ko nga.

Bago umalis si Cass nag flip pa ito ng hair at bibe kung maglakad.

At pagkahakbang nito natapilok ito.

Nagtinginan kami ni Alvis at sabay na humalaklak ng malakas.

"Karma mo yan ghorl" sabi ko rito habang hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

Bigla naman ako nitong binad finger at inayos ang sarili bago umalis ng bahay.

"Di mo sinabe tanga rin pala yung Cass na yon" sabi ko at tumigil na sa paghalakhak.

"I told you mapaghahalataan mo sa pangalan palang" sabi ni Alvis at umupo ulit sa pool.

"Kukuha pa ako ng beer" sabi ko at umakyat sa kwarto.

[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon