Chapter 41 (Leah Winter POV)

19 1 0
                                    

Hindi ako close sa demonyo kong stepfather wala din akong mabuting asal para dito tanging ang mama ko lang ang nirerespeto at ginagalang ko.

Sinunod ko na ang sinabi ni papa lumuhod ako sa halamang nasa kanan at nakita ko nga ang susi ng condo ni papa.

Time check it's already eight in the evening. Pumasok na ako at ginala ang tingin sa loob ng silid. Binuksan ko na ang switch ng koryente at binuksan ang mga ilaw.

May malaking cork board na nakadikit sa pader. Malinis ang kwarto tinignan ko ang maliit na office table na nasa gilid sa bandang bintana.

Binuksan ko ang mga kabinet na nandoon may nakita akong isang itim na bag binuksan ko ito at may laman itong laptop.

May printer din sa ilalim ng kabinet. Binuksan ko na yung laptop at maghahanap ako ng iba pang impormasyon kila Cas at Karl at sa mga demonyo kong tito.

It's already ten in the evening inabot din ako ng tatlong oras kakahanap ng impormasyon sa kanila pero wala pa din akong nahahanap na lead.

Pero ilang minuto ang lumipas ay nakuha agad ang atensyon ko sa profile ng stepfather ko.

John Edward, he is early fifty na ito. Nagkaroon din ito ng asawa dati at ang pangalan ay Isabelle Gonzales—Edward may anak sila na pangalang Kenneth Edward. Hindi kasal ang mga ito. May kompanya din silang pinapamahalaan. Hindi inaruga ni John ang anak at dating asawa nito dahil binigyan lamang ito ng kalating kayamanan at si mama na ang pinagtuunan nito ng pansin.

Tinuon ko naman ang paghahanap ng impormasyon sa dating asawa ng demonyo kong stepfather.

Si Isabelle Gonzales nasa early fourty na ito dati ay nagtratrabaho ito sa astro bar na kung saan ay puro mayayaman ang nagtutungo dito. Nakilala ng stepfather ko ang dati nitong asawa sa astro bar dahil lasinggero ito noon.

Prinint ko na ang mga ito at inihiwalay sa folder. Naghanap ulit ako ng bagong impormasyon tungkol sa kapatid kong si Ashleah Winter. Si Casidie Rayne Seranni.

Si Ashleah Winter ay matagal ng nawala at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ito. Wala ng kontak o komunikasyon ang mga kamag anak ni Ash. Hindi din alam kung buhay ito o patay na.

Si Cas naman ay may sariling kompanya at mayroon itong kasintahan na nagngangalang Lester Montefalco. Nagsumikap ito upang makapagtapos ng pag aaral. At sa tulong ni Lester ay yumaman silang dalawa.

Si Ashleah at si Cas ay iisa hindi kami magkadugo pero itinuring ko itong parang tunay na kapatid. Pero pinairal nito ang selos at inggit sakin.

Madalas kong napapansin na hindi nagpupunta samin si Cas, si Ashleah nagtataka ako dahil nitong mga nakaraang araw ay ang sabi nila Alvis na may importante itong pinupuntahan.

Ano pang tinatago niyo? bulong ko at idinikit ang mga picture nila Karl, Lester at Cas—Ashleah sa corkboard. Susubukan kong itrace ang cellphone number nito at susubukan ko ding sundan ito.

Madalas itong nagpupunta sa isang subdivision malapit dito sa Quezon City at malapit lang dito iyon sa mansion ni Alvis.

Prinit ko naman ang mga ito at pinagsama sa iisang folder. Naghanap pa ako ng ibang impormasyon tungkol kay Karl Andrei Sebastian at kay Lester Montefalco.

Hinack ko ang ibang agencies sa ibang bansa upang makahanap lamang ng impormasyon pero wala akong makita siguro binura na nila at binago ang tungkol sa sarili nila.

Kinuha ko na ang cellphone ko at nagtaka ako dahil ang daming missed call kay Alvis. Tinawagan ko ito.

"Baby bakit? May problema ba?" Tanong ko dito.

"Umuwi kana, kung gusto mo susunduin kita isend mo lang sakin ang lugar kung nasaan ka" saad nito.

"Sige sunduin mo nalang ako ipapahatid ko nalang ang kotse ko bukas ng maaga" saad ko.

"Papunta na ako" saad nito kaya sinend ko na ang location kung nasaan ako ngayon.

Tinago ko na ang mga folder sa isang walang lamang kabinet babalik nalang ako dito bukas.

Ilang minuto ang lumipas ay may kumatok binuksan ko ito at nakita ko si Alvis inayos ko na muna ang sarili ko at pinatay na ang switch ng kuryente.

[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon